Prologue

1.2K 23 2
                                    


"Lianna!"

Agad akong napatayo sa higaan ko ng marinig ang boses ni Nanay na halatang inis na inis nanaman sa akin. May kurot nanaman ako nito sa singit.

"Po?" Medyo malakas na sagot ko. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa malaking salamin na nakasabit sa kwarto ko.

Inayos ko ang buhok ko na medyo nagulo dahil sa pagkakahiga ko. Pati na rin ang suot kong puting bestida.

Bakit pa kasi kailangan na isama pa ako? Parang mas gusto kong mahiga nalang dito sa kama ko maghapon dahil paniguradong mamaya sa hapunan namin ay ako nanaman ang magluluto! Maglilinis! Maghuhugas ng pinagkainan!

Napasimangot ako ng makita ang namumulang bahagi ng balat ko. Sa may braso ko. Ang kati kati pa, may surot na siguro ang kutson ko.

"Ikaw na bata ka, hindi ka ba talaga baba!? Naghihintay na si Gusting sa baba! Ano pang ginagawa mo dyan!?"

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para magtigil na si Nanay sa kasisigaw. Naririnig nanaman kami ni Aling Lelang dahil sa lakas ng boses nitong si Nanay na daig pa ang nakalulon ng mikropono.

"Nay, ang ingay ingay mo." Reklamo ko.

Pinandilatan niya lang ako. "Ang tagal tagal mo."

Hindi na ako nagsalita. Pagkalabas namin ay nandoon na si Mang Gusting sa kaniyang traysikel. Ngumiti pa ito sa akin.

"Talaga namang napakaganda ng anak mo, Cecille." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Medyo hindi kasi ako kumportable sa paraan ng paninitig niya sa akin. Kilala pa namamg babaero itong si Mang Gusting sa lugar namin.

At talagang mga kaedaran ko pa ang nilalandi, ah!

"Aba, kanino pa iyan magmamana, Gusting?"

Umirap ako sa sinabi ni Nanay. Parang kanina lang pinagagalitan mo ako dahil sa bagal kong kumilos. Plastik ka, Nay.

Maingay ang naging byahe namin papunta sa plaza. Hindi ko naman kasi alam kung saan talaga kami pupunta. Basta ang sabi lang ni Nanay ay kailangan maayos ang itsura ko.

May mga banderitas akong nakikita na nakasabit. Kumunot ang noo ko, matagal pa naman ang piyesta, ah? Bakit may mga ganito na?

"Nay." Bulong ko kay Nanay. "Bakit may mga banderitas na? Matagal pa ang pista."

Tumawa lang si Nanay. "Nakauwi na ang unico hinjo ng mga Pascua. May salo-salo doon sa kanila."

Pascua? Unico hijo? Ah, anak siguro ni Mayor.

Tahimik na ulit ako hanggang sa tumigil ang traysikel na sinasakyan namin sa isang magarbong bahay— este hindi ito bahay, mansyon ito.

Napaawang ang bibig ko dahil sa nakita ko. Napakaganda naman nitong bahay— este mansyon na ito.

"Nandito na tayo." Deklara ni Nanay. Kinurot niya ako sa tagiliran kaya halos mapatili ako sa sakit.

"Aray naman, nay!"

Sinimangutan ko siya. Pinandilatan niya ulit ako. Tumatanda na talaga itong si Nanay.

"Umayos ka, Lianna Patrice. Hindi pwedeng mageskandalo ka dito, nakakahiya."

Gusto kong umirap pero alam kukurutin nanaman ako ni Nanay. Baka nga mamaya hindi na sa tagiliran, baka sa singit na.

"Oo na, Nay. Didikit nalang ako sayo para di na ako makagawa ng kahihiyan."

Natuto na yata kasi ang Nanay dahil sa tuwing isinasama niya ako sa ganitong salo-salo ay lagi akong minamalas. Nakakabasag ng baso, nadudulas sa sahig. Lahat na nga yata ng kamalasan, naranasan ko na.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now