Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Hinihintay namin ni Drake si Gerald sa labas ng building at maya maya pa ay dumating na ito.
"Tara na?" biglang yaya ni Gerald sa amin papasok.
"Anong gagawin natin dito Gerald?" inosente kong tanong ng biglang si Drake ang sumagot.
"Susukatin at aalamin ang pagkalalaki natin " evil smile na nakatingin sa akin si Drake.
"Huh? Anong ibig nyong sabihin?" tanong ko sa kanila habang nahuhuli na ako sa paglalakad dahil sa bilis ng paglalakad ng dalwa.
"Basta sumunod ka na lang" biglang banat ni Gerald.
Di na ako umimik pa at agad na sinusundan ko sila sa paglalakad. Unang beses ko pa lang na nakarating sa resortna ito at di ko alam na may ganito pala sa San Isidro.
Sa ilang minuto naming paglalakad ay nakarating kami sa isang condominium na sobrang laki. Malawak na higaan at napakagandang chandelier na nagbibigay liwanag sa buong room.
"Dito tayo matutulog mamaya" sambit ni Gerald.
"Pero wala kaming dalang pamalit pare at saka may pasok bukas" bigla kong sabi.
Napatawa si Drake sa sinabi ko. "Halatang wala kang pake-alam na estudyante sa school natin ah, walang pasok bukas inannounce kahapon diba? Imposible naman na di mo nakita?" nakangiti nitong sabi.
"Kamalayan ko ba, eh paano yan wala kami pamalit pare?" pag-aalala ko dahil pumorma pa ako. Hayst.
"Maraming damit sa cabinet kaya wag kang mag-aalala. At kung inaalala mo pag-uwi mo sa inyo dahil di ka nakapag-paalam ay si Drake na nagpa-alam sayo at pumayag naman ang Mama mo" mahinahong sabi sa akin ni Gerald.
"Eh ano bang gagawin natin dito pare?" nagtataka na ako dahil parang iba ang kutob ko. Kakaiba.
"Dami mo namang tanong pare! Di naman impyerno ang pinuntahan natin kaya wag ka mag-aalala, di kami kasing sama ng ugali mo" natatawang singit sa usapan namin ni Gerald.
"Namumuro ka na sa akin Drake hah, baka gusto mong..." di ko naituloy ang sasabihin ko dahil wala akongmaisip na idadahilan.
"Halikan ako?" bumilis ang tibok ang puso ko at nanlaki ang mata ko ng tingnan ko ang inosenteng mukha nito habang nakangiting nakatingin sa akin.
Ano bang sinasabi nito.
Nagiging obvious na siya at di na ako magtataka kung alam niya yung nangyari sa amin nung isang gabi. Kaya di ako nagpatalo at idinaan ko na lang sa biro ang seryoso niyang sabi. "Biro lang, nababakla ka na naman pre kung makatingin ka sa akin" iimik na sa ako eh kaso naunahan ako.
"Tigilan nyo na yan para kayong mag-asawa kung magbangayan" biro ni Gerald.
"Ewww" nandidiring sabay naming sambit ni Drake.
"Di hamak na mas habulin ako ng chix dyan" pagmamayabang ko.
"Madami ka naman pinaasa" natatawa nitong pambabara.
"Wala ka namang naging jowa" pang-iinggit ko sa kanya.
Inakbayan niya at sumeryoso ang mukha niyang lumapit sa akin. "Hinihintay kita pare" bulong niya sa akin.
Naestatwa ako sa sinabi niya at parang di ko maigalaw ang katawan ko sa sinabi niya. Nagiging obvious na siya sa kinikilos niya. Nung una yung matamis niya halik na nilabanan ko pa tapos ngayon yung mga salita niyang kakaiba na di naman normal sabihin sa kapwa lalaki.
Eh bakit ako nagkakaganito? tanong ko sa isip ko.
Biglang lumayo sa akin si Drake habang nakatitig at ako naman ay nanlalaki ang mata ko ng pinagmamasdan siya. Bigla itong tumawa ng tumabi ito kay Gerald na nagtataka sa kung ano ang binulong nito sa akin. "Bawal kiligin pare! Di tayo talo" sabi nito habang natatawa.
"Tigilan niyo na nga ang biruan niyong yan, di maganda" saway sa amin ni Gerald na nakatingin sa aming dalawa.
"Lagot ka sa akin mamaya Drake lulunudin kita sa pool mamaya dahil dyan sa kahibangan mo" naiinis kong sabi sa kanya.
"Sus baka lunudin mo ako sa pagmamahal mo" nakakainis nitong biro habang natatawa.
"Psst Drake tama na yan baka mapikon na yan, minsan na nga lang tayo magkasama ganyan pa kayo" saway muli ni Gerald.
"Depende kung seseryosohin niya yung biro ko" nakatitig siya sa akin habang sinasagkt ang saway ni Gerald sa kanya.
"Psshh di naman big deal" sabi ko.
"Ba't ka naiinis?" nakakainis na naman nitong banat habang natatawa.
"Pstt, isa? Pagujmpugin ko na kayong dalawa eh" naiinis ng sabi ni Gerald habang nilalabas yung damit sa cabinet. "Tara na sa labas para makapagsaya na tayo, hindi yung nagtatalo kayo na parang bata" dagdag ni Gerald habang binabato sa amin ni Drake ang tig-isang puting tuwalya.
Teka may naalala ako sa puting tuwalya.
Charot. Nakamove on na ako.
Maliit naman.
Agad kami nagtungo sa malaking pool at walang katao-taong nandoon dahil sa sobrang sakit sa balat ang sinag ng araw. Di naman nakakapagtaka na walang tao sa pool dahil kakaunti naman ang tao na naroroon at puro senior citizen ang nakikita namin. Siguro kami lang ang nagsasaya sa resort na ito.
Si Drake at Gerald naman ay nagtanggal ng saplot pang-itaas habang nakasuot sila ng boxers. Nakita ko na naman ang mapulang nipples at magandang pangangatawan ni Drake. Si Gerald naman ay kitang kita ang malinis nitong kutis moreno sa katawan nito habang naglalabasan ang abs nito sa kanyang tiyan at ang kanyang napakalaking hibla ng Adam's apple nito sa kanyang lalamunan na maya't mayang lumulunok.
"Oy Nathan tara na" yaya ni Gerald sa akin habang tinitingnan sila na nagtatampisaw na sa pool ni Drake. Agad kong tinanggal ang saplot ko sa pang-itaas at sinamahan ko silang maglangoy at magtampisaw doon.
🐰
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
ФанфікиMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...