Kabanata 26

246 22 2
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Drake...

Drake...

Drakeee...

"Ako na po bahala kuma-usap Tita" bumaling ako ng tingin at si Drake nga.

"Sige Drake" sabi ni Mama. "Ayusin mo Nathan sarili mo" bantang boses ni Mama at galit na.

Buti na lang nandyan si Drake.

Anong ginagawa niya dito?

Diba kasama niya si Shaina?

Lumapit siya sa akin at ako naman ay bigla akong napatayo at lumapit din ako sa kanya.

Biglaaangg...

Nadulas ako sa tabi ng pool at nahulog ako.

Di ako marunong lumangoy.

"Nathan" sigaw ni Drake.

Di ko maigalaw ang katawan ko dahil sa kalasingan ko kaya naman biglang tumalon din si Drake sa pool at niligtas ako dahil alam niyang di ako maalam lumangoy.

Alam ko at nararamdaman ko ang ginagawa niya habang pinipilit kong ibukas ang aking paningin sa kanya. Iniangat niya na ako sa pool at kita kong nakahubad ito pang-itaas.

Pagka-angat niya sa akin ay agad niya akong hiniga sa tabi ng pool at tinapik-tapik ang aking pisngi.

CPR Drake...

CPR...

Nilakasan niya ang sampal sa pisnge ko at napa aray ako. "Aray" nahimasmasan ako.

Mission Failed.

Agad naman niya ako inakay papunta sa upuan at di ko pa din gaano maigalaw ang katawan ko dahil sa kalasingan pero gising na gising ang diwa ko at alam ko ang bawat galaw ko at ang galaw niya.

"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo sabi ni Gerald tapos yun pala nagiinom ka lang pala mag-isa dito, ganoon din naman ang idadayo natin kina Andrew. Tsk" naiinis na sabi ni Andrew habang ako ay nakasandal sa upan at katabi ko siya.

"Bakit ka nandito? Di'ba kasama mo yung Shaina mo?" pandidiin kong sabi sa kanya.

"Tss may emergency na pinuntahan si Shaina kaya di nakasama" tugon niya. "Teka ano bang nangyayari sa'yo bakit nagkakaganyan ka?" nagtatakang dagdag na tanong niya.

Di ko alam kung ano ba dapat ang nararamdaman ko ngayon. Matutuwa o masasaktan?

Kikiligin dahil nandito si Drake o lalong masasaktan dahil nahuli ako sa naramdaman kong mahal na pala kita.

Bigla muling bumagsak ang luha ko habang nakatingin sa nagdidilim na kalangitan. Napakasakit na dati na ako yung inuuna mong sinusundo kung aalis man tayo parehas pero ngayon si Shaina na at di ako.

Bigla siyang dumikit sa akin at pinakalma ako ngunit lalo lang bumilis ang pagtulo ng luha ko dahil tinatapik tapik niya ang likod ko.

Napakasakit na.

"Ano bang problema Nathan?" mahinahong sabi niya. "Di ka naman ganyan dati, ano bang nangyari at bakit ka nagkaka-ganyan?" pag-aalala niya.

Ikaw Drake.

Ikaw...

Di ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Lalo lang akong nasasaktan.

Paano kung sabihin ko na siya ang dahilan kaya ako nagkakaganito.

Paano?

Lalo akong umiyak at unti-unting humarap sa kaniya.

"Ikaw" wala sa sarili kong sabi at nagtaka ang itsura niya sa sinabi ko.

"Bakit ako? Wala akong kasalanan sa'yo pare" tanggi niya.

Meron Drake... Bakit mas pinili mo si Shaina kesa sa akin?

"Napaka-manhid mo Drake" sabi ko agad sa kanya at bigla akong humagolhol sa pag-iyak.

"Aalis na ako at parang di maganda nga ang nararamdaman mo. Wala akong alam pare sa sinasabi mo" sabi niya. "Sasabihin ko na lang kay Tita na asikasuhin ka at mukhang ako pa sinisisi mo sa kalokohan mo. Wala akong alam"

Di kita sinisisi Drake.

Pakinggan mo muna naman ako.

Agad itong tumayo sa tabi ko at biglang nagtangkang umalis.

Anong gagawin ko? Mag-aaway na naman kami.

Bigla akong tumayo at hinawakan ko ang braso niya at biglang iniharap sa aking gawi.

"Drake" sabi ko agad sa harap niya at...

Di ko alam ang ginagawa ko.

Hinalikan ko siya...

Di ko alam ang ginagawa ko kung bakit nangyari yun pero mukhang dapat ko yun gawin para iparating ko sa kanya na nasasaktan ako ng dahil sa kanya at ipabatid sa kanya na...

Mahal na kita Drake.

Nagulat ako sa ginawa niya ng biglang...

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon