Kabanata 6

321 24 0
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Matapos kong gumayak ay agad akong lumapit sa kanila at masayang pangiti ngit sa kanila.

"Halatang excited ah" natatawang tono ni Drake.

"Di ah, ayaw ko lang kayo mainip sa paghihintay" pagsisinungaling ko.

"Aysus bakit nung isang araw?" sumeryoso mukha nito.

Anong isang araw?

Wag mong sabihing?

"Alam mo nangyari sa atin nung isang araw?" kabado kong sabi.

"Anong nangyari sa inyo?" nagtatakang singit ni Gerald. "Magkagalit ba kayo?"

"Pinagsasabi mo Nathan?" tumawa ito at parang nagtataka sa sinabi ko. "Ang sinasabi ko nung isang araw ay di ka ganyan kung magmadali, minsan tamad ka pa tumayo sa higaan mo at maligo." natatawa nitong dagdag.

"Ahh" nahihiyang kong tugon.

Shit.

Nagdududa ba sila sa sinabi ko?

Paano kung gusto nilang alamin?

Tatahimik na lang ako.

"Ano bang nangyari sa atin nung isang araw nung binihisan mo ako?" natatawa nitong sabi.

"Anong sinasabi  mo Drake?" biglang tanong ni Gerald aa kanya. "May nangyari ba sa inyo?" biglang sumeryoso mukha nito.

"Oo" natatawa nitong sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pati si Gerald ay parang nag-iba ang timpla ng itsura ng mukha nito. Di maipinta.

Pagkatapos nitkng tumawa at nakaramdam siya ng pagkatahimik namin ay bigla ito muling umimik. "Oh bakit?" tawa nitong sambit. Tumingin sa akin si Drake na parang hindi nahihiya sa sinasabi niya. Sa pagkakatingin niya sa akin ay imbis na manlaban ay nanlumo ang mga tuhod ko sa pagkapahiya.

Wth. Ano na lang iisipin ni Gerald.

"As in? may nangyari sa inyo?" tiningnan ni Gerald ang buong katawan naming dalawa na parang nadidiri ang itsura nito.

Kapag umimik ka pa ng sala Drake babanatan na kita.

"Teka mga abno ba kayo? Ano bang iniisp mo Gerald? Nagsex kami?" humagalpak ito ng tawa. Parang kumawala ang kadena na nagpapabigat sa puso ko ng sabihin niyang ito. Nakahinga ako ng maluwag at di pala kami parehas ng iniisip.

Pero naiinis pa din ako lalo na yung halik niya. Shit.

"Mga loko! ang sinasabi kong may nangyari sa amin ay naginuman kami tapos kaya niya ako binihisan nung oras na yon ay dahil puno ng suka ang buong katawan ko" inosente nitong sambit.

"Wala na?" takang pagtatanong ni Gerald.

"Wala na" walang alinlangan niyang sinabi. "'Di ba Nathan?" bigla siyang bumaling ng tingin sa akin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti at naglalalimang dimples nito sa kanyang pisnge.

Bwiset. Di ako bakla. Loko.

"A-ah, o-oo" nauutal kong sabi.

"Ba't nauutal ka?" seryosong tanong ni Gerald sa akin.

"Huh?" tangi kong sambit dahil ambilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Paano ko malulusutan ang mga tanong pa nila.

"Wala naman nabigla lang ako sa nakakadiring iniisip mo" huminga muna ako ng malalim ng patago bago ko bigkasin ang salita sa kanyang harapan.

"Psshh Gerald" sabay akbay ni Drake sa kanya at may binulong. Pagkatapos bumulong ni Drake ay tumawa si Gerald na nakatingin sa akin at binigyan ng makahulugang tingin.

Baka sinabi niyang hinalikan niya ako?

Pumunta ako sa likod ni Drake at sinipa ang pwet nito habang tumatawa siya. "Anong sinabi mo?" naiinis kong sabi habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Malaki ba Nathan?" natatawang tanong ni Gerald sa akin. "Anong malaki?" inosente kong tanong. Biglang tumingin si Gerald sa bandang ibaba ni Drake habang si Drake naman ay mala model na nakatayo sa tabi nito na nakapamewang habang tinitingnan ni Gerald ang kanyang maselang bahagi ng katawan.

Tumawa sila sa reaksiyon ko na parang naiiyamot na pagkakatingin ko sa kanila at namartsa ako palabas sa kanilang gawi habang pinagtatawanan nila ako.

"Nathan" tawag ni Drake sa akin habang natatawa.

Patuloy ako sa paglalakad palabas ng bahay namin habang si Drake ay hinahabol ako nito. Bigla niyang hinampas ang pwet ko ng napakalakas. "Aray, putek ka" sabi ko habang hawak ito. "Binibiro laang eh may pawalk-out ka pa nalalaman, daig mo pa babae magtampo" pang-aasar nito. "Tss" irap ko sa kanya. "Pero malaki nga?" natatawa nito muling tankng sa akin habang nakangiti sa akin. Di ko sinasadyang tumingin sa labi nito habang kumakagat labing nagyayabang ito. Parang nagsslow-motion ng tinitingnan ito at ang mapula nitong dila ay ini-ikot pa sa tuyong labi nito.

Naka-akbay pa din ito sa akin at nakatitig pa rin ako sa labi nito at nagising ang diwa ko ng biglang magsalita si Gerald mula sa likuran namin. "Drake tama na yan! Tara na" yaya ni Gerald sa amin. Bigla kong inalis ang akbay sa akin ni Nathan at iniwasan ang nakangiting mukha nito malapit sa mukha ko sabay binatukan siya. "Ulol parang uod yan" tingin kong dahan dahan sa kanyang alaga na bakat na bakat dahil sa fit na fit nitong short.

Agad kaming sumakay sa kotse ni Gerald at kami ay nasa likod ni Drake.

Nays walang seat belt.

Agad ng pina-andar ni Gerald ang sasakyan at nagtungo kami sa isang building.

San Isidro Resort?

Parehas wala kaming ideya ni Drake kung bakit kami naroroon. Napatingin kami sa isa't isa kaya naman nung itigil ni Gerald ang kotse ay agad kaming bumaba ni Drake sa sasakyan habang pinaparada ni Gerald ang kanyang sasakyan sa parking lot. Hinintay namin si Gerald sa papasok ng building at kakaunti ang taong naroroon ng tingnan namin ni Drake ang loob ng building at kung ano ang gagawin namin dito ay tunay na nakakapagtaka.

❤️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon