Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Nagising ako kinahapunan sa pagkakatulog ko sa aking silid. Agad akong bumangon at pumunta sa kusina para magtingin tingin ng pagkain. Nakita ko si Mama na naroroon kaya agad akong lumapit sa kanya at nagtankng ng maaaring kainin.
"Mama" sabay halik ko sa pisnge ni Mom.
"Amoy alak ka pa anak, naligo ka na ba?" sambit ni Mama.
"Di pa po, mamaya po pagka-kain ko" sabi ko. "Mama ano ulam?" dagdag ko.
"Adobo at sinigang, kumain ka na agad para makaligo ka ang pangji mo"
"Grabe si Mama parang di anak ang kausap" biro kong tampo sa kanya.
"Siya sige wag ka na maligo" seryosongsabi nito sa akin habang nagluluto.
"Joke lang naman Mama, di kayo mabiro" bigla akong yumakap sa kanyang likuran.
"Yan, dyan ka magaling sa kalokohan, kumain ka na at maligo kana"
Agad akong kumuha ng plato ang sariling kumuha ng pagkain sa kusina. Marami akong nakain dahil puno ng alak ang tiyan ko halos maubos ko ang laman ng roce cooker sa kagutuman ko. "Hinay-hinay baka di ka na makakain mamaya" sabi ni Mama. "Gutom lang mah" tugon ko.
Pinagpatuloy ni Mama ang pagluluto habang ako ay patapos na kumain. Pagtapos ko kumain ay agad ko nilagay ang aking kinainan sa lababo at hinugasan na ito. Umakyat na ako sa aking silid at kumuha ng damit at dumiretso sa banyo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at naalala ko na naman ang ginawa sa akin ni Drake.
Chill wala siyang alam. Lasing siya. Lasing... sabi ko sa sarili ko pero may bumabagabag pa sa isip ko ng may sinabi si Drake kagabi.
"Ako ang parating nasa tabi mo pero iba ang hanap mo"
"Ako ang parating nasa tabi mo pero iba ang hanap mo"
"Ako ang parating nasa tabi mo pero iba ang hanap mo"
Wahhh mukhang sasabog na ang ulo ko sa kalituhan sa ginawa sa akin ni Drake. Di maaring may gusto siya sa akin dahil malabo. Matagal na kami magkaibigan ni Drake at ngangayon lang nangyari ito. Straight siya dahil halata naman sa galaw nito. Siguro lasing lang siya talaga kahapon kaya kung anu-ano ang pinagsasabi niya kagabi.
Pero sa tagal naming magkaibigan ni Drake wala pa itong nagiging syota.
Siguro? Hindi mali iniisip ko.
Malabo.
Maya-maya sa pagkakatitig ko sa salamin ay biglang tumunog ang aking telepono at nag-text sa akin si Shaina.
--------------
FROM: SHAINA
MESSAGE: Nathan salamat nga pala. Mukhang nagustuhan niya yung regalo ko. Nakita ko stories niya. Nagpapasalamat siya.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...