Sabi nga nila, time flies so fast when you're with the person you love.Tama nga. Pang-apat na araw kami dito sa resort at sinulit namin talaga yon. Sobrang saya lang na wala kaming ibang ginawa kundi magbabad sa dagat, kumain at magsaya.
"You going for a swim, baby?" Tanong ni Theo.
Tinignan ko muna siya bago sumagot. Gosh. This man is gorgeous as hell. Nakasuot siya ng plain white polo and black board shorts. Nakabukas ang tatlong butones ng polo niya kaya nakikita ko yung dibdib niya.
And he's my boyfriend.
"Stop staring, baby." Lumapit siya sa akin.
Nakaupo lang ako sa sofa. Nakasuot ako ng shorts at blue bikini top. Pero nagpatong ako ng white see-through para di raw kaakit-akit sabi ni Theo.
Ngumuso ako ng maupo siya tabi ko. His arms immediately wrapped aroung my waist.
"Hindi kaya ako nakatingin." Sabi ko.
He chuckled. "Whatever. Tara na?"
Tumango ako at inabot ang kamay niya. We were always clingy. Laging magkasama ultimo sa pagkain ng breakfast, lunch at dinner, hindi kami mapaghiwalay. Tuwing nasa club house naman kami, hindi pwedeng hindi kami magkatabi dahil lagi siyang nilalapitan ng mga babae.
Sabi nga ni Mara, iba ang kamandag ng isang Theodore Lance Pascua.
Lumabas kami ng kwarto. Nauna na kasi si Mara sa baba kaya hinintay muna ako ni Theo para sabay kaming bababa.
"Ang tagal niyo. May ginawa kayo, no?" Nag-uumpisa nanaman si Toby.
Ngumisi ako sakaniya. Tumawa si Theo. "Oo meron. Nag plano kami kung paano ka ilulunod mamaya."
Sinimangutan lang ako ni Toby bago bumaling kay Theo. "Basta pre, pag nagka-anak kayo ni Lian, dapat hindi magmamana sakaniya yung anak niyo. Nako, sakit sa ulo yon!"
Tumawa si Mara at Eugene. May binulong si Theo kay Toby at sabay silang natawa. Maya-maya binelatan ako ni Toby.
"Lah, bata." Sabi ko.
"Kayo, gumawa ng bata." Sabi niya.
"Tangina mo talaga, Toby." Pikon na sabi ko.
Tumakbo na siya doon sa dagat at nagtampisaw na. Tawa kami ng tawa dahil mukha siyang tanga don. Ng matamaan pa siya ng alon ay halos gumulong na kami sa buhangin sa katatawa.
"BOBO TOBY!" Sigaw ni Eugene bago tumakbo papunta kay Toby.
Naglaro na sila doon. Sumunod na rin kasi si Mara. Tinanggal niya yung see-through niya at basta nalang tinapon yon sa kung saan.
Pinanood ko sila doon. Si Theo nasa gilid ko. "Di ka sasama?" Tanong ko.
He smirked at me. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakabutones ng polo niya. Nang matanggal na iyon ay halos matuyo ang lalamunan ko.
Putangina. Anong ginagawa nito? Sineseduce ba ako?
"Nilalandi mo ba ako?" Tanong ko.
Tumawa siya. "Gumagana ba?"
Ngumisi ako sakaniya. Naglakad siya palapit sa akin pero umatras ako. Tinanggal ko sa harap niya ang see-through. Biglang dumilim ang mata niya.
"What?" Tanong ko. I chuckled when he looked away. Tinapon ko pa sa mukha niya yung see-through ko bago tumakbo papunta kila Mara.
"Liana!" Tawag niya pero tumawa lang ako.
"Oh shit girl. Your guy is so hot!" Tili ni Mara ng makalapit ako.