Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Lumabas na si Drake sa banyo at parang walang nangyari na nakatingin ito sa akin. Nakangiti at mistulang inosente na walangnangyari sa amin kanina.
Nakatitig ito sa akin habang ako ay iniiwasan ang kanyang tingin. Nakatapis sa bewang ang tuwalya nito at bakat yung alaga niya. Di na ako tumingin at nilagay ko na lang ang atensiyon sa ibang bagay para di mailang sa nakakainis nitong pagtingin.
Naiinis pa din ako.
*Kring, Kring, Kring* tunog mula sa telepono ni Drakena nasa table. Agad na sinagot ni Drake ang tawag at parang nagtaka kung sino yun.
"Sino to?" sabi niya muna bago sagutin ang tawag. "Hello? Sino 'to?" nagtatakang tono nito habang nagsusuot ito ng underwear gamit ang isa niyang kamay.
"Bakit?"
"Kailan?"
"Anong oras?"
"Sige" huling linyang sambit ni Drake pagtapos nitong ibaba ang telepono.
"Sino yun?" tanong agad ni Gerald sa kanya.
"Si Shaina yung ex ni Nathan" sabi niya habang nakatingin sa akin at nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.
Baka sabihin niya na di galing talaga sa akin yung regalo? Baka aamin na siya kay Drake?
"Saan naman niya nakuha ang number mo?" tanong ni Gerald sa kanya habang si Drake naman ay pantaas na lang na panamit ang isusuot niya.
"Ewan baka siguro si Nathan" sabi agad ni Drake at napa-angal naman agad ako.
"Huh ba't ako, kamayan ko diyan. Di ako basta-basta nagbibigay ng numero ng ibang tao" tanggi ko.
"Eh sino naman ang magbibigay ng cellphone number niya eh ikaw lang naman ang kaclose niya" si Gerald.
"Basta di ako at wala akong kinalaman diyan" mariin kong sabi.
Nakaramdam ako ng matinding kaba ng sambitin ni Drake ang ngalan ni Shaina dahil ayaw ko mapahiya kay Drake kung malalaman niya na galing kay Shaina talaga yung regalong ibinigay niya.
Di ko alam kung ano ang idadahilan ko kung malaman niya at baka masira ang tiwala niya sa akin pati na din ang pagkakaibigan namin.
Hapon na at bumababa na ang haring araw, kaya naman si Gerald ay bumaba at bumili ng alak para icelebrate daw namin na kasama siya sa naganap na birthday kahapon ni Drake.
Naiwan kami sa condominium ni Drake na tila walang pansinan at imikan kaya di na ako makapagtimpi sa ginawa nito sa akin dahil pangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang dignidad ko sa taong mamahakin ko ng totoo at sa babae yun at wala akong balak na pumatiol sa kapwa kasarian.
"Drake" mahina at nahihiya kong sabi.
"Oh" tugon agad naman nito.
"Yung nangyari kanina, paano mo nagawa yun sa akin" isang mariing pag-nguya ko sa kinakain ko. "Di tayo talo pare at ayaw ko ng maulit yon, ayaw ko masira lang pagkakaibigan natin dahil lang sa kahibangan mo" dagdag ko pa na may pagka-inis sa kanya pati sa sarili ko dahil hinyaan ko siya sa mga sandaling ginagawa niya ang karahasan niya sa akin.
"Sorry pare, nabigla lang ako di ko din alam kung bakit ko yun nagawa sayo. Nagkakasala ako dahil sa sarili ko pang kaibigan yun nagawa at parehas pa tayong lalaki. Nakakahiya ako" nasapo nito ang noo sa mga sinabi niya.
"Wala dapat ibang maka-alam nito Drake. Nakakahiya. Kung ano man ang nangyari kanina wag na sana maulit at kalimutan na natin ang nangyari " mahinahong sabi ko sa kanya habang nakatulala sa labas ng bintana.
Di na ito nagsalita pa at humiga ito sa kama at nakatalikod sa akin. Kapag may pagkakataong di namin naiintindihan ang isa't isa ay idinadaan naman namin sa maayos na usapan kahit simpleng away lang yun pero yung nangyari kanina ay ngangayon lang namin naranasan at ibang problema ito pag may ibang taong naka-alam kaya mas maayos pa na magpanggap na walang nangyari kesa naman iwasan namin ang isa't isa dahil di sapat na dahilan yun para di ko na siya kaibiganin dahil sa tagal na naming magkababata ay siya yung tao na parating nasa tabi ko kapag napapagalitan ako noon ng pamilya ko dahil sa mga kalokohan ko.
Maya-maya pa ay dumating na si Gerald sa condominium at biglang tumayo sa kinahihigaan si Drake at kinuha ang hawak nitong plastik na puro pulutan.
🐰
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...