Kabanata 30Sacrifice
"Uh? Guys? Why are you speaking alien language? Can someone translate it?" Tanong ni Haisley pero walang sumagot sa aming tatlo.
'Shit! Hindi ko alam na marunong mag espanyol si Aiken!'
Hindi naman na nakapagsalita sila dahil dumating na ang prof namin ngayon. Hindi naman ako mapakali habang nagdidiscuss ang prof at panay ang pagkagat ng labi ko dahil sa kaba.
'Alam na ni Marcux, Suja, Rhed, at ngayon si Aiken naman. Damn! Can it be more than worse?!'
Tulala ako hanggang sa matapos ang klase at panay ang sulyap ko kay Aiken na walang kibo na inaayos ang gamit niya.
Nauna siyang lumabas kaya agad ko siyang sinundan sa takot na may pagsabihan siya at hindi na nakapagpaaalam sa kanila.
"Aiken!" Tawag ko sa kanya.
Huminto siya nang makapunta na kami sa parking lot at hinarap ako.
"Magpapaliwanag ako. Huwag mong sabihin kay Devon, please?" Pagmamakaawa ko.
"Pagbibigyan kita ngayon lang. Magkita tayo sa parking lot ng condo ninyo" malamig na sabi niya at sumakay ng kotse niya at pinaandar iyon.
Napabuntong hininga ako at lumapit ako a kotse ko. Akmang sasakay na ako nang matigilan ako nang makarinig ako ng tunog ng stilettos na papalapit sa akin.
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang nakangising si Margaux.
"So, you're not Krizia, huh?" Nakangising sabi niya at agad akong kinabahan.
'Shit! Shit! Shit!'
"What are you talking about?" Patay malisya na tanong ko.
"Oh, don't lie to me, who-ever-you-are" sabi niya sa akin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo" pagsisinungaling ko pa.
"I can understand a little spanish, bitch. At narinig ko ang sinabi ng Chester na iyon" sabi niya at tuluyan na akong natigilan.
"So, you're an impostor. What's your motive? Seduce Max? Oh, no doubt. You look like a slut anyway" Dagdag niya at lumapit sa akin
"Ito na talaga ang huling babala ko sayo, bitch. Layuan mo si Max kung ayaw mong lumabas ang baho mo. Akala mo ba mauuto mo ako? Ano sa tingin ko sa akin? Tanga? Alam ko namang nagkikita pa rin kayo ni Max. Kaya huwag mo akong lokohin" sabi niya at iniwanan na ako.
Tulala ako habang nagda-drive pauwi. Hindi ko alam kung kailan ako nakadating sa parking lot basta natauhan nalang ako ng pumasok si Aiken sa kotse ko.
"Anong ibig sabihin ni Chester na hindi ikaw si Krizia? Naguguluhan ako. Ikaw si Krizia, hindi ba? I mean, walang iba sa iyo" sabi niya matapos ng mahabang katahimikan.
Bumuntong hininga ako saka tumingin sa kanya. Bakas nga na naguguluhan siya sa nalaman niya.
"Kapatid ko si Krizia. Twin to be exact. I'm Crisha Seraphina Silicious. She asked me to pretend to be her in this school year so she can be with me in my school with my friends" sabi ko at kumunot ang noo niya.
"Bakit kailangan ng ganito? Bakit hindi nalang siya makipagkaibigan sa kaibigan mo? Para walang gulo?" Tanong niya.
"Hindi ko rin mabasa ang isip niya at ganoon din ang naisip ko nung una pero hindi ko na tinanong. Call me stupid but I can't say no to my mother and to my sister" sabi ko.
"Why?" Tanong niya.
"Family issues. Mahabang-mahabang kwento" sabi ko at bumuntong hininga.
"Please huwag mong sabihin kay Devon. Hayaan mong ako ang magsabi sa kanya. Kaonting panahon lang ang kailangan ko" dagdag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...