Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Kumawala na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at maari na daw lumabas ng ospital si Drake. At di ko mawari ano ba dapat ang maramdaman ko dahil naiiyak ako talaga sa nangyayari kay Drake.
Di niya deserve na lokohin at paiyakin ng ganito.
Alam kong minahal niya si Shaina kahit kaunting araw lang sila magkasama at sobrang nasasaktan siya sa nalaman niya.
Di ko din malubos maisip na kayang gawin ni Gerald ito sa kaibigan namin para gamitin si Shaina para saktan lamang siya at gamitin sa plano na mapapunta siya kay Drake.
Napakasama ng ugali niya.
Hindi siya yung Gerald na nakilala namin noon at ang laki ng pinagbago niya.
Nasa labas na kami ng ospital at nagbabalak nang umuwi.
"Andrew at Justin ako na maghahatid kay Drake" pauwi" sabi ko sa kanila.
"Teka marunong ka ba magdrive ng kotse? Baka lalong maospital si Drake niyan dahil sa'yo" pag-aalala ni Justin.
"Oo maalam yan, tinuruan ko siya dati sa lumang kotse ko noon" sabat ni Drake.
"Sige ingat kayo at mauuna na kami, babalik pa kami sa school at kukunin pa namin gamit namin" si Andrew. "Lalagay ko na lang sa locker ang gamit niyo para di mawala sa room" dagdag niya.
"Salamat" sabay naming sabi ni Drake.
"Gege ingat kayo, ikaw Nathan si Drake hah, baka mapano yan" pag-aalala ni Andrew.
"Oo nga baka bumalik na naman tayo mamaya dito" dagdag ni Justin.
"Tss," kinindatan ko si Andrew at alam na niya ang ibig sabihin ko.
Di ko kayang pabayaan si Drake dahil siya yung unang taong sineryoso ko at totoong minahal ko.
"Ingat kayo" sabi ko at sinundan naman ni Drake.
Inalalayan ko si Drake patungo sa kanyang kotse at ako muna ang magmamaneho patungo sa kanila.
"Drake" tawag ko sa kanya habang nagmamaneho ako.
"Oh?" mabilis niyang tugon.
"Sana matutunan mo ulit ako mahalin katulad ng pagmamahal mo sa akin noon na nagbulag-bulagan ako " seryoso kong sabi.
"Ayaw ko na bumalik sa dati Nathan " seryoso niya ding sabi at kumirot muli ang puso ko ng kaunti.
"Di na matutumbasan ang pagmamahal ko ngayon sayo at ayaw ko na ding bumalik sa dati na nagbubulag bulagan ka para mahalin lang ako ng taong gusto ko dahil alam ko na ngayon na mahal mo na ako" nakangiti niyang sabi sa akin at tila maluluha na naman ito.
"I love you Drake" seryosong sabi ko sa kanya habang nagmamaneho.
Habang nagmamaneho ako ay dahan dahan siyang lunapit sa akin at niyakap ang katawan ko at maya maya pa ay hinalikan niya ang pisngi ko. "I love you too Nathan" matamis niyang sabi at ako naman ay nakangiti habang tumutulo ang luha ko mula sa aking luha dahil sobrang saya ko ngayon.
Nakarating na ako sa bahay nina Drake at agad kong pinarada ang kotse niya sa garahe niya para naman makapagpahinga na siya sa loob.
Bago siya bumaba ay niyakap ko muli siya ng sobrang mahigpit at hinalikan ko ang labi niya ng simple lang. "Mahal na mahal kita Drake" sabi ko sa harap niya.
"Mahal na mahal din kita, Nathan" mahinang sabi niya.
Agad na kaming bumaba sa kotse at nagpa alam na akong uuwi dahil gusto ko na mamahinga siya.
Ansaya ko ngayon dahil napalitan yung nakaraan kong sakit na nararamdaman sa puso ko at napalitan ng sobrang saya.
Sigurado na akong mapapasa akin si Drake at sinabi niya mismo sa akin na mahal na mahal niya din ako😍.
🐰
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanficMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...