Chapter 25

259 11 0
                                    


"You are supposed to be in Malaysia, diba?"

Umirap ako sa tanong ni Mara. Obvious naman na hindi ako tumuloy. Dumiretso agad ako sa office.

"I am not gonna join the conference.." Sabi ko at ipinatong ang bag ko sa sofa. Hinarap ko si Mara na nakatanga sa akin.

"Liam is in the hospital. Nilalagnat kasi siya, hindi ko maiwan. Pumunta lang ako dito para kunin tong flashdrive ko."

Tumango siya. "I'll visit him later. Is he okay?"

"Yes. Iuuwi ko na rin siya bukas." Sabi ko.

I drove my way back to the hospital. Si Nanay ang kasama niya don. This is his first time in the hospital kaya kabadong-kabado talaga siya.

I was supposed to leave yesterday for a conference in Malaysia. But I called my boss na hindi ako makakarating dahil nga sa nangyari kay Liam. She understands that kaya hinayaan niya nalang. She even sent some fruits for my son.

Dumaan muna ako sa bahay para kumuha ng damit ni Liam. Nag-shower din ako saglit bago bumalik sa hospital.

"Mommy!"

I smiled when I got inside his room. Medyo okay na siya ngayon. Masigla na rin at may gana ng kumain.

"Maayos na ang baby ko? Wag ka ng magkakasakit, ah?" Sabi ko tapos niyakap siya.

I cannot bear seeing him sick again.

Pinakain ko ng pinakain ng gulay si Liam. Dumating rin sila Toby kaya umingay sa loob ng room ng anak ko.

"Pag magaling ka na, I will let you play ML, gusto mo ba yon?" Tanong ni Toby sa anak ko.

I saw how Liam glanced nervously at me. Nakita yon ni Eugene kaya natawa siya. "Sa Nanay ka magpaalam, Toby."

"It's a no." Sabi ko. "Okay lang maglaro ng ganyan. But I don't like it when he spends too much time playing that game, Toby."

Ngumuso lang si Toby. Ang anak ko naman ay nagbaba ng tingin. I always tell him na it's bad to get addicted too much with those kind of games. Naiintindihan niya naman yon, kaya lang syempre, bata.

Nang mapagod si Nanay ay nagyaya n siyang umuwi. Magtatricycle dapat siya pero hindi siya pinayagan ni Mara. Nalaman pang walang kasama si Nanay sa bahay ngayon dahil off ng mga katulong namin doon.

"I can stay on your house for tonight. Baka mapaano si Nanay, mag-isa pa naman siya doon, Lian." Sabi ni Mara.

I smiled at her. I am just so lucky to have them.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo. Just lessen my project for now and approve my freaking leave!" Inis niyang sabi.

Tinignan tuloy ako ni Nanay. Ayan na, magsisimula na ang sermon niya.

"Bakit? Hindi pinipirmahan ang leave mo?" Tanong ni Nanay.

Ngumisi si Mara at napakamot naman ako sa ulo ko. Yari ka talaga sa akin, Mara.

"Opo, nay. Grabe mga yang si Lian, ang daming trabahong ibinababa sa amin..."

At ayon nga, sinermonan ako ni Nanay. Na kesyo daw hindi daw dapat ako ganon sa mga empleyado ko. Wag daw akong masyadong malupit sakanila.

Kinabukasan, pinayagan na si Liam na ma-discharge. May mga binigay na gamot sa kaniya at kailangan din kaming bumalik for check - up.

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad si Liam sa kwarto ko. He has his own room pero parang gusto niya yatang tumabi sa akin ngayong gabi.

"He's clingy... " Sabi ni Toby ng makitang pumasok sa kwarto ko ang anak ko.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now