Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Makaraan ng ilang minuto ay dumating na sina Andrew at Justin. May dala-dala silang pulutan na ulam at mga chichirya para sa inuman namin. Si Drake ang nagpasimulang magbukas ng alak dahil sa utos ni Justin dahil siya ang may birthday.
"Teka, teka wala munang iinom" awat ni Andrew na tangkang iinumin na ni Drake ang alak. "Drake nasan yung cake mo?" tanong agad niya.
"Oo nga wish ka muna na sana magkajowa ka na agad" biro ni Justin. "Loko" agad natugon ni Drake sa kanya. "Nasa compartment pa" agad niyang sabi habang nakatingin siya sa akin na parang inuutusan niya ako na ako kumuha.
"Ba't ako?" tanong ko agad.
"Diba sabi mo regalo mo yon?" si Drake na parang nanghihinala na di ako nagbigay non. "Kuhanin mo na Nathan para makapagsimula na tayo, wag mo pag-intayin ang birthday boy" dagdag na utos ni Justin.
Wala na akong choice kundi sumunod kahit ansarap ng pagkaka-upo ko sa tabi ni Drake. Binuksan ko na ang compartment at kinuha ko na ang ang Red Ribbon na cake at dinala ko na din yung explosion box na gawa ni Shaina. Di ko akalain na sumunod pala sa akin si Justin at sinabing buksan ko daw yung box ng cake at sindihan ito.
"Walang lighter" sabi ko.
"Magreregalo ka ng cake, wala kang lighter? Posporo?" tanong niya.
"Kamalayan ko bang responsibilidad ko pa lang magsindi ng cake na yan"
Binatukan niya ako. "Aray!"
"Wala daw panindi sampigahin kita diyan! Ayan oh nasa may gilid ng cake"
"Di ko alam di naman ako bumili niyan at nagpabili lang ako kay Shaina."
"Eh ba't ba si Shaina pa inutusan mo ay nandito naman kami ni Andrew" titingnan niya ako ng makahulugang titig. "Sa'yo ba talaga yan galing?" seryoso niyang tanong. "O-oo" sabi ko agad. "Wag ka na ngang madaming tanong sindihan mo na yan at akoy ngalay na maghawak" reklamo ko.
"Eh ba't kase ayaw mong bitawan yang explosion box" turo niya sa kanang hawak ko habang naka-alalay sa pagkakahawak ko sa cake. "Malamang kasama yan sa regalo" palusot ko.
Di na siya umimik at sinindihan na niya ang cake at naglakad na kami patungo sa gawi nina Drake kung saang lugar kami iinom.
"Happy Birthday to you..." kinakanta namin nina Justin at Andrew habang papalapit na kami sa harap ni Drake habang pumapalakpak.
"Happy Birtday pre" bati ni Justin at inakbayan niya pa ito.
"Happy Birthday pre, wish sabay blow mo na" si Andrew habang nakatingin sa alak.
Pumikit si Drake at nagwish sa sarili niya at tumingin siya sa akin ng dahan-dahang minumulat ang kanyang mata at ngumiti kaya bigla akong nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...