Kabanata 19

245 22 0
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

(Kinabukasan...)

"Pare gising na, malalate na tayo" yugyog sa katawan ko ni Andrew habang akoy nahihiga sa kama.

"Hmmm" pag-uunat ko at napatingin ako sa malaking orasan na nakadikit sa pader namin.

6:30 A. M.?

Nagmadali akong tumayo at napatingin ako sa tabi ko kung saan natulog katabi si Justin.

Wala siya?

"Asan si Justin pare?" tanong ko kay Andrew.

"Nandun nasa banyo nagbibihis na, kanina pa kami gising." turo niya at siya din ay bihis na.

"Bakit di niyo agad ako ginising? kanina pa pala kayo gising" inis kong sabi.

"Napakahirap mo gisingin pare, kanina ka pa namin ginigising kahit pagsampal sa pisnge mo nagawa na naman, napakasarap ng tulog mo"

"Tss" yun nalang nasambit ko at lumabas na nga si Justin sa banyo.

Nagtama ang paningin namin ay bigla akong napaiwas.

Paano kung alam niya nangyari kagabi.

Bakla na ba ako nun?

Sh*t.

"Oh Nathan maligo ka na bilisan mo malalate na tayo" tawag sa akin ni Justin.

Normal naman!

Agad akong naglakad patungong banyo at nagmadaling naligo at nagbihis na din. Pinalantsa na pala ni Justin lahat ng uniform namin kaya naman diretso na namin itong naisuot.

Di na kami kumain sa amin at ang sabi ni Andrew na sa school na lang daw dahil mabibitin daw sa oras. Nagpaalam agad ako kay Mama at sina Justin at Andrew ganun na din na may kasamang pagsasalamat dahil sa pagpapatuloy ni Mama sa kanila.

Lumabas na kami ng villa at alam ko na madalang lang na may dumaang taxi doon dahil ang mga nakatira sa villa namin ay puro na nakakotse.

Maya-maya nandyan na naman si Gerald para sunduin na naman ako pero bakit?

Di naman ata sinabi ni Drake sa kanya na araw-arawin niya.

"Oh sakay na kayo malalate na naman kayo" yaya ni Gerald sa amin habang siya ay nasa loob at binuksan nito ang bintana ng kotse niya para yayain kami.

"Oh tara na baka ma-late tayo" biglang sabi ni Justin.

"Salamat pare, tara na Nathan" pagyayayang ulit ni Andrew sa akin.

No choice kung hindi sumakay na din ako pero may tampo sa puso ko dahil di man lang niya sinabi sa akin yung tungkol kay Drake. Kakainis.

Dun ako tumabi malapit sa drivers seat at sina Justin naman at Andrew ay nasa likod.

Pinaandar na agad ni Gerald ang kanyang sasakyan at tahimik muli ito nagmamaneho. Di na ako makapagtiis sa kinikimkim kong tamoo kaya napatanong na ako.

"Gerald bakit di mo naman sinabi sa akin na nasa ospital pala si Drake" seryosong sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala pupunta kami mamaya" sabat ni Andrew.

"Ayaw ipa-alam ni Drake na sabihin sa inyo lalo na sa'yo Nathan" iling niyang sabi.

Pero bakit? Lalo na sa akin.

Bakit?

"Bakit naman? Eh kaibigan ko naman siya" sabi ko.

"Di'ba magkagalit kayo?" direkta nitong sabi.

Walang preno?

Nakaramdam ako ng pagkapahiya at naalala ko na naman yung kasinungalingang ginawa ko sa kanya. Kagagawa talaga to ni Shaina.

Napatingin na lang ako sa bintana at nagtatanaw ng kung anu-ano sa labas.

Maya maya pa ay nakarating na naman kami sa school at nagpasalamat kay Gerald dahil sa paghahatid niya at ako din ay nahihiyang umimik sa kanya. "Pasabi na lang kay Drake magpagaling agad siya" wala sa sarili kong sabi.

Agad na niyang pinaandar ang sasakyan at tila di pinansin ang sinabi ko kaya naman agad kami naglakad patungo sa room at buti na lang di kami nalte tatlo.

Nagsimula na ang klase at puro discussion na naman ang naganap at puro school works at homeworks na naman ang baon pauwi.

Kaya ayaw ko mag-aral lalo na kung tamad ang nag-aaral.

Natapos na ang klase at maya-maya pa ay agad ng nagyaya si Justin na pumuntang ospital dahil baka gabihin sila kung mabagal kami kumilos.

Habang kami ay naglalakad at nag-aabang ng taxi nagpakita na naman ang sasakyan ni Gerald at tila susunduin na naman kami.

"Right timing si Gerald ah" bulong ni Andrew.

Biglang tumigil sa may tapat namin ito.

Anong ginagawa niya rito.

"Sakay na kayo" sabi ni Gerald.

"Di pa kami uuwi! Pupunta pa kami kay Drake" sabi ko agad sa kanya.

"Oo nga diba sabi nga ni Andrew kanina?" tugon niya.

"Oo nga" mahina kong sabi.

"Bilisan niyo na at si Drake ang nagpasundo sa inyo dahil nabanggit ko kanina na pupunta kayo sa kanya" paliwanag niya.

Agad naman kaming sumakay at excited na akong makita siya dahil di maganda ang huli naming pagkikita bago siya dalhin doon.

Sana magkabati na kami.

Kinakabahan ako kung paano niya ako kakausapin mamaya.

Galit ba siya sa akin o napatawad na niya ako.

Eh paano niya ako papatawadin eh hindi nga ako nag so-sorry.

Edi mamaya.

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.




✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon