Kabanata 30

236 22 3
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Wala na akong lusot dahil pakinig na niya pero ang gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Paano?

Bistado na ako ni Gerald. Magkaibigan kami kaya nahihiya ako magtago pero anong sasabihin ni Drake sa akin kung pangungunahan ko ang desisyon ko kung kasali siya sa sitwasyon na meron ako?

"Totoo ba narinig ko?" galit niyang sabi pero anong dahilan niya magalit? Parehas kaming lalaki? "Drake!" malakas na boses na banggit ni Gerald.

"Gerald..." sambit ni Drake.

"Kaya pala lagi mong inaalala si Nathan dahil mukhang may namamagitan sa inyo, ibang klase. Kailan nyo pa akong natutunang lokohin."

"Gerald makinig ka muna, iba ang iniisp mo" sabi ko.

"Tss, malakas pandinig ko Nathan, kailan pa? Bakit niyo tinago sa akin to? Kaibigan niyo ako!"

"Gerald please magpapaliwanag kami" sambit ko.

"Tss, galit kayo sa sinungaling tapos kayo pala sinungaling, Manloloko"

"Gerald" biglang tumaas ang boses ko at biglang pumagitna si Drake.

"K fine aalis na ako, mag-enjoy kayong dalwa" galit at irap niyang sabi sa amin saka kami tinalikuran.

Problema non? Halik?

Bigdeal?

"Gerald saglit" sigaw ni Drake at sinundan ito.

"Drake" pigil ko sa kanya pero nagpatuloy pa din siya sa pagsunod kay Gerald.

Wala akong nagawa kaya sinundan ko siya sa pagsunod kay Gerald. Di ko alam ang kakaibang nararamdaman ko pero parang may mali lalo na sa kinikilos ni Gerald.

Anong dahilan niya na magalit na ganoon kalala.

Nagseselos ba siya? Pero bakit?

Habang tinatalikudan kami kanina ni Drake ay kita ko na tila nagpapahid ito ng luha.

Umiiyak?

Gabing gabi na at sinundan ko pa din sa paglalakad si Drake habang sinusindan nito si Gerald. Nasa may labas ako ng bahay sa parteng malapit sa pinto habang nakikita ko na si Gerald ay tangka ng papasok sa kotse pero pinigilan ni Drake ito.

Lumapit ako pero di nila ako nakikita at papakinggan ko lang ang pag-uusap nila at malaman ang dahilan ni Gerald kung bakit siya umasta ng ganoon.

Nasa may tabing kalsada sila at si Gerald at Drake naman ay nasa likod ng compartment at talikuran sila.

"Gerald? Ayos ka lang ba? Sorry kanina ko lang din nalaman" unang sambit ni Drake. "Umiiyak ka ba?" tanong ni Drake habang nakatalikod si Gerald at nagpapahid ng luha.

Humarap si Gerald kay Drake at lumapit. "Mahal din kita Drake" naluluha nitong sabi.

Nanlaki ang mata ni Drake sa sinabi niya at pati ako ay nagulat ng sabihin niyang iyon.

Pero kailan pa niya nagustuhan si Drake?

"Gaano na katagal Gerald?" tanong ni Drake sa kanya.

"Matagal na matagal na, di ko akalain na uunahan ako ni Nathan sa'yo at halata sayo noong una na gusto mo si Nathan noon at nasasaktan ako na siya ang dahilan kung bakit ka ngumingiti noon" lalong bumilis ang pagtulo ng luha niya.

Naiiyak na naman ako dahil may karibal na naman ako sa puso ni Drake. Ako piliin mo Drake. Di maaari to.

Mahal na mahal mo ako diba Drake? Wag mo siyang pakinggan please

"Pero..." di na naituloy ni Drake ang sasabihin niya ng biglang...

Hinawakan ni Gerald ang dalwang pisnge ni Drake at hinalikan ito. Di basta basta halik ito at tila sunod sunod ang sungab niya sa labi ni Drake.

Nakikita ko si Drake na tila nagulat sa ginawa sa kanya ni Gerald at di siya makagalaw dahil sa malakas na pwersang ginagawa ni Gerald sa kanya.

Yung dalwa niyang kamay ay biglang yumakap sa katawan ni Drake at hinahalikan ito.

P*tang*na m* Gerald.

Ako lang ang may karapatang humalik kay Drake.

Ako lang

Agad akong lumabas sa aking pinagtataguan at...

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon