Kabanata 29

237 19 4
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Bumaba na ako sa aking silid kung saan nagpalit ako. Nadatnan ko si Drake na tila bagong labas lang nito sa banyo at habang si Gerald naman ay nakaupo sa isang sulok habang nakatingin kay Drake.

Teka bakit ganon siya makatitig kay Drake. Kakaiba.

"Gerald" tawag ko sa kanya para magambala ko ang kakaibang tingin niya kay Drake.

"Oh?" biglang bumaling ang tingin niya sa akin at tila nabigla ito. "Bakit?" kabadong tanong aniya.

"Bakit ka nga pala bigla naparito?" seryoso kong tanong at lumapit naman si Drake sa amin.

"Tsss, kayo nga dapat tanungin ko. Anong dahilan niyo bakit kayo di nagpunta kina Andrew" iling niyang sabi.

"Di na ako natuloy, binalak ko kase na pilitin si Nathan na pumunta kina Andrew dahil sabi mo di siya pupunta kaya ako pumunta" paliwanag ni Drake.

"Akala ko ba isasama mo si Shaina?"

Bakit siya matanong?

"May pinuntahan si Shaina kaya di ako dumiretso para may kasama ako papunta kina Andrew"

"Sa akin nga di sumama sa'yo pa kaya" naiinis niyang sabi. "Wala man lang ako kausap kina Andrew don tapos parehas pa kayong di sumipot, pambihira naman"

"Sorry par kasalanan ko kaya di nakapunta si Drake" singit ko. "Nahulog kase ako sa pool gawa ng lasing ako tapos di ako marunong lumangoy" nahihiya kong dagdag.

"Tss nung nasa San Isidro Resort tayo nagyabang ka pa na lulunudin mo si Drake yun pala dika maalam" irap niya.

Biglang napatawa si Drake sa sinabi ni Gerald at napatingin kaming dalwa sa kanya.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Gerald.

"Wala" pigil niyang tawa. "Bakit ka ba nagagalit? Tampo ka?, Hahaha" biro ni Drake sa kanya.

"Tss"

"Gusto mo suyuin kita? Hahaha" di nakakatuwang biro ni Drake para sa akin.

Selos ako oyy.

Lumapit si Drake kay Gerald at hinaplos haplos nito ang likod tapos humarap pa siya mismo sa mukha nito at ngumiti ngiti.

Sinapo ng buong palad ni Gerald ang mukha ni Drake at inilayo sa mukha niya at ngumiti.

"Oks na bati na" natatawang sabi ni Drake.

Ganto kami talagang magkakaibigan, parang bata kung maglambingan at mag-asaran kaya siguro nahirapan akong mawala sa tabi ko si Drake kase kahit sa akin sweet siya. Di ko alam na nahuhulog na ako sa kanya kaya nahihirapan akong makita siyang pinanghahawakan na ng ibang tao.

Paano nga pala si Shaina?

Yung sinabi sa akin ni Drake?

Anong balak niya?

Bago pa lang sila.

"Tama na yan, tara na at naghain na si Mama ng makakain natin" pang-gagambala ko sa kanila dahil sa nararamdaman ko kay Drake ay tila di ko kayangmakita siya na sweet din sa iba.

Nagseselos ako kaso walang label.

Pero mahal niya ako diba?

Patuloy ang asaran nilang dalwa at naiinis ako. Nauna akong maglakad patungo sa dining area habang sina Gerald at Drake naman ay nasa likuran kong sumusunod.

"Oh halika na kayo at kumain, at ikaw Nathan ayos na ba pakiramdam mo? Husay ka sa iyong papa kung sakaling umuwi yun ngayon" banta ni Mama.

Oo nga pala si Papa.

Army si Papa at anong magiging reaksyon niya kung nagkakagusto ang anak niya sa kapwa lalaki?

Tanggap ba niya ako o ipagtatabuyan niya ako.

Natatakot ako.

Agad na kaming umupo sa lamesa at nabigla ako ng sa harap ko umupo si Drake dahil inakala ko na tatabi siya sa akin dahilmay bakanteng upuan sa tabi ko.

Nainis? Nagseselos? Nang makita kong tumabi si Gerald sa kanya.

Ganito ba magmahal? Walang pinipiling pagselosan?

Akin yan Gerald umayos ka, iba ang ngiti mo.

"Andami naman po Tita ng pagkain" sabi ni Drake.

"Ah oo di ko kase alam na dadating kayo kaya dinamihan ko na" nakangitingsabi ni Mama.

Agad akong kumuha ng isang gayat na pritong karne at nahihiyang inilagay sa plato ni Drake.

"Kainin mo at di ka pa siguro nakakakain" sabi ko.

Tumahimik siya at tila nagulat/nabigla siya sa ginawa ko na never kong tinrato siya na parang ibang pinagsisilbihan.

Si Gerald ay natahimik na kumakain habang katabi ni Drake at tila umiiwas ito ng tingin sa akin.

Natapos na kaming kumain at maya maya pa ay iinom na ng tubig. Kumuha si Drake ng baso at inagaw ko sa kanya.

"Ako na maglalagay ng tubig mo" prisinta ko sabay ngumiti.

Sa pagkakatingin ko sa kanyang mukha ay may kanin pa siya sa gilid ng kanyang labi kaya naman agad kong nilapit ang aking mukha sa mukha niya na tila hahalikan siya.

Dahan dahan kong hinawakan ang labi niya at...

"Ano na naman ginagawa mo Nathan" pigil niya.

"Tss ano bang nasa isip mo? Hahalikan kita ulit? May kanin ka lang sa labi at tinanggal ko lang" pinakita ko yung kanin na tinanggal ko sa gilid ng labi niya.

"Anong hahalikan ulit?" boses na mula sa likuran namin ni Drake.

Si Gerald.

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*

Bigla akong kinabahan dahil napakinig niya yung sinabi ko at nung tumingin ako sa kanya ay masama ang tingin nito sa akin.

Yataps...

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon