Kabanata 31

230 22 3
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Nag-lakad ako ng mabilis papunta kung saan naroroong hinahalikan ni Gerald si Drake.

"P*t*ng*na mo Gerald anong ginagawa mo" kinuha ko yung kwelyo niya at sinuntok ng malakas sa pisnge at dumugo.

Nangigigil ako sa kanya kaya binugbog kosiya

"Tama na yan Nathan" awat ni Drake at pumagitna sa maing dalwa ni Gerald habang nakahiga na ito.

"Tandaan mo to Gerald, AKO LANG ANG MAY KARAPATAN NA HUMALIK KAY DRAKE! AKO LANG" galit na galit kong pagbabanta.

"Akin lang si Drake at hindi siya kailanman mapapapunta sayo" dagdag ko.

"Nathan" sigaw ni Drake at natahimikan ako.

Biglang tumayo si Gerald sa kanyang pagkakatumba at pinanlisikan ako ng mata at nagsalita.

"Walang sa'yo Nathan, wala" evil smile.

"Tama na sabi, kung di kayo titigil ako ang bubugbog sa inyong dalwa" galit na sabi ni Drake sa amin. "Walang magmamay-ari miski isa sa inyo, may Shaina na ako kaya tumigil na kayo, bwisit" sabay tinalikuran kami ni Drake.

"Drake" tawag ko pero di lumilingon ito kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso at hinarap sa akin.

Hibalikan ko siya ulit.

Pero...

Tinulak niya ako at dahilan ng ikinatumba ko.

"Nathan tama na, sa mga nangyayari ngayon lalo ako nasasaktan. Kung ano man ang nararamdaman mo please itigil mo na at di na magandang biro ang inaasal mo" namumuo na ang luha niya mula sa kanyang mata.

"Hindi biro yun Drake, totoo ang sinasabi ko. Mahal na mahal kita" naiiyak kong sabi. "Please Drake paniwalaan mo naman ako" tumayo ako at niyakap ko siya. "Drake" maluha-luha kongsabi.

Maya maya pa ay may biglang humawak sa balikat ko at mabilis na tinanggal ni Gerald ang pagkakayakap ko kay Gerald.

"Sinungaling ka diba? Sa tingin mo paniniwalaan ka ni Drake?" natatawang sabi ni Gerald.

Pakilamero.

"Tumigil ka di kita kausap" sigaw ko sa kanya.

Biglang bumaling ang tingin ni Gerald kay Drake at lumapit sa harap nito. Pinahid niya ang luha nito pero tinulak din siya ni Drake at saka naglakad papalayo.

Sa akin naman tumingin si Gerald at mukhang nagbabanta ito. "Tingnan natin ang galing mo Nathan kung maniniwala sa'yo si Drake"

Lumapit ako sa kanya at hinwakan ko muli kwelyo nya at itinaas. "Wag mo ako hahamunin dahil hindi pa ako natatalo sa ganitong bagay Gerald" mayabang kong sabi.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at itinulak ito papalayo at saka naglakad patungo sa loob ng bahay.

Dali dali akong umakyat ng aking silid at doon muli naglabas ng sama ng loob dahil sa panibagkng sakit.

Akala ko magiging masaya na ako kanina pero si Gerald para ang sisira.

Hay*p ka Gerald panira ka.

Di ko alam ang gagawin ko at siguradong galit na naman si Drake sa dahil sa nangyari kanina at ang totoo si Gerald ang dahilan kaya kami nag-away muli.

Aksidente ko lang naman nasabi na baka halikan ko ulit siya at di ko inaasahan na biglang susulpot si Gerald mula sa likuran namin at napakinig ang sinabi ko.

Pero ang masakit.

Mahal din niya si Drake. Matagal na.

Di ako magpapatalo pero natakot ako sa sinabi niya na may Shaina na siya.

Drake please sa akin ka na lang.

Kumikirot kirot yung kaunting sugat ko sa gilid ng aking labi kung saan ay nasuntok ako ng isa ni Gerald. Kaya naman ay iniinda ko nalang ang sakit dahil sumabay ito sa sakit ng nararamdaman ko.

Di siya pwedeng mapapunta kay Gerald. Hindi pwede.

Lalaban ako sa tamang paraan pero kung gagaguhin ako ni Gerald sa maling paraan ay mas gagaguhin ko siya basta mapatunayan ko lang kay Drake kung gaano ako kaserysoso sa kanya at kung gaano ko siya kamahal.

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon