Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
——————
<KINABUKASAN>
——————
Nagising ako sa malakas na alarm clock na nilagay ko sa aking telepono.
"Shit mala-late na ako" napatingin ako sa orasan at tila baka kanina pa akong ginigising ng alarm.
Agad akong nagmadaling bumangon, naligo, nagsipilyo at dali-daling nagbihis bago lumabas ng kwarto.
Agad akong lumabas at di na kumain pa at malapit na akong malate. Nagpunta ako sa pinaghihintayan ko kung saan dati nadaan ang kotse ni Drake.
Oo nga pala magkagalit kami.
Malungkot akong naglakad patungo sa labas ng villa at nag-aabang ng taxi. Buti na lang ay napadaan sa gawi ko si Gerald.
"Sakay na bilisan mo at baka lalo ka malate" agad na binuksan niya ang bintana kaya naman agad akong nagmadaling sumakay sa kotse niya.
Isang araw pa lang namimiss ko na ang paghatid ni Drake.
"Nasan si Drake at parang di ka sinusindo ngayon ah" mabilis na pagmamaneho ni Gerald habang nagmamaneho.
"Magkagalit ka pare" malungkot sabi sa kanya.
"Ano ba talagang nangyari kahapon? Bakit may sunog doon na papel at may cake na red ribbon na pinakain ata ni Drake sa aso" nagtataka nitong tanong.
"Akala niya sa akin galing yun" mahinang sambit ko sa kanya.
"Eh kanino ba galing yun at bakit inakala niya na sa'yo yun galing?" tanong agad ni Gerald sa akin at mukhang seryoso siya.
"Kay Shaina"
"Yung ex mo?" napasigaw siya. "Do'ba magkasama lang sila kahapon?"
"Oo at si Shaina ang nagpabigay nung cake at explosion box at inutos niya sa akin na sabihin na sa akin galing yun kaya naman sinunod ko at naniwala naman si Drake" malungkot kong paliwanag sa kanya.
"Nako husay, kailangan maayos mo agad yan pare, alam mo naman kung gaano magalit si Drake diba?" payo sa akin ni Gerald.
"Oo nga pala saan ka nga pala pupunta ng ganitong kaaga?" tanong ko sa kanya.
"Ang totoo sabi ni Drake na bantayan daw kita sa labas ng Villa at wala ka daw masasakyan lalo na at late ka lagi kung pumasok" nagulat ako sa sinabi niya.
Sa kabila ng nangyari kahapon nagawa niya pang mag-aalala sa akin.
Pero bakit?
"Wag mo na lang banggitin kay Drake na sinabi ko sa'yo basta pinahahalahanan kita kung sakali man na magbati kayk ni Drake wag mo na ulitin dahil sensitive si Drake alam mo yan" mariin niyang sabi at alam kong pinapayuhan niya lang ako.
"Salamat pare, wala kabang balak pumasok?" tanong ko agad sa kanya.
"College na ako pare at mamaya pa pasok ko, wag mo akong alalahanin" sabi niya.
Di na ako umimik at maya-maya pa ay n nasa may tapat na ako ng school sa pagkakahatid sa akin ni Gerald.
"Salamat pare" sabi ko agad sa kanya at agad na binuksan ang pinto dahil sa pagmamadali. "Sige ingat, bilisan mo at malalate ka na" sabi nito sa akin habang akoy naglalakad papalyo.
Tayakbo akong nagpunta sa room at aksidenteng may nakabangga ako.
"Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" inis kong banggit sa kanya at bigla naman itong nalatingin sa akin.
"Raz?" tawag ko agad sa kanya.
"Sorry par nagmamadali ako eh pasensya na" sabi agad nito habang nakayuko.
"Sige" yun na lang ang tangi kong nasabi habang tinalikuran ko na agad siya at nagtatakbo sa daan habang papunta sa room.
Bakit nagmamadali si Raz? At bakit puro bugbog siya?
Di ko muna ito inisip at agad ako pumasok sa room. Para akong hinuguta ng tinik sa dibdib ko.
Buti na lang wala pang teacher. Haystt.
Hingal na hingal akong napa-upo sa upan ko habang si Justin at Andrew naman ay biglang tumabi sa akin at nagtanong.
"Oh bakit ngayon ka lang? Nasan si Drake bakit di mo siya kasama?" bungad na tanong agad sa akin ni Andrew.
"Di ko alam, akala ko nandito na siya?" sabi ko sa kanila.
"Tungek ang alam namin ay magkasabay kayo papasok, diba lagi naman kayo magkasabay? Anyare mukhang di kayo magkasabay ngayon?"
"Nako magkagalit yung dalwa" sabi agad ni Justin kay Andrew.
Ikinuwento naman ni Justin ang kanyang nalalaman at dinugtungan ko naman ang iba pang detalyeng sinabi niya.
"Nako pare, laking problema yan" sabi agad ni Andrew pagkatapos naming magkwento. "Kung yun ang dahilan edi dapat gumawa ka ng sarili mong ganon o kaya dagdagan mo pa ang regalong ibibigay mo sa kanya" rikomenda sa akin ni Andrew para magkabati kami.
"Anong tingin mo kay Drake babae? Jowa ni Nathan?" angal agad ni Justin.
"Di naman, pero kaibigan niya si Drake diba? At alam naman natin na maingat at simpleng tao lang si Drake kapag binibigyan ng regalo, eh halos nga nung binigay natin noon sa kanya ay di ako nagkakamali ay nakatago pa din sa cabinet niya"
May punto ang sinabi ni Andrew at mukhang kailangan ko mag-effort para magkabati kami.
"Eh nasan si Drake?"
☀️
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
Fiksi PenggemarMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...