Kabanata 27

237 20 2
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Sa pagkaka-halik ko kay Drake ay tila nagulat ito sa aking ginawa kaya inalis ko agad ang madiing pagkakahalik ko sa labi niya.

"Sorry Drake" naluluha kong sabi."Mahal kita Drake, mahal na mahal"

Lalo ako napaiyak nung...

Niyakap niya ako.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Bakit mo kailangang gawin din ito sa akin Nathan" gumagaralgal na boses niya na tila naiiyak na din.

Teka umiiyak din siya?

Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Drake sa katawan ko at iniharap ko sita sa akin at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin?" naiiyak kong tanong.

Naiiyak din siya at tila ayaw din tumigil ang pagtulo nito. Pinahid ko ang luha nito gamit ang kamay ko. "Tahan na" sabi ko.

"Bakit mo ginagawa sa akin to Nathan, di mo alam na nasasaktan din ako" umiyak siya lalo.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Tagal ko ng hinihintay na banggitin mo na mahal mo din ako kaso nagbulag-bulagan ka dati. Tapos gagawin mo ito sa akin? Hahalikan mo ako basta? Sasaktan mo na naman ako? Papaasahin na may pag-asa ako sa'yo? MALABO!" sigaw niya.

Ibig sabihin matagal na din niya ako gusto?

" Tapos saka ka magpaparamdam sa akin nang magka girlfriend ako? Bakit ko kailangang maramdaman to Nathan. Alam ko na mali to pero matagal na kitang mahal" nagpahid muna siya ng saglit ng luha.

"Drake..." pigil ko sa kanya at ambilis ng kabig ng puso ko at tila natutusok ito. Napakasakit.

"Naka move-on na ako eh pero lalo mo ako sinaktan, binigyan mo na naman ako ng dahilan para ipagpatuloy kita mahalin. Nathan may Shaina na ako!" napaiwas ito ng tingin at nagpahid ng luha. "Bakit ngayon mo lang ito sinabi" dagdag niya.

Para na naman pinatungan ng napakabigat na bagay ang puso ko sa sobrang bigat at tila tinusukan din ang puso ko ng napakalaking tinik dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Sorry Drake, huli ko na naramdaman na...

Mahal pala kita.

"Sorry nagbulag-bulagan ako noon pero di ko pala kaya na nakikita kang masaya sa iba at di na ako ang dahilan ng ikinasasaya mo" hinawakan ko ang kamay niya at idinampit ito sa dibdib ko ng dalawa kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit.

"Please Drake, hayaan mong patunayan ko sayo na mahal kita kahit huli na, diba mahal mo rin ako? Please ako piliin mo" pagmamaka-awa ko.

Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkakawak ko at niyakap niya ako muli. "Sorry Nathan" humagulhol ito ng iyak.

"Drake..." tipid kong sabi habang umiiyak.

"Di ko kayang saktan si Shaina" dahilan niya. "Sorry" tinagtag niya ang pagkakayakap sa akin at hinalikan niya ako sa ulo.

Napaluhod ako sa harap niya at nagmamakaawang ako na lang ang piliin niya. Sobrang sakit ng nararamdman ko tila triple ang sakit.

Sobrang sakit.

"Please Drake, please" pagmamakaawa ko muli.

Itinayo niya ako at hinalikan niya ako bigla sa labi at sobrang dikit halos naghahabol ako ng hininga sa mga sunod sunod niyang dakma sa labi ko.

Nanlaban na din ako sa halik niya at ang totoo namiss ko yung halik niya na sobrang tamis at yung malambot niyang labi na napakasarap sipsipin.

Paurong kami ng paurong hanggang sa napadikit ako sa pader habang hinahalikan ako ni Drake at nakayakap ito sa akin hanggang sa hinalikan na din nito ang leeg ko ng dahilan na magkaroon ng chikinini dahil sa mariin niyang halik.

"Drake" napa-salita ako nung tagtagin niya ang pagkakahalik sa leeg ko tapos humarap siya sa akin. "Please ako ang piliin mo" tumulo muli luha ko.

"Di kita kayang matiis Nathan dahil ikaw talaga ang una kong minahal" niyakap niya ako ng mahigpit.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, may saya at kirot sa puso ko pero okay na ako dahil sa pinakita ni Drake dahil mukhang malaki ang chance ko na mapasa akin siya.

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon