Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Di maalis sa aking mga labi ang ngiti na dinadala ko ngayon. Ito na ata ang pinakamasayang naramdaman ko kay Drake at finally magkabati na kami at yung salitang 'mahal niya ako' ang naging dahilan ng saya ko pag-uwi.
Madali akong nakauwi ng bahay dahil magkalapit lang bahay namin ni Drake. Masaya akong umuwi at sabi ni Papa na susuduin daw ako nun sa school pero mukhang nag-aalala na yun kakahintay sa akin dahil umuwi na ako.
Tinext ko na lang kanina si Papa habang nasa ospital ako at sinabing uuwi ako mag-isa at kasabay ko si Drake.
Agad na akong pumasok sa bahay at hinihintay na ako ni Papa.
"Oh anak dumating ka na pala" bungad ni Papa.
"San ka galing at mukhang hinapon ka ata" tankng ni Mama.
"Ah dinala po kasi kanina si Drake sa ospital kaya pinuntahan ko kanina" sabi ko.
"Nasa ospital na naman si Drake? Ano na naman nangyari sa batang yon?"
"Ah hinimatay daw po kanina" paliwanag ko.
"Susko ang batang yun, eh ayos na ba?"
"Opo at nakauwi na po siya"
"Ay siya sumama ka sa amin ng Mama mo at may ipapakita kami sa'yo" nakangiting sabi ni Papa sa akin.
"Ano po yun Papa?" tanong ko.
"Basta, magugustuhan mo ang regalo namin para sayo" nakangiting dagdag ni Mama.
Sumunod ako kina Mama at Papa pero ang gawi nila ay palabas ng bahay.
Ano yun?
Nagulat ako ng may iniabot sa akin si Papang susi at may nakaharap sa aking bagong kotse na halos kapareha ng kay Drake at magkaiba nga lang kami ng kulay dahil itim ang akin at puti ang kanya.
"Yan ang regalo namin sa'yo ng Mama mo dahil malapit na ang graduation mo kaya pagbutihan mo ang pag-aaral mo, hindi ang pambababae hah" sabi ni Papa sa akin.
"Oo nga at para di ka na lagi makikisabay kay Drake, kakahiya naman sa kanya lagi na hinihintay ka bumaba tuwing umaga" dagdag ni Mama.
Masaya ako at may sarili na akong sasakyan. Mukhang napakaswerte ng araw ko ngayon at tila doble at triple ng saya ng nararamdaman ng puso ko.
"Salamat po" nakangiti kong sabi sa kanila.
"Subukan mo na anak" sabi ni Papa.
Agad naman akong sumakay sa bago kong kotse at masaya akong pinandar ito. Tiyak na matutuwa din si Drake nitokapag nalaman niya na may bago din akong kotse.
Agad kong iginala ang sasakyan ko sa paligid ng villa at medyo inaaral ko pa ang pagmamaneho sa bago kong kotse dahil bago pa lamang ito.
Habang ako ay nagmamaneho na at pabalik sa aming bahay ay aksidente akong napatingin sa bahay nina Drake at tila may bisita sila.
May isang truck na nagbababaan sa kanilang tapat ng bahay na mga box na tila galing ibang bansa at palagay ko ay dumating na ang kanyang papa na matagal na niyang hinihintay.
Di na ako nagtagal at umuwi na agad ako at masayang ginarahe ang kotse ko at maya maya pa ay nakita ko si Papa at yung Papa ni Drake na tila nag-aaway dahil umiiyak sila pareho.
Anong meron?
☀️
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
Your Young Author,
YajieeeNext chapter will be uploaded soon as possible.
Salamat po sa pagbabasa.
See you to the next season❤️
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...