Kabanata 11

285 21 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Agad nilagay ni Gerald ang alak sa lamesa at yung pulutan naman ay agad binuksan ni Drake ito at nilagay sa plato at ang mga snacks naman ayinilgay nito katabi ng alak.

Binigay naman sa akin ni Gerald ang yelo para ilagay sa pitchel at lagyan ng tubig. Habang nilalagay ko ito ay naghahanda na ang dalwa at hinugasan na din ni Drake ang shot glass at pinatong katabi ng alak.

Si Gerald na ang  nagbukas ng alak at nilagyan agad nito ang shot glass at ibinigay agad nito kay Drake. "Drake ikaw mag bwena mano" utos sa kanya nito habang papalapit ako sa kanilang iniaabot ang pirchel na may lamang tubig at isang babasagin na baso.

Ininom naman agad nito ang nakalagay sa shot glass na punong puno agad ng alak at sumunod naman si Gerald at wala pa sa kalahating tinagay nito sa ininom ni Drake sa iinumin niya. "Kadaya mo naman pare bakit kaunti ng iyo?" reklamo ni Drake sa kanya habang ngumunguya ng pulutan.

"Di ako malakas uminom tulad mo Drake kaya kaunti lang ako baka malasing agad" sabi agad nito.

"Wala ka palang kwenta kainuman. Magyaya mag-inom pero ayaw malasing" natatawang biro nito kay Gerald. "Akin na yan ako na maglalagay ng lahat ng iinumin niyo, madaya" agad namang inagaw ang shot glass ni Drake kay Gerlad at nagsalin ito sa shot glass ma tila mapupuno na ito at biglang ibinigay niya sa akin. "Kadami naman niyan" reklamo ko. "Puro kayo reklamo, sa susunod di na ako makikipag-inuman sa inyo, sa iba na lang. Boring kayo" naiinis nitong tono.

Napatingin ako kay Gerald habang hawak ko yung shot glass at sumenyas sa akin na inumin ko na ito na parang sinasabi nito na 'sige na'.

Ininom ko ang inilagay ni Drake na alak sa shot glass na napakataas at nagpatuloy ang inuman namin ng ganoon at hindi nagbabago ang taas nito.

Nakakalahati na ang nababawas namin sa bote ng alak ay nakakaramdam na ako ng hilo na di ko naramdaman nung kaarawan ni Drake. Masyadong matapang ang napiling alak na bimili ni Gerlad at parang di ko na kaya.

Habamg si Drake naman ay halatang lasing na dahil sa kaingayan nito habang nag-iinom. Natsempuhan kong nakita kong itinapon ni Gerald ang alak doon sa ilalim ng mesa namin kung saan naroroon ang basahan na siyang sumisipsip para di halatang kumakalat ang basa nito sa sahig.

Napatingin sa akin si Gerald at sumenyas na huwag daw sabihin at parang nilalasing niya kami pareho dahil sa paulit-ulit nitong ginagawa. Madaya.

Wala akong nagawa at umayaw na ako dahil di ko na kaya samantalang si Drake naman ay plagta na. Nauna akong humiga sa malaking kama at sumunod naman ay inakbay ni Gerald ito sa kabilang gilid ng kama.

Inayos na ni Gerald muna ang kalat at saka humiga sa pinaggigitnaan namin ni Drake. Si Gerald naman ay nagtanggal ng pangitaas na damit pati naman si Drake ay tinanggalan na din ni Gerald at baka daw ito ay sumuka. Ako naman ay nakasandong fit na fit at aaminin kong di ako makatulog nung oras na yun.

Pinagmamasdan ko ang nakataas nitong kamay ni Gerald habang nakapatong sa ulo. Mabalahibo ito at sobrang kinis at habang napapatingin ang aking mata ay unti-unting napapatingin ako sa buong katawan nito.

Di ko na pinansin pa dahil wala naman ako pake-alam sa katawan nito, di pa din ako makatulog at umabot na nga ng ala-una. Sa aking pagkakapikit ay may parang gumagalaw sa aking gilid na tila may kakaibang nangyayari.

Tumingin ako dito ng dahan-dahan at di ko pinapahalata na gising ako. Nakatalikod si Gerald sa akin at naaninag ko pa naman ang tulog na si Drake.

Hinihimas ni Gerald ang katawan nito at patungo sa maselang bahagi nito. Di ko kayang makita na pati si Gerald ay nakayang gawin ang bagay na ito kaya naman agad akong tumayo at sinuway ito.

"P*t*ng*ina" malakas kong sabi. "Anong ginagawa mo Gerald? Bastos!" galit kong sabi.

Di ito umiimik at pinagpapatuloy pa din nito ang paghimas sa katawan ni Drake. "Hoy" sabi ko ulit at mukhang di pa din ito humaharap sa akin.

Agad kong iniharap ang mukha ni Gerald sa gawi ko at tulog na tulog ito. Baka sa dala ng sobrang kalasingan nito ay nagagawa niya ang bagay na yun. Baka nagkataon lang na katulad lang din na ginawa sa akin ni Drake nung isang gabi na di naman sinasadya.

Inayos ko na lang ang pagkakahiga ni Gerald at di ko na ito iniharap pa sa natutulog na si Drake at pinaharap ko na lamang ito sa kisame para di na niya magawa yung di niya nalalamang bagay habang ito ay natutulog. Maya-maya pa ay agad na akong umayos ng pagkakahiga at natulog muli.

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon