Kabanata 21

246 21 1
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Lumipas na ang isang linggo at nasa ospital pa din si Drake at di ko mawari kung kailan ito babalik sa school at kung kailan ito uuwi.

Ngayon, araw ng biyernes at pumasok ako sa school at hanggang ngayon ay hatid sundo pa din ako ni Gerald dahil yun daw habilin sa kanya ni Drake kase mahihirapan daw ako mag commute at lalo daw ako malalate.

Kahit may sakit si Drake ay ako pa din inaalala niya. Nakaramdam ako ng saya sa puso ko dahil alam ko na malapit na siyang gumaling dahil sa paulit-ulit na pagkekwento ni Gerald sa akin noong nagdaang araw habang nagmamaneho ito nung panahon na hatid sundo ako nito.

Lagi ko na lang tinatanong kay Gerald kung kamusta na ba siya at kung ano na sitwasyon niya at mabuti naman ay bumubuti na daw lagay niya.

Bati na kaya kami?

Tulad ng sabi ko ay hinatid ako ni Gerald sa school at agad ako nagtungo sa room. Pagdating ko ay naroroon na sina Andrew at Justin at hinihintay pala ako dahil wala daw ang teacher sa first subject namin.

Syempre masaya.

"Oy pre baka daw mamaya lalabas na si Drake, nagchat siya sa akin kagabi" bungad na sabi sa akin ni Andrew habang binababa ko ang bag ko sa harap nitong upuan.

"Oy pare naibigay mo na ba yung cake? Mukhang inamag na yata sa ref nyo" patawa-tawang sabi ni Justin. "Buti pa yun nagbakasyon kahit isang linggo" biro niyang dagdag.

"Loko, nakain na nga ng Mama kaya mamaya bibili ako panibago dahil sabi ng mama mas maganda daw ay Mocha flavor at favorite daw ni Drake" sabi ko sa kanya.

"Bibili ka na naman panibago? Sagana ka ata sa pera ngayon pare ah?" si Andrew.

"Tss malaki lang baon ko dahil sumahod na si Papa"

"Edi ililibre mo kami?" biro ni Justin.

"Ulol manigas ka! Bibili pa ako ng cake para kay Drake"

"Dapat pala inaway din kita noon Nathan para may pa peace offering ka din sa aking cake" biro ni Andrew

"Pwe sa tingin mo gagawin ko yun sa'yo?" patawa-tawa kong sabi.

"Aysus bakit hindi? Nagawa mo nga kay Drake, sa amin pa kayang mabubuti mong kaibigan" si Justin.

"Di nga ata tayo kaibigan" malungkot na sabi ni Andrew.

"Oy anong hinde? Edi sana di ko kayo lagi kasama at tinutulungan sa pambababe niyo noon?" bara ko sa kadramahan niya.

"Edi manlilibre ka?" biglang ngumiti sa akin.

Nasapok ko siya.

"Bakit nagkasakit ka ba?" natatawa kong sabi.

Di na sila umimik pa at ako naman ay naupo na lang. Noong mga nagdaang araw ay di ako makatulog sa pag-iisip noong araw na hinahanap hanap pala ako ni Drake noong dumalaw ako sa kanya. Inakala ko na parang wala lang ako kaya todo ngiti ako na pinansin niya ako kahit wala ako dun.

Araw-araw ng di mawala sa isip ko si Drake lalo na yung ngiti niya sa twing naiisp ko ay napapa ngiti ako at tila natitipuhan ko na siya.

Noong una talaga sabi ko sa sarili ko na para sa babae lang ako pero noong naramdaman ko ang ganito na kakaiba na kay Drake, ngayon ko lang ito naramdaman, tila nagbago ang ihip ng mundo ko. Unti-unti akong nilalamon ng tukso na mahalin siya at sa twing inaalala ko siya at napapangiti ako.

Nag-aalala ako kung kumain na ba siya.

Nasa tamang oras ba siya kung kumain

May nagaasikaso ba sa kanya?

May nagbabantay ba sa kanya sa ospital.

Okay na ba siya?

Bakit ganito ako mag-aalala sa kanya? Di ito tulad dati sa nakarelasyon kong babae na sineryoso ko naman talaga.

Gusto ko siyang puntahan sa ospital noong araw na wala akong ginagawa sa school  pero ang bigat ng paa ko na tumungo doon kasi baka galit pa siya sa akin at di pa kami nagkaka-usap sa nangyari sa amin.

Sa katangan ko. (rather)

Di pa ako sure nung isang araw sa nararamdaman ko sa kanya. Alam kong mali ito pero di ko mapigilan.

Pero kailan ako aamin?

Baka pag umamin ako iwasan niya ako. Alam niya tropa lang kami. Ayaw ko pa naman ma-reject kase nasanay ako sa lahat ng babae na nagugustuhan ko ay napapapunta sa akin pero lalaki si Drake.

Lalaki si Drake.

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon