Kabanata 28

243 22 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Niyaya ko si Drake na pumasok muna sa loob at inakay naman niya ako kahit papaano para makapag-bihis kami pareho dahil basa kaming dalawa dahil sa pagkakahulog ko sa pool.

Mahal niya din ako.

Kinikilig ata ako sa ginagawa sa akin ni Drake. Akay-akay niya ako papasok ng bahay ko at nakatingin lang ako sa mga mukha niya na mala-anghel at makinis at maputi nuyang mukha.

"Oh bakit basang-basa kayo? Anyare sa'yo Nathan? Ikaw talaga napaka-pasaway mo, pumunta dito si Drake ng tuyo pauuwiin mo ng basa" pag-aalala ni Mama.

"Tita ayos lang po, nahulog po kasi sa pool si Nathan kaya niligtas ko siya" paliwanag ni Drake.

"Ikaw talaga Nathan wala ka ng magawang matino, nag-iinom ka mag-isa tapos kung hindi dumating si Drake baka nalunod ka na sa pool" galit na sabi ni Mama. "Teka maghintay kayo diyan at kukuha ako ng tuwalya niyo, basang basa kayo"

"Drake?" mahinang tawag ko sa kanya.

"Oh?" tipid niyang tugon.

"Totoo ba na ako ang unang minahal mo at matagal mo na ako gusto?" nakayuko kong sabi sa kanya.

"Hmm" tipid na muli niyang sagot.

"Bakit di mo nagawang umamin sa akin?"

"Natatakot ako na baka iwasan mo ako, di ko kaya yun Nathan" di siya makatitig sa akin ng diretso kaya tumingin na lang siya sa langit at nagsalita. "Mahal kita kaya sinarili ko yung nararamdaman ko para sayo, baka kase ipagtabuyan mo ako at di mo ako kayang tanggapin dahil sa pareho nating kasarian" namumuo na naman ang luha niya. "Di kita kayang mawala sa tabi ko Nathan, di ko kaya" niyakap ko siya ng mahigpit.

Sa mga sinabi ni Drake ay ngumiti ako.

Di ko din kaya mawala sa buhay ko Drake.

Di ko alam ang mararamdaman ko dahil sa halo-halong emosyon. Lalo akong nahuhulog sa kanya dahil yun pala ang nararamdaman niya sa akin.

Napakasaya ko.

Napalitan yung sobrang sakit na naramdaman ko ng sobrang saya.

Gusto ko maging akin ka Nathan.

"Tss mukhang malamig ah? Diyan pa kayo nagyayakapan" nagulat kami ng may biglang umimik mula sa likuran namin kaya napa-alis ako sa pagkakayakap ko kay Drake.

"Anong ginagawa mo dito Gerald?" seryoso kong tanong.

"Kayo dapat ang tinatanong ko, anong ginagawa niyo at bakit kayo nagyayakapan. May hindi ba ako nalalaman tungkol sa inyo?" pagtatakang tanong niya.

Kinabahan ako, ankng sasabihin ko? Napatingin ako kay Drake at tila kinakabahan ako baka lanina pa siyang nasa likod namin at nakikinig.

"Tss nilalamig si Nathan Gerald kaya napayakap siya sa akin, kita mi naman diba basang basa kami" nakahinga ako ng maluwag sa palusot ni Drake.

"Oh Drake at Nathan, ito na tuwalya niyo" si Mama ang biglang nagsalita mula sa likuran namin at agad naming kinuha ito. "Oh Gerald nandito ka pala" dagdag ni Mama."Pumasok na muna kayo at dito na kayo mag dinner"

Agad kami pumasok sa bahay pagkatapos naming punasan ang katawan namin at si Drake naman ay walang saplot pang-itaas kaya yung tuwalya muna ang pinangbalot niya.

"Teka Drake kuha muna ako ng damit mo" sabi ko.

"Sige" mabilis niyang tugon.

Agad akong tumaas ng kwarto at kumuha ng damit ba kasya kay Drake, magka size naman kami pero ang ibig kong sabihin yungbabagay sa kanya.

Yung lalo ko siya magugustuhan.

Aksidente muli akong napatingin sa scrapbook, explosion box at yung letter na ginawa ko. Napangiti ako dahil may lakas loob na ako na ibigay sa kanya yun dahil magkabati na kami.

Sana magustuhan niya.

Pagkatapos ko kumunga ng damit ay dinagdagab ko na din ng underwear at short dahil buong katawan niya ang nabasa.

Ayaw ko na matuyuan siya ng tubig sa katawan baka magkasakit na naman siya.

"Ito Drake" iniabit ko yung susuotin niya. "Dun ka na lang magpalit" tinuro ko yung pinakamalapit na banyo at ako naman ay bunalik muli sa taas para magpalit naman ako para sa sarili ko.

Nilalamig na din ako.

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon