Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.
Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️
--------
R-18
Humarap sa akin si Drake at titig na titig sa akin pinahid niya ang luha ko ng taimtim at tila nagpipigil din ito ng luha.
"Nathan parehas kayong importante sa akin ni Gerald at ayaw ko na mamimili sa inyong dalawa" mahinang sabi niya.
"Ayaw ko mamili sa inyo dahil ayaw kong may masasaktan ako, parehas ko kayong naging malapit na kaibigan kaya nahihirapan akong mamimili. Oo Nathan ikaw ang una kong minahal pero may mahal na ako at si Shaina na yun, di ko ginusto na masaktan kayo ngayon dahil ako nasasaktan din sa tuwing nakikita ko kayong nalulungkot, ang gusto ko lang sana maging maayos tayo katulad noong dati, yung kaibigan na di tayo nagaaway-away tulad ngayon, hayaan niyo na akong maging masaya sa iba kung mahal niyo ako dahil di naman mawawala ang pagmamahal ko bilang kaibigan niyo ni Gerald. Sana magkabati na kayo" seryoso niyang sabi at nagpipigil ng luha.
Kumirot na naman ng todo ang puso ko sa sinabi ni Drake dahil mukang hanggang kaibigan na lang ang kaya niyang ituring sa akin.
Oo masaya ako na nag-usap kami pero sobrang nakakalungkot yung pinag-usapan namin. Di kinaya ng nararamdaman ko.
"Drake kung sakali man na magbago ang nararamdmaan mo, sana hindi lang kaibigan ang kaya mong ituring mo sa akin. Kung kailan kita natutunang mahalin saka ka naman natutong magmahal sa ibang tao. Sana ako pa din, sana ako pa din ang pillin mong mahalin." mahina kong sabi sa kanya at bumuhos ng napakabilis ang luha ko.
Lumabas agad ako sa room na nagpapahid ng luha at nagdiretso sa field kung saan may maliit na shed at walang taong naroroon.
Doon ako umiyak at inilabas ang sakit ng nararamdaman ko at di ko alam na sumunod sa akin si Andrew at tila nag-aalala sa nangyari sa akin.
"Pare" tinapik tapik niya ang likod ko at pinakakalma ako nito. Pero yung luha ko patuloy na tumutulo at sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. "Magkwento ka naman oh, di ka naman ganyan dati. Ano bang problema?" sinsero niyang pagkakasabi.
"Pare di ko kaya" gumagaralgal na boses kong sabi kay Andrew. "Akala ko mali tong nararamdaman ko sa kanya pero tama pala, mahal ko siya pare" sabi ko habang nagpapahid ng luha.
"Sino ba pare si Shaina ba?" seryoso niyang tanong.
"Si Drake" direkta kong sabi sa kanya.
"Si Drake? As in si Drake?" mukhang nagulat siya sa sinabi ko na may halong pagtataka.
"Akala ko hanggang kaibigan lang kaya kong ibigay sa kanya pero nasasaktan ako pag may kasama siyang ibang tao"
"Di ko aakalain na ganyan ka pala magmahal pare at di ko aakalain na kay Drake mo lang mararanasan ang ganyang sakit na nararamdaman mo na hindi mo naranasan sa ibang babae na minahal mo" sinsero niyang sabi at tila naawa siya sa sitwasyon ko.
"Ibang klase ka Nathan sa dami mong minahal kay Drake din pala ang bagsak mo" alam kong pinapalakas niya ang loob ko pero hindi ito umeepekto.
"Mahal na mahal ko pare si Drake, at di ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Ganito pala ang totoong nagmamahal. Masyado kang sensitibo sa lahat ng bagay na ginagawa ng taong mahal mo, madali kang masaktan, madali kang magselos pero ang masakit walang kami ni Drake pare. Nasasaktan ako kase imbis na ako yung kasama niya kumain lagi, nagpapasaya sa kanya at kasama niya araw araw ay hindi na ako at si Shaina na yun." naiiyak kong paliwanag sa kanya.
"Siguro pare kahit mahirap man na tanggapin kung ano ang sitwasyon ni Drake ngayon na may mahal na siyang iba, sana subukan mong tanggapin para maging masaya ka, hindi yung taong mahal mo lang ang gusto mo mapasaya. Subukan mo din maging selfish pare kase tao ka din, nasasaktan. Madami pang tao na handang mahalin ka at di lang si Drake." seryoso niyang sabi.
"Si Drake lang ang mahal ko si Drake lang" nasigawan ko siya at mukhang naawa na siya sa pinagdadaanan ko.
Napasuntok ako ng ilang beses sa pader at inaawat ako ni Andrew at tila naluluha na din ito sa pagpipigil niya sa akin. "Drake.. Please... Ako piliin mo" mabagal kong pagkakasabi habang pabagal din ng pabagal ang pagkakasuntok ko sa pader.
Ayaw tumigil ang pagpatak ng luha ko dahil di ko matanggap ang sinabi ni Drake sa akin.
Nasasaktan ako sobra.
☀️
Click vote for next chapter ❤️
Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.
BINABASA MO ANG
✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG]
FanfictionMay SPG dito. Kung ayaw niyo magbasa ng SPG free to skip. :) ☀ 🐰 Di mo aakalain na kung sino yung nasa tabi mo ay siya na pala ang nakatadhana para sa'yo Parehas man ng kasarian ay hindi ito basehan para mahalin niyo ang isa't isa. Maliitin man n...