Kabanata 24

241 22 2
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

"Nathan? Ayos ka lang ba?" pagtatakang tanong niya.

"Ah oo" sabi ko at napapaiwas tumingin.

Di ko alam kung bakit ko kailangan maramdaman to.

Dapat ba maging masaya ako?

O dapat masaktan ako.

Mahal na kita Drake sa totoo lang bakit ngayon mo pa naisipan magjowa. Akala ko ba may hinihintay ka?

"O kain na muna kayo" biglang nanalantay ang boses ni Mama sa alok niya.

Pinatong naman ni Mama yung pagkain at juice sa table. "Salamat po Tita" nakangiting saad ni Drake kay Mama.

"Ay siya nga pala yan na ba yung cake na pinalit mo na dapat ibibigay mo kay Drake?" nagulat ako sa tanong ni Mama. Nagiisip pa nga ako kung ibibigay ko.

Nakakahiya.

"Alin pong cake Tita?" tanong ni Drake kay Mama.

"Ahh binili ka niya ng cake iho bago siya dumalaw sa ospital sa iyo at di niya naibigay agad at baka mabulok sa ref kaya kinain ko na at sabi ko bumili na lang ng bago" nakangiting pagpapaliwanag ni Mama.

"May nakasulat pa nga na sor..." inawat ko ang sasabihin ni Mama kaya di niya naituloy ang sasabihin niya."Sige maiwan ko muna kayo at mukang namiss niyo ang isa't isa"

Napakaingay ni Mama. Lintek.

"Oh Nathan ano bang ibibigay mo? Sigurado ka bang sa'yo yan galing?" paniniguro ni Drake.

Ansakit ng nararamdaman ko na akala ko na malaya na akong magagawa ang gusto ko at mapaparamdam ko ng kay Drake ang pagmamahal ko pero hindi naunahan ako.

Yung effort ko para sa kanya parang naging wala na lang at kung tatanggapin niya ito ay parang bibigay ko ito sa kanya bilang kaibigan na lang, ansakit.

"Hoy" pang-gugulat niya.

"Ah eto" inabot ko na agad sa kanya yung cake at di ko alam kung ibibigay ko yung explosion box na pinaghirapan namin nina Justin at Andrew pati yung liham na ibibigay ko dapat sa kanya.

"Sige Drake tataas na ako pagod ako" palusot kk dahil di ko na mapigilan ang sakit ng naraamdaman ko.

Gusto ko munang makapag-isa at iiyak lahat ng sakit.

"Pero may sasabihin pa ako Nathan" habol niyang sabi sa akin dahil tinalikuran ko na siya. Humihikbi hikbi na ako kaya mas mainam na talikuran ko siya at wag ipahalata ang sakit na nararamdaman ko sa nalaman ko tungkol sa kanina ni Shaina.

"Bukas na lang" sigaw ko at saka umakyat sa kwarto at isinarado ang pinto.

Agad akong humiga sa kama ko at umiyak.

Bakit huli na ng maramdaman ko to kay Drake.

Bakit?

Kung kailan ko siya natutunang mahalin saka naman siya nagkaroon ng magpaoasaya sa kanya.

AT HINDI NA AKO YUN.

Mananatili na lang ata talaga ang relasyon namin hanggang kaibigan na lang.

Anong gagawin ko kung may iba na siyang mahal? Kung makikipag kompitensiya ako kay Shaina siguradong talo ako.

Lalaki ako at babae si Shaina.

Lalaki si Drake at lalaki din ako at di kami talo kung liligawan ko siya.

Magagalit lang siya kung siya liligawan ko. Sasabihin na naman niya na ginagawa ko siyang babae pero kaibigan naman talaga noon ang turing ko sa kanya.

Iba na ngayon Drake.

Please Drake sana ako na lang.

Gabi na at yun lang ang iniisip ko. Sobra akong nasasaktan at ito yung unang pagkakataon na umiyak ako dahil sa pag-ibig.

Bakit ikaw pa Drake ang minahal ko. Bakit late ko naramdaman ito sa'yo.

Huminga ako ng malalim at aksodente kong nakita yung explosion box at iba pa perp pumukaw ng atensyon ko yung explosion box na puro litrato ni Drake.

Kinuha ko to at niyakap ko.

"Please ako sana dapat pinili mo? Bakit napakabilis naman" sabi ko sa sarili ko habang yakap ko yung explosion box.

Tiningnan ko yung litrato ni Drake at yung napakatamis niyang ngiti ay inaalala ko.

Namiss ko ang halik mo Drake. Namiss ko.

Habang tinititigan ko yung litrato niya na nakakapit sa box ay inaalala ko yung mga nakaraan namin.

Masasayang araw.

Kalokohan.

Pero teka.

Yung nangyari sa San Isidro?

🐰

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.

✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon