Kabanata 23

241 22 2
                                    

Disclaimer: For open-minded lang po ang story na ito.

Dont forget to vote and follow me. Thank you and Godbless. Enjoy Reading. ❤️

--------

R-18

Masaya nga akong pumasok sa sa bahay namin habang dala-dala ko yung cake at nagulat ako ng biglang may naaninang akong ibang tao na nakaupo sa sala at nakatalikod ito sa gawi ko.

Nagtaka ako at parang si...

Drake?

Agad akong lumiko at nagmadaling inilagay sa likuran ko ang cake na ibibigay ko sa kanya dahil alam ko na siya yun.

Siya talaga yun.

"Oh anak nandyan ka na pala" nagulat ako ng umimik bigla si Mama mula sa likuran ko at nagtatangka akong itago muna ang cake na bitbit ko bago magpakita. Pero huli na ang lahat.

"Ano yan? Cake na naman?" tankng ni Mama at napapikit ako ng sobra at napangiti ako ng oikit sa harap niya.

Ibig sabihin wag maingay.

Kainis.

Pero huli na ang lahat ng biglang may umimik na naman sa likuran ko.

"Tita" bigla akong tumingin sa likuran ko at tama nga ako.

Si Drake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nasaharap ko siya at nagtama talaga ang paningin naming dalwa.

"Nathan kanina ka pa hinihintay ni Drake" baling sa akin ni Mama. "Sige Drake maiwan ko muna kayo, ipaghahanda ko lang kayo ng makakain ni Nat" sabi ni Mama at bigla kaming tinalikuran nito.

Di ko mabuka ang bibig ko at nagulat ako sa kanya.

Anong ginagawa niya dito?

"A-anong g-ginagawa m-mo d-dito D-drake" nahihiya at nauutak king sabi.

"Ayaw mo atang nandidito ako, sige alis na ako" bigla niyang sabi at saka tinalikuran niya ako.

Shit.

Nasapo ko ang noo ko. Di ganon ang ibig kong sabihin.

Pero bakit siya nandito nga? Makikipag ayos ba?

Sana.

"Teka, teka" pigil ko sa kanya at napahawak ako sa braso niya.

Tumingin siya ng diretso sa akin at napalunok ako dahil di ko alam. Nabibihag ako sa itsura niya.

Di ko alam gagawin ko at nakahawak pa din ako sa braso niya at napatingin siya sa pagkakahawak ko sa braso niya.

Nahihiyang inalis ko ang pagkakahawak sa braso niya at dahan dahang inilagay ko sa likod ko yung kamay para maitago yung hawak ko.

"Drake? Pede ba tayo mag-usap?" nahihiya kong sabi.

"Kaya nga ako nandito para kausapin ka pero parang ayaw mo akong makita. Tsk" iling niya.

Di ganon ang ibig kong sabihin ko Drake.

"Nabigla lang ako kase..." di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang halbutin ang kamay ko.

Parang nag sslow motion yung hinigit niya ako patungo sa table at nagulat ako. Di ko dapat maramdaman to dahil lalaki ako pero kinikilig ako.

'Mali to' sabi ko nung una, pero anong magagawa ko di ko mapigilan ang nararamdaman ko baka kaya madaming di tumagal na babae sa akin dahil si Drake ang nakatadhana sa akin.

Agad na niyang binitawan ang kamay ko nung nakarating na kami sa table namin.

"Dito tayo mag-usap" sabi niya.

"Ano bang pag-uusapan natin?" wala sa sarili kong tanong.

"Tsk" umiling pa siya.

Sorry.

"Drake?" mahina at nahihiya kong tawag. "Sorry" nakayuko kong sabi.

"Bakit di mo ako kinausap noong dinalaw mo ako sa ospital?" direkta niyang tanong at nabigla at nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Ah, eh" di ko matuloy sasabihin ko at nabubulol ako. "Nahihiya ako at baka galit ka sa akin" nahihiya kong sabi.

Shit Nathan bading ka ba?

Nagkagusto ka lang sa kapwa mo kasatian pero di ka bading. Nasaan ang angas mo?

"Tss, geh oks lang nandito ako dahil may sasabihin ako" sabi niya.

"Pero bati na tayo?"

"Oo naman" bigla itong ngumiti at kita ang dimples niya.

Ano kayang sasabihin niya namiss niya ako?

"Pero ano nga sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

Huminga ito ng malalim at saka nagsalita. "Kami na ni Shaina"

Biglang bumilis ng tibok ng puso ko at biglang bumigat din ito. Para ako pinagsukluban ng langit at lupa dahil sa sakit na nararamdaman ko dahilan sa napakinig ko.

Bakit ngayon Drake? Kung kailan saka kita natutunang minahal saka ka naman nagmahal ng iba.

Di ko alam ang gagawin ko at alam ko na namumula na ang mata ko at pinipigilan ko lang umiyak.

Nasasaktan ako.

Tumalikod ako saglit at nagpahid ng kaunting luha.

☀️

Click vote for next chapter ❤️

Hello readers. Did you enjoy my story? Don't forget to vote and follow me. Thanks for appreciation. Godbless.




✅2gether Always - Season 1 [TAGALOG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon