Kabanata 22

235 22 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Natapos na ang klase at masaya akong umuwi at sinundo ulit ako ni Gerald pauwi kaya naman nakiusap ako kay Gerald na idaan muna ako sa bayab para makabili ako ng cake.

"Pare pwede mo ba akong isaglit sa bayan? May bibilhin lang akong importante" sabi ko sa kanya habang ini-start na nya ang sasakyan.

"Sige" payag niya.

Abot langit ang ngiti ko dahil sa saya at galak ng nararamdaman ko pero may halo pa ding kaba sa dibdib ko dahil di ko alam kung paano ako lalapit sa kanya at hihingi ng tawad sa nangyaring kasinungalingan ko.

"Pare dito muna ako ibaba" pigil ko sa kanya habang nagmamaneho siya dahil nasa may tapat na kami ng pagawaan ng cake.

"Bakit dito?" pinarada niya at nagtatakang tanong niya sa akin.

"Bibili lang akong cake" sabi ko sa kanya at bigla na lang akong bumaba dahil sa excitement. Iimik na sana siya kaso bigla na lang ako lumabas.

Nagamadali akong pumunta sa counter at bigla akong umorder.

"Yes sir?" tanong sa akin nung pandak na cashier. Haha.

Tinuro ko yung medium size na cake sa kanilang display at sinabing mocha flavor.

"Ano pong ilalagay sir?"

"I'm sorry Drake, from: Nathan" nakangiti kong sabi.

"Jowa niyo po sir?" tanong nito?

Di ko pala alam na bukod sa pagiging cashier nito ay tinaggap din siya sa pagiging tsismosa at manghimasok sa buhay ng ibang tao.

Pake ba niya bakit niya tinatanong.

"Ah kaibigan ko" pilit na ngiting pinakita ko sa kanya.

"Sweet nyo naman po sir, siguro swerte ng magiging jowa niyo" pabebeng sabi niya.

"Oy wag mo nga landiin yung customer, magtrabaho ka" sabi nung kasama nitong lalaki doon sa babae. "Pasensya na po" baling nito sa akin at tinanguan ko naman nito na may pilit na ngiti.

Makaraan ng ilang minuto sa paghihintay ko sa aking order ay sa wakas dumating na din. Binayaran ko na sa cashier at kinuha ko na sa kanya ang order ko. "Salamat sir, balik po kayo" nakangiting sabi nung babae.

"Di na siguro" sabi ko sa isip ko.

Agad na akong naglakad patungo sa kotse ni Gerald at agad ba binuksan ang ointo sa likuran nito para katabi ko yung cake na ireregalo ko kay Drake.

Ansaya ko.

"Sino may Birthday Nathan?" tanong agad sa akin ni Gerald.

"Ah walang may birthday may pagbibigyan lang ako" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kanina sa bago mong babae?" pailing-iling niyang sabi at pinaandar niya agad yung sasakyan niya.

"Hindi ahh" nakangiting tanggi ko.

Si Drake pare.

"Aysus may bago ka na naman? Kailan mo titigilan ang pambabae mo at ang dami mo ng niloko?" sabi niya habang ang atensyon niya ay nasa pagmamaneho.

"Basta di ito para sa babae pare may pagbibigyan lang akong tao na importante sa akin" nakangiti kong sabi habang tinitingnan ko yung cake na ibibigay ko sa kanya.

Di na siya umimik pa at seryoso siya sa pagmamaneho kaya naman ako habang nasa likod ni Gerald ay nag open ako ng Instagram at nakita ko na may bagong stories na inupload si Drake.

"❤️" nagtaka ako sa pusong pinost niya.

Siguro may kahulugan ito.

Ahh alam ko na, siguro masaya siya na makakauwi siya kaya may papuso.

Positive thinking tawag diyan.

Maya-maya pa ay naihatid na ako ni Gerald sa bahay at mukhang badtrip ito at kanina ko pa napapansin. Di ko lang masyado pinapansin dahil excited akong ibigay ito kay Drake at makapag-sorry na.

"Ayos ka lang Gerald?" mahinang tanong ko habang nakatigil ang kotse niya sa may tapat ng bahay namin.

"Hmm" tumango lang ito at sa iba nakabaling ang tingin nito.

"Sige pare salamat nga pala ulit" agad na akong bumaba sa kotse niya habang bitbit ko yung cake na dala ko.

Habang naglalakad ako ay nakangiti akong nakatingin sa ibibigay kong cake at siguradong matiruwa ito at sana mapatawad na niya ako.

Pumasok ako sa bahay at nagulat ako ng biglang...

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon