Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Nagsimula na ang klase at wala pa din si Drake. Nakatingin ako sa labas habang tinatanaw ang tahimik na kalangitan at iniisp kung bakit di pa dumadating si Drake.
Anong nangyari sa kanya?
"Mr, Marshall" malakas na sigaw ng teacher namin na si Ma'am Asuncion.
"Y-yes Maam" taranta kong tugon at tumayo agad at ibang klaseng magalit to.
"Answer my question!" galit ng tono niya.
"What's the question Maam?" inosente kong tanong.
"Get out my class Mr, Marshall" turo niya sa labas at mukhang nagagalit.
At dahil nga siraulo ako ay nagawa ko pang magbiro sa kanya dahil matagal na akong naiinis sa kanya at walang balak makinig sa science dahil puro lang naman siya school works eh mabibilang lang ang discussion niya sa loob ng isang semester.
"Is that your question Maam?" pamimilosopo ko.
Tumawa ang buong klase dahil sinadya kong isagot talaga yun at ginawa kong inosente ang mukha ko at kunwaring walang nalalaman. Wala naman talaga.
"I said get out" pag-uulit nito.
"Okay" sabi ko at naupo sa sinabi niya at binalak kong pikunin talaga siya.
"Mr, Marshall" sigaw muli nito at tumayo ulit ako.
"Yes maam?" pigil kong tawa habng sinasagot siya.
"At bakit umupo ka? ang sabi ko get out" mariin niyang sabi.
"I already answered your question Maam, bawal pa po pala umupo. What's the another question" mayabang kong sabi.
Biglang tumunog ang bell ay aksidente akong napasigaw. "Yessss"
"Okay, class dismiss and Mr, Marshall get ready tomorrow para sa special project na ibibigay ko sa'yo" mataray nitong sabi sa akin.
"Okay Maam ingat po kayo" pang-aasar ko.
Agad naman akong binatukan nina Justin at Andrew. "Tae ka ginalit mo si Maam Asuncion" si Justin. "Paano kung magpasurprise quiz na naman bukas yon" dagdag nito.
"Edi mag-aral kayo mamaya" parinig ko sa lahat ng klase.
"Loko ka na talaga pare, teka bakit wala pa si Drake anong nangyari na don" pag-aalala ni Andrew.
Ako din nagtataka at di naman maalam yun lumiban at di ako nagkakamali ay ito kauna-unahan niya. Masipag mag-aral si Drake at higit sa lahat matalino. Nangunguna siya sa top at habang si Justin naman ay kasunod nito habang kami ni Drake at nagpaoataasan din sa huking ranking.
Lunch na namin at tila wala pa din akong nakikitang kahit isang anino ni Drake. At maya-maya habang kumakain kami sa canteen nina Justin at Andrew ay naoatankng naman sa akin si Andrew.
"Pare ano nga pala balak mo kay Drake mukhang gakit sayo at lumiban pa talaga" sabi agad ni Andrew.
"Baka may sakit lang" sabi agad ni Justin.
"Edi sana alam natin at nagchat siya sa gc kung ganoon at di siya nagsabi sa atin na liliban yun"
"Sabagay" sang-ayon na sabi ni Justin. "Eh ano ngang balak mo? Gagawan mo din ba siya katulad ng ginawa ni Shaina para sa kanya?" tanong ni Justin sa akin.
"Ewan" aniya ko.
"Anong ewan? Gusto mo ata magtagal ang galit sayo at di ako nagkakamali ay matagal na kayong magkaibigan at magkakababata pa!" sabat agad ni Andrew.
"Oo nga pare, kung gusto mo tulungan ka namin maggawa" prisinta ni Justin at tumango naman si Andrew.
"Oo nga, mamaya punta kami sa inyo at bukas ibigay mo agad" si Andrew.
Mukang seryoso at sincere naman ang alok nila sa akin at pumayag naman ako. Agad naman kami bumalik sa room at umattend ng paghapong klase. Matapos ang klasd ay pumunta muna kami sa bayab upang mamamlemgke ng materyales. At bumili na din ako ng cake sa red ribbon at ang nakalagay ay 'Sorry Drake, from: Nathan 💙' mas malaki binili ko syempre para makabawi. Sana magustuhan niya sana magka-ayos na kami.
Di ko alam na di ko pala kakayanin na wala akong Drake sa tabi ko dahil nasanay ako na lagi siyang kasama kahit saan ako magpunta.
Pagtapos naming mamimili ay agad kami nagdiretso sa bahay at habang dumadaan kami sa may tapat nina Drake ay tahimik at tila walang tao.
Asan na kaya siya.
Nakarating na kami sa bahay at nagdiretso kami sa sala at doon naggawa habang ang cake naman na binili ko ay agad ko nilagay sa ref para di manlambot o matunaw ang icing nito sa loob.
Habang naggagawa kami ay nirekomenda ko kina Andrew at Justin na sa amin muna matulog kahit may pasok kami bukas,. Binigyan ko sila ng pamalit at pati sarili kong underwear ay pinahiram ko na din at pumayag naman ito na doon matulog. Sinabi ni Justin na lalabhan daw niya yung uniform namin para may maisuot daw kami bukas.
Habamg kami ay naggawa ni Andrew sa sala ay natapos na yung explosion box niya at habang ako naman ay nagsusulat ng letter at nagsosorry.
"Grabe pare ibang effort na to baka siguro sumaya na at magkabati na kayo niyan ni Drake" sabi ni Andrew habang dinidikit ang litrato nito sa box.
Di ko alam kung bakit kailangan ko to gawin, di ko naman siya jowa at never ko pa tong ginagawa sa mga nakarelasyon ko.
Napakaswerte mo Drake ang isang gwapong tulad ko na kaibigan mo gagawan ka ng ganito ka effort para magka-ayos tayo.
🐰
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...