Kabanata 37

215 20 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

"Nathan tara na sa room at malapit na magsimula ang klase" mahinang pagyayaya ni Andrew sa akin.

"Mauna kana" mahina kong tugon.

"Sumunod ka hah baka hanapin ka" pag-aalala niya.

Tinanguan ko siya habang nagpapahid ng luha at umalis din naman siya at nagmamadali dahil 2 minutes na lang next subject na.

Di ako papasok nito at tatambay lang ako dito. Tinamad na ako kaya naman naglakad lakad muna ako sa palibot ng campus at maya-maya pa ay nakarating ako sa parking lot.

Nagulat ako ng makita ko ang kotse ni Gerald.

Bakit nandidito to?

Nagtataka ako dahil di naman siya dito napasok dahil college na siya at dapat nasa kabilang campus siya.

Nagulat muli ako ng biglang may sumitsit sa aking gilid. Nakita ko si Raz na pinapapunta ako sa may likod ng ibang kotse at pinapatahimik.

"Shhh" senyas sa aking bulong.

Bigla siyang tumuro sa isang gawi at nagulat ako sa nakita ko.

"Anong ginagawa dito n iGerald at bakit niya kasama si Shaina?" bulong ko kay Raz.

"Dapat pupuntahan na kita sa room mo at buti na lang nakita kita, yan ang dapat mong malaman" turo niya kina Shaina at Gerald.

"Ano ba ang dapat kong malaman?" seryoso kong tanong kay Raz.

"Nalaman ko kase ang nangyari sa inyo ni Drake at girlfriend na pala niya si Shaina"

"Tapos?"

"Hindi siya totoong mahal ni Shaina, niloloko lang siya"

Di ako makapaniwala sa sinabi ni Raz at nagulat ako sa aking nalaman.

"Makipag break ka na mamaya kay Drake Shaina, di maganda naging resulta ng plano natin" pakinig kong sabi ni Gerald kay Shaina.

Anong plano. Niloloko niyo si Drake ang taong pinakamamahal ko. Di ko aakalain na gagawin mo yun Gerald at lalo ka na Shaina.

"Sige pero pwede ko bang malaman ang dahilan?" tanong ni Shaina.

"Ayaw kong mafall ka kay Drake baka agawan mo pa ako"

"Hahaha antanong mamahalin ka ba ni Drake kapag hiniwalayan kita? Diba may gusto dati siya kay Nathan?"

"Tss, oo naman at si Nathan wala na siyang magagawa kay Drake dahil sira na siya kay Drake at sisirain ko pa" natatawang sabi niya kay Shaina.

Tatayo na sana ako para sugudin sila pero pinigilan ako ni Raz.

"Wag mo munang sugudin Nathan, wag kang padalos-dalos. Alam ko ugali ni Gerald at gagawa siya ng dahilan para malusutan niya ang kasinungalingan niya kay Drake"

Nakinig ako sa sinabi ni Raz at nagpatuloy ako sa pakikinig ng usapan nina Shaina at Gerald habang si Raz pala ay patagong vinivideohan ang usapan nung dalwa.

Maya maya pa ay aksidenteng napabahing si Raz at biglang napatingin sa amin sina Shaina at Gerald.

Kinabahan ako at buti nalang ay bigla akong nakapagtago at di nila ako nakita.

Madaling iniabot ni Razang kanyang cellphone kung saan naroroon yung videong naganap sa pagitan ni Shaina at Gerald.

Nangangatal niyang iniabot ito sa akin at sinemyasan na umalis na at dalhin ko yun.

Sinunod ko naman siya at agad na dahan dahang lumayo sa pinagtataguan namin at si Raz ang lumabas at galit na galit si Gerald ng makita ito.

Agad na hinawakan ni Gerald ang kwelyo ni Raz at tinanong ito.

"Kailan mo kami titigilang sundan at pakinggan?" galit na galit na sabi ni Gerald kay Raz.

Ibig sabihin matagal ng alam ni Raz ang nangyayari kina Shaina at Gerald tungkol sa plano nilang pagga-gag* kay Drake?

Kaya ata nagmamadali noong isang araw si Raz na lumabas ng school au siguro doon din siya galing at nakita niya at naparinig niya ang pinag-uusapan nina Shaina at Gerald.

Sinuntok ni Gerald si Raz at napatalsik naman sa semento si Raz. "Subukan mong ipagsabi ang nalalaman mo Raz, ako ang papatay sayo" banta ni Gerald aa kanya.

Biglang inawat naman ni Shaina si Gerald nung tangkang susuntukin muli ito.

Sorry Raz di kita matulungan.

Maraming salamat sa nalaman mo at sinabi mo sa akin.

Napakasama ng ugali mo Gerald.

Hay*p ka.

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon