Kabanata 12

281 24 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Kinabukasan ay nagising ako sa pagmamadaling maka-alis ni Drake at habang si Gerald naman ay nasa tabi ko at mahimbing ang tulog.

"San ka? Kaaga mo?" tanong ko sa kanya habang nakaharap ito sa salamin at nagpapa-bango.

"Magkikita kami ni Shaina at kailangan maaga ako" sabi niya sabay harap sa akin. "Gwapo na ba?" sabatturo sa akin at kumindat.

"Tss bakit kailangan mo pa mag-ayos ng ganyan?" tanong ko sa kanya dahil pormang porma ito. Naka polo at pants sabay naka shades.

"Malay mo magka jowa na ako. Kakahiya naman sa'yo" natatawa nitong sabi.

"At talagang ex ko pa Drake?"

"Bakit wala na naman kayo ni Shaina di ba? Why not?" biro nito.

"Oo nga pero magkaibigan tayo" sabi ko sa kanya habang nakahiga pa din ako at nakatingin sa kanya.

"Oo kaya suportahan mo ako. Matagal na kitang sinusuportahan sa lahat ng ginagawa mo at sana suportahan mo ako kapag may nagugustuhan akong tao" seryoso nitong sabi.

"May gusto ka ba kay Shaina?" napatankng ako dahil sa kalituhan dahil parang may gusto siya dito matagal na.

"Oo matagal na kaso sa'yo siya may gusto noon" sabi nito. "Sige aalis na ako pakisabi na lang kay Gerald na nauna na ako at diretso uwi na din ako" paalam nito.

Kinakabahan ako sa pagkikita ng dalwa baka magalit si Drake dahil pinaasa ko siya na sa akin yun nanggaling dahil minsan lang ako magregalo sa kanya at hindi karangya magregalo tulad ni Gerald.

Teka eh ano nga bang niregalo ni Gerald sa kanya.

"Gerald, gising" panggi-gising ko dito habang inaalog ang paa nito.

"Hmmm" ungol nito.

"Bumangon ka na at umalis na si Drake" sabi ko sa kanya.

"San nagpunta? " bigla itong nagpuminglas maupo sa kama.

"Makikipagkita daw kay Shaina"

"Ah ganun ba sayang naman" sabi nito na tila nalungkot.

"Bakit naman magiging sayang?" tanong ko sa kanya.

"Di ko naabot regalo ko"

Sabi na nga ba di mawawala regalo ni Gerald para kay Drake.

"Ano bang regalo mo sa kanya?" tanong ko sa kanya.

"Scrapbook na puro picture namin tapos pabango at sapatos" sabi naman niya.

"Scrapbook?" napatawa ako.

"Bakit" angal nito.

"Daig mo pa babae magregalo" natatawa kong sabi. "Okay na sana pabango at sapatos" dagdag ko.

"Eh ikaw nga explosion box at cake, daig mo pa ang naka 3rd monthsarry na magjowang babae at lalaki" natatawa nitong biro sa akin.

Napahiya na naman ako. Paano ko ba sasabihin kay Drake na hindi sa akin galing yun? Sigurado magtatampo yun. Daig pa niya babae magtampo.

Sh*t baka isang araw wala na ako kasama papuntang school.

Di ako marunong mag-commute.

"Tss syempre kaibigan ko si Drake" sabi ko.

"Ganon din naman ako"

Di na ako umimik ng bigla itong tumayo sa kama at nagdiretso sa banyo habang hawak nito ang tuwalya papasok. Samantalang ako naman ay inaayos yung pinag-higaan namin at agad na tumingin sa refrigerator kung may makakain ako.

Nakakita naman ako ng makakain at kinain ko na ito dahil sa kagutuman at pagtapos nito ay lumabas na nga si Gerald sa banyo at nagsipilyo muna ako tapos nito ay naligo na ako.

Nakalabas na ako ng banyo ng matapos ako maligo ay bigla ng nagyaya si Gerald na umalis sa condominium at hinayaan niya yung mga gamit na naroroon.

"Bakit 'di mo dadalhin ang mga yan?" pagtatakang tanong ko. "Di ba iyo yan?"

"Okay lang sarili ko na naman tong condominium at tapos na bayaran to"

"Talaga?" namamanghang sabi ko.

"Oo"

"Eh sino naman ang titira dito kung may bahay naman kayo. Napakalaki nito kung ikaw lang" tankng ko sa kanya.

"Syempre yung taong mamahalin ko" sabi nito.

"May jowa ka na?"

"Wala pa"

"Pero may nagugustuhan ka?" dagdag kong tanong.

"Oo kaso may iba siyang gusto" napatingin ito sa sulok at nag-iwas sa tingin ko.

"Sorry pare"

"Tara na" yaya nito sa akin.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

"Uuwi na malamang" sabi agad nito.

Agad na akong lumabas at si Gerald naman ay ikinandado na ang pinto ng condominium. Agad kaming lumabas ng building at nagdiretso sa kotse niya at sumakay.

Tahimik na nagda-drive si Gerald patungo sa bahay namin at inihatid ako. Nakarating na ako sa amin at nagpasalamat.

Walang seat belt! Nasa likod ako, ayaw ko sa harap baka magaya ni Gerald ang ginawa ni Drake.

"Salamat" paalam ko sabay binuksan ang pinto.

"Gege" sabi nito.

"Ingat" sabay lumabas na at isinarado ang pinto.

Bumusina naman ito bago pinaandar ang sasakyan at nagdiretso na ako sa loob ng bahay at wala na naman si Mama kaya humuga na ulit ako.

Sarap buhay.

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon