Kabanata 25

238 22 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

(Kinabukasan....)

Sabado walang pasok pero anong gagawin ko? Kung kailan ako lalo ginanahan magmahal saka naman yung taong pinili ko mahalain siya naman yung nawala sa akin.

Nasa kwarto lang ako at parang walang interesado sa lahat. Walang interesado kumain at walang interesado na lumabas. Parang nawalan ako ng gana o kumpiyansa sa sarili.

Bakit?

*Brizzzkkk, brizkkk*

Nagmessage sa akin si Andrew at nagyayaya mag-inom.

From Andrew,

Pare, punta ka sa amin babarek tayo.

Di ko alam kung pupunta ako pero baka ito ang magibg paraan makalimot muna naman ako ng saglit.

Pumayag ako sa alok ni Andrew at nagbihis agad ako at umalis kaso mahirap magcommute sa lugar namin baka matagalan ako.

"Nat bumaba ka diyan may bisita ka" sigaw ni mama mula sa labas.

Drake?

Agad ako lumabas ng kwarto at napasigaw ng hindi sinasadya. "Drake".

Napahiya ako sa nakita ko dahil hindi si Drake ang nandon. Si Gerald.

"Anong Drake?" nagtataka niyang tanong.

"Ah akala ko kase..." di ko na naituloy ang sasabihin ng biglang umimik si Gerald.

"Pinadaan ka sa akin ni Drake dahil pupunta ka daw kina Andrew at niyaya din kami"

"Nasan si Drake?" wala sa sarili kong tanong.

"Sinusundo si Shaina sa bahay niya"

"Eh inuman pupuntahan natin don at baka siya lang babae"

"May handaan din don at saka girlfriend na siya ni Drake kaya pwede niyang isama kahit saan"

Muli na naman kumirot ang puso ko dahil sa napakinig ko.

Oo girlfriend siya pero magkakaibigan dapat nandoon.

Kainis.

Nagseselos ba ako?

"Tara na at baka hinihintay na tayo don" yaya niya.

"Di na pala ako sasama, masama pakiramdam ko" tumanggi na ako.

Bigla ko na lang yun nasabi dahil parang nawalan na ako ng gana.

Kaya ko mag-inom mag-isa.

"Nakabihis ka na saka ka aayaw" iling niya.

"Masama pakiramdam ko pare kayo na lang, pasensya sa abala" palusot ko.

"Sigurado ka?"

"Hmm" pinipilit kong hindi tumulo ang luha ko.

"Sige"

Agad na itong umalis at nagpa-alam kay Mama na aalis na siya at ako naman ay sinilip ko ang kanyang sadakyan kung naka-alis na ba siya.

Pagka-alis niya at agad naman ako lumabas na pinipilit na huwag umiyak. Naglakad lakad ako sa labas at hanggang sa makarating ako sa tindahan.

Bumili ako ng napakaraming alak at dinala sa bahay.

Sa may likod ako ng bahay kung saan may pool ako gumawi at doon nagmukmok.

Binuksan ko na ang alak at nagsimula ng uminom. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung magkasama na sila Shaina.

Baka lalo lang ako masaktan kaya hindi na ako sumama kay Gerald at mas pinili ko na lang mag-isa dahil wala din naman ako masasabihan ng problema ko at baka sabihin lang nina Andrew o Justin na may iba na along nararamdaman kay Drake ay sabihin nila na nantitrip lang ako.

Ano ang gagawin ko?

Naubos na ang isang bote ng alak at binalibang ko ito sa harap ko basag na basak at wala akong pake kung sino man ang nasa paligid ko kung mapakinig man ni Mama ang pagdadabog ko.

Umiiyak ako habang umiinom at di ko pa din tanggap.

Noong una atat na atat ako na magkajowa si Drake parang ngayon di na ako natutuwa at dapat ako yun.

Ako yun.

"Anak may bisita ka" sigaw ulit ni Mama at nakita niya akong nag-iinom mag-isa at umiiyak.

"Ano bang ginagawa mo Nathan bakit ka umiinon mag-isa" dagdag ni Mama.

Lumapit si Mama sa akin at maya maya pa ay...

"Nathan?" boses ni...

Drake.

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon