Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Makaraan ng ilang minutong pagmamaneho ni Gerald ay nakarating na kami sa ospital. Naghahalong kaba at hiya ang pagbisita ko sa kanya dahil di ko mawari kung matutuwa ba siya sa pagdalaw ko, namin.
Nakakita ako ng magtitinda sa labas ng prutas at sakto ay paborito ito ni Drake, apple at orange.
"Teka saglit lang" pigil ko sa kanila na tangka ng pumasok sa loob ng ospital. "Bibili lang ako" sabi ko sa kanila at direkta na akong naglakad patungo sa magtitinda.
"Ano yan peace offering?" rinig ko mula sa likuran si Andrew na patawa-tawa pa.
"Ate tig-1 kilo po" sabi ko sa magtitinda.
Binigyan naman agad ako nito ng tig-isang kilo at binayaran ko na agad pagtapos niyo ibigay. Agad na akong lumapit kina Andrew, Justin at Gerald na naghihintay sa akin malapit sa pintong papasok ng ospital.
"Mauubos ba yan ni Drake?" si Justin.
"Oo tig-isang kilo lang naman yan" nakangiting sabi ko.
"Anong tanong tatanggapin kaya niya yan?" seryosong sabi ni Gerald.
Kanina ka pa ah problema mo?
"Oo" direkta kong tugon na walang pag-aalinlanagan.
Pero sana nga tanggapin.
Naglalakad na kami patungo sa room kung saan naroroon si Drake at maya-maya pa ay nakarating na kami. Si Gerald ang unang pumasok at sumunod naman si Justin at Andrew habang ako ay nahuhuli at di ko malaman kung tutuloy pa ako dahil parang ang bigat ng paa ko kung maihakbang ko papasok.
"Drake nandito na kami" sabi agad ni Gerald pagpasok ng pinto.
Nagulat ako ng pagkatingin ko sa loob na nakahiga si Drake tapos katabi niya si...
Shaina?
Anong ginagawa niya dito at bakit magkahawak sila ng kamay.
"Ehem" parinig ni Amdrew. "Amoy pag-ibig ah" nakangiting nakatingin sa dalwa si Andrew sa kanila habang si Drake naman ay nakakunot noo sa kanya.
"Mukhang magkakajowa na si Drake" biro ni Justin.
"Di naman nag-uusap lang kami" pabebeng tono ni Shaina.
"Ano kayang pinag - uusapan?" birong tanong niya sa kanila.
"Tss tumigil ka nga Andrew" saway ni Drake sa kanya.
Di siya tumitingin sa gawi ko at parang nahihiya akong iabot ang pasalubong ko sa kanyang prutas at parang ayaw ko na iabot kase andami ng prutas na nakalagay sa table niya.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...