Kabanata 35

208 19 0
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Maaga ako nagising dahil excited na ako sa dapat kong malaman tungkol kay Gerald. Malakas ang kutob ko dito at kakaiba. Feeling ko may tinatago siya sa akin kaya ako ang naisiapng itext ni Raz pero ang kaya yun.

Kumain na muna ako at saka kinuha ang bag ko sa lagayan nito at saka lumabas. Naroroon si Papa sa labas at sabi niya siya na daw ang maghahatid sa akin dahil dadaan naman daw siya sa school.

Nakarating na ako sa school at nagpaalam na ako kay Papa at nagpasalamat.

"Dadaanan kita mamaya at may surpresa ako sayo" sabi agad ni Papa.

Ano kaya yun?

Dumagdag sa excitement ko na umuwi pero gusto ko din malaman yung kailangan kong malaman tungkol kay Gerald.

"Sige po Pa, mag-ingat po kayo" paalam ko at saka sinarado ang bintana ng kotse bito at bumusina.

Agad akong nagamdaling naglakad patungo sa school at habang naglalakad ako at nakita ko si Drake na kasabay nito si Shaina at mukabg sinundo ito sa sa kanila.

Nagpahuli ako ng kaunti at sila naman ang nauuna, di nila ako makikita dahil parehas silang tutok sa isa't isa at nagtatawanan sa daan.

Nagseselos ako Drake tama na yan.

Nasa may parteng dalawan daanan na ang dadaanan namin at naghiwalay na nga sa paglalakad si Shaina at Drake habang ako ay nanatiling nasa likod.

"Bye Drake I love you" malanding sabi ni Shaina kay Drake.

"I love you too" tugon ni Drake at yun ang kinainis ko.

Agad na ang dalawa ay naglakad papalayo sa isa't isa kaya naman may pagakakaton akong lumapit o sumabay kay Drake sa paglalakad at makausap ko man lang siya.

"Drake" nahihiya kong sigaw.

Tumingin ito sa akin ng dahan dahan habang nakakunot ang noo nito. Pagkabaling sa akin nito ng tingin sa akin ay biglang bumilis ang paglalakad nito at parang iniiwasan ako.

"Drake" takbong habol ko sa kanya habang sa maabutan ko siya. "Mag-usap muna tayo please" pagmamaka-awa ko sa kanya at hinarangan ko ang dinadaanan niya.

"Mga babae lapit kayo dito" sigaw ni Drake sa nakapaligid sa amin. "Free hug daw" turo niya sa akin.

Nagtakbuhan yung mga babaeng nagkakagusto sa akin at pinagkaguluhan ako. Niyakap nila ako at di ko na makita si Drake kung nasaan na ito.

Pinipilit kong kumawala pero di ako makaalis sa mga yakap ng mga babaeng ito.

Kainis, naisahan ako.

Buti nalang may isang teacher na dumaan sa gawi namin at pinatigil ang kalokohang ponagawa ni Drake sa mga babae na di ko nagustuhan.

Agad naman lumayo ang mga babae at ako naman at nag-ayos ng polo at buhok ko ay gulong gulo na. Umagang-umaga ay naiinitan na agad ako kase sa mga babaeng pumalibot sa akin kanina.

Agad akong tumakbo sa room at muntikan na naman ako malate at buti naman wala na naman yung tamad na teacher namin na pumasok ng klase at nagpa-iwan lang daw ng gawain.

Agad akong umupo at katabi ko si Andrew at Drake na pinaggigitnaan ako habang si Justin naman ay katabi nito si Andrew sa kaliwang banda.

"Drake ang aga-aga pawisan ka? Tumakbo ka ba papunta sa school?" inamoy ako. "Naligo ka ba?"

"Malamang"

"Oo nga pala bkakit di kayo nagpunta ni Drake nung may birthday-han kina Andrew?" taning ni Justin.

"May inasikaso lang" palusot ko.

"Ano yun? Mukang mas importante yan ah kesa sa pinakamamahal mong alak" biro ni Justin.

"Mahal na mahal" pilit kong ngiting sabi habang sumisilay ang aking tingin sa gawi ni Drake.

"Sus nakipag-away ka na naman, tignan mo mukha mo puro sugat na naman" si Justin.

"Tsss, hayaan mo si Nathan kung gusto niyang maaga mautas" si Andrew.

"Ikaw Drake san ka galing nung Sabado?" baling ni Justin sa kanya.

"Pinuntaha ko si Shaina, yung mahal ko" pagdidiin niya sabi at tila pinariringgan ako.

Nasasaktan na naman ako Drake.

Tama na.

"Naks naman first time nga lala magka jowa ni Drake at mukhang mahal na mahal niya si Shaina" si Justin. "Swerte naman si Shaina" pahina ng pahina ang sinabi niya ning pimandilatan ko siya ng mata.

Katabi ko si Drake at tila naiilang ito sa akin, di siya tumitingin sa akin at diretso lang siyang nakatingin sa librong binabasa nito habamg si Justin at Andrew naman sa tabi ko ay may sarili ng usapan pagkatapos nung isapan namin kanina.

"Drake akala ko ba di mo ako kayang tiisin" bulong ko sa kanya at tila papatak na naman ang luha ko. "Minahal mo ako diba? Sana ako pa din"dahan dahang tumutulo ang luha ko sa sinabi kong iyon at humarap ito sa akin.

At nagsalita...

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon