Kabanata 32

209 22 0
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Nagising ako sa isang malakas na palahaw ni Mama, gumising na daw ako at may pupuntahan daw kami. Tinatamad ako bumangon at tila mabigat ang katawan ko ngayon.

Napuyat kasi ako kakaisip kagabi tungkol sa nangyari kagbi at di ko talaga inaakala na mangyayari ang lahat ng iyon at siguradong galit sa akin si Drake.

Araw ngayon ng linggo at nagyaya si Mama na magsimba dahil dumating daw kagabi si Papa. Kaya naman agad ako bumangon at nag-ayos bago bumaba.

"Oh Nathan kumain ka muna bago tayo umalis" yaya ni Papa sa mesa.

Agad naman ako umupo sa upuan at kaharap ko si Mama habang si Papa naman ay kaharap namin ni Mama.

Tahimik kaming kumakain at nung kalagitnaan na ng malapit na matapos ang kakainin ko ay biglang nagtanong si Papa.

"Nathan, malapit na graduation siguraduhin mo na magsusundalo ka din hah, ayaw ko na lalampa-lampa" seryosong sabi ni Papa.

"Opo" tipid kong tugon.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Mama.

"Nathan ayusin mo sarili mo, masyado kang pala-away, bawasan mo yan kung ayaw mo na ako ang bumgbog sa'yo" banta ni Papa.

"Sino ba naka-away mo Nathan? " naiinis na tanong ni Mama.

"S-si Gerald po" nauutal kong sabi.

"Nakasuntok ka naman" taning ni Papa.

"Opo"

"Good"

"Hon naman kaya natututong makipag-away yan dahil tinuturuan mo pang bumawi" inis ni Mama na sabi kay Papa.

"Anong gusto mo? Hayaan ni Nathan na bugbugin siya hanggang mautas? Tss" depensa ni Papa. "Oh bilisan niyo na diyan at hihintayin ko kayo sa labas at aalis na tayo" sabi ni Papa pagkatapos nito uminom ng tubig.

Si Papa yung tipo ng ama na 50/50 ang ugali sa anak. Ewan ko ba. Minsan suportado minsan hindi. Hindi lang siya suportado sa kukunin ko dapat na kursong Seaman at sabi ni Papa na magsundalo daw ako para tutloy tuloy daw sa lahi namin ang trabahong yun.

Pero ayaw ko nga.

Natapos ko ng ubusin ang pagkain ko at uminom na din ako saka lumabas at tumungo sa kotse ni Papa.

Nadatnan ko si Papa na nakasilay sa ointo at hinihintay kami na makalabas ni Mama.

"Nathan" tawag sa akin ni Papa.

"Po?" lumapit ako.

Strikto si Papa at di siya pwedeng bastusin ng basta-basta.

"May nagugustuhan ka na ba anak? Yung seryoso?" seryoso din niyang tanong sa akin. "Kung pwede anak huwag na muna baka mapagaya ka kay Papa na naghirap bago makapagtapos ng pag-aaral" payo sa akin ni Papa.

Maagang nabuntis si Mama noon at kinewento sa akin din noon ni Papa ang hirap na pinagdaanan nila ni Mama. Di sila masyadong makapag pokus sa pag-aaral noon kaya napilitan silang tumigil at nung tinulungan na sila nina Lolo at Lola na alagaan ako ay nakapagpa-tuloy sila pareho ng pag-aaral at suma sideline sila noon para masustentuhan noon ang pangangailangan ko.

"Wala pa po Papa" sabi ko sa kanya.

"Buti naman, pero may nagugustuhan ka na ba? Yung serysoso?" tanong ni Papa.

"Ano ba Pa, lagi ka ng may kasamang seryoso sa dulo" naiinis kong sabi.

Tumawa siya at nagsalita. "Eh kailan ka ba nagserysoso anak? Sa dami mo ng dinalang babae dito sa bahay, kahit isa walang tumagal sa'yo" natatawang sabi aniya. "Mana ka nga sa akin" dagdag niya.

"Hon tara na at baka nagsisimula na ang misa" sigaw ni Mama habang tatakbo sa gawi namin.

Agad naman kami pumasok sa kotse ni Papa at agad na pinaandar ito at nagtungo sa simbahan. Ilang buwan na din kaming di nakakalabas ng sama-sama kaya sinusulit namin ang araw na umuuwi si Papa.

Mabait si Papa at medyo strikto siya habang si Mama naman ay suportado lahat ng gusto ko kaya lahat ng gusto ko ay san-ayon siya.

Sana si Drake din.

Nakarating na kami sa simbahan at bigla akong bumaba habang kasabay sina Mama at Papa. Nakapasok na kami sa simbahan at nagsimula na ang misa. Nasa bandang huli kami naka-upo dahil muntik na kami maubusan ng mauupuan dahil sa dami ng taong nagsisimba dito at maya maya ay nagulat ako ng banggitin ni Mama ang di ko inaasahang tao.

"Drakee"

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.


✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon