Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
Nagtungo na kami ni Drake sa campus at pumasok na agad kami sa room. Nasa may pinto pa lang kami ay marami na agad ang naka-abang sa amin ni Drake na mga babae na gustong magpakilala sa amin kahit paulit-ulit na sila humaharang sa bawat dinadaanan namin.
"Happy Birthday Drake"
"Hi Nathan"
Kaniya-kaniyang bati ng mga babae sa amin habang si Drake naman ay nagpapa-salamat sa kanila. "Salamat"
"Nandito na birthday boy" sigaw ng isa naming kabarkada na si Andrew habang papalapit kami sa gawi nila. "Painom ka mamaya pare hah" sabay bulongnito sa kanya.
"Di ako magpapainom sa inyo, siya" sabay turo sa akin ni Drake.
"Naks naman si Nathan, madami ka ata baon ngayon ah" biro ng isa pa naming kaibigan na si Justin.
"Bawi ko lang" sabi ko.
"Para saan?" takang tanong ni Andrew.
"Basta!"
"Siya nga pala overnight kaya tayo? Wala naman pasok bukas eh" rekomenda ni Justin.
"O-overnight?" nauutal kong tanong dahil di pa ako nakikipag overnight sa ibang bahay.
"Oo kalapit ng bahay mo kina Drake, baka sabihin mong ayaw mo pa?" si Andrew.
"Oo nga Nathan at minsan lang naman tayo makatikim ng alak" sabat ni Drake.
"Oh birthday boy na nagsabi, pumayag ka na" buyo ni Justin.
Wala akong nagawa kundi pumayag dahil ako lang di makakasama kung nagkataon na matuloy sila.
"Napipilitan ata si Nathan" biro sa akin ni Drake.
"H-hindi ah" sabi ko agad.
"Yaan mo pagpapa-alam kita kay Tita na sa amin matulog." nakangiting prisinta niya.
"Ako na lang, samahan mo na lang ako mamaya pag-uwi." sabi ko.
Di na siya muling nagsalita pa at naupo na lang siya sa tabi ko habang nakaheadset at nagpapatugtog.
"Ex mo Nathan" kulbit at bulong na sabi sa tabi ko ni Justin.
Si Shaina. Matagal ko ng ex siya at 2 taon na ang nakaraan bago kami nag-break. Di ko pinansin si Shaina na nasa pinto at di ko alam kung sino ang pakay nito kung paano siya napadpad sa section namin.
"Nathan tawag ka ni Shaina makikipagbalikan daw" nakaka-asar na biro ng bakla kong kaklase na si Policarpio.
Di ako agad tumayo dahil alam ko na ang posibleng mangyayari, posibleng niloloko lang ako ni Policarpio o kaya maghabol na naman sa akin si Shaina.
"Nathan" pag-uulit ni Policarpio.
"Oy Nathan tawag ka baka importante" kulbit sa akin ni Justin habang tinutulak pa ng dahan dahan ang balikat ko para tumayo.
Wala akong choice kundi tumayo at lumapit kay Shaina.
"Yieeee"
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" hiyawan ng mga kaklase ko kaya napatingin ako sa kanila at binalingan ng masamang tingin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...