Kabanata 1

982 48 11
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

NATHAN'S POV

Gusto kong magpahinga.

Gusto kong magpahinga.

Tangi kong sambit habang naka-upo sa aking kama dahil hindi ko magawang humiga dahil kailangan ko pa tapusin ang school works ko.

Hi ako nga pala si Nathan Marshall isang High School student, Grade 10 at straight pero walang jowa.

Marami akong naging karelasyon ngunit walang nanatili dahil sa pagiging playboy ko. Yes, playboy ako dahil di ko magawang makipag seryosohan sa lahat ng babaeng nagugustuhan ko. Sabi nila immature pa daw ako kase patol daw ako ng patol pero di ko daw magawang serysohin sila. Anong magagawa ko eh playboy ako ng ipanganak at di ko kasalanang maging gwapo.

Cute ang madalas nilang itawag sa akin kaysa sa pagiging gwapo, ewan ko ba dahil ata sa tangkad ko, may lumalabas na dimples pag ngumingiti, payat at may napakatamis na ngiti.

Natapos ko ang school works ko ng hatinggabi na kasi pinagpuyatan ko ito dahil ako na lang sa klase ang hindi nakakapagpasa. Pilyo.

Agad ko ng ibinagsak ang katawan ko sa kama at nahiga nang nakahubad ang pang itaas dahil nasanay ako.

-Kinabukasan-

Nagising ako sa malakas na busina ng aking ama na ibig sabihin nito ay sumesenyas ito na patungo na siya sa trabaho. Ang tatay ko ay isang sundalo at naka duty malapit lang sa bahay namin kaya naman may oras siya umuwi at bisitahin kami ni Mama.

Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso ako sa banyo, naligo at nagsepilyo. Pagkatapos nito ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na ako para mag almusal. Kita ko si Mama na naghahain ng aking pagkain at naroroon na ang aking kasabay patungong school na si Drake.

Si Drake ang isa sa pinaka mabuti kong kaibigan at kababata ko ito. Parati ko siyang kasabay pumuntang school dahil magkapitbahay lamang naman kami. Kapag ako ang nauuna na lumabas ay diretso ako sa kanila para intayin, kumabaga intayan kami papuntang school.

Mabuting kaibigan si Drake lalo na pagdating sa mga kabalastugan kong ginagawa ay pinagtatakpan niya ako sa aking Papa na sobrang istrkto. Siya lagi ang nasasabihan ko pagdating sa problema at madali siyang pakisamahan.

"Tagal mo naman" reklamo ni Drake.

"Naghintay ka lang ng kaunting minuto matagal na agad ako?" sabi ko sa kanya.

"Good Morning anak!" bati sa akin ni Mama at humalik. Agad akong umupo sa tabi ni Drake habang ang aking ina ay pinagsasandok ako ng pagkain.

"Baby na baby ka ah" pang-aasar na bulong sa akin ni Drake.

"Manahimik ka nga, 'di naman nakakabawas ng angas yon at saka ina ko naman yan" paliwanag ko.

"Natapos mo na yung project?" pag-iiba ng usapan niya.

"Oo kagabi pa" tugon ko.

"O eto Nat kainin mo na yan at malalate na kayo ni Drake" iniaro sa akin ni Mama ang plato para kumain na ako. "Drake sabayan mo na si Nat" dagdag ni Mama.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon