"Whatever, Theo. Alis na ako, wala ka naman yatang matinong sasabihin."Tumayo na ako at hindi na lumingon pa sakaniya. Dami niyang sabe, puro kalokohan lang naman.
"Aalis ka na?" Tanong niya ng makita akong nakatayo na. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Dito ka muna, please?"
Umirap ako bago mapaklang tumawa. "Nung umalis ka ba, pinigilan kita?"
Hindi siya nakasagot. Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko pero pinilit ko pa ring bumitaw sa hawak niya.
Ang kapal lang din talaga ng mukha nito. Akala ko tunay na kaibigan na siya, e. Tapos biglang isang araw," let's not be friends" ang maririnig ko sakaniya. Gaguhan?
"Bitaw, Theo." Sabi ko sabay hila sa kamay ko.
"Ayaw. Hindi na ako aalis. Dito na ako sa tabi mo, Lian. Please, I'm sorry. Hindi na kita iiwan. Just...just give me a chance..." Humina ang boses niya sa mga huling sinabi niya.
Kumunot ang noo ko. "What?"
"Give me a cha—"
"The fuck." Sabi ko bago ko marahas na hinila ang kamay ko mula sa kaniya at nagmamadaling umalis.
Pinulot ko ang takong ko malapit sa sapatos niya at walang lingong nagpatuloy sa paglalakad.
Naiinis ako. Sobra. Siya nang iwan tapos ang lakas ng loob niyang sabihin yon? Nakakairita lang, sobra.
Pumasok ako sa loob ng bahay at padabog na sinarado ang pintuan. Nakita ko sila Nanay na kumakain at mukhang gulat pa yata sila sa ginawa ko.
"A-anak, may problema ba?" Tanong ni Nanay sa akin. Nilock ko na ang pinto, baka sumunod pa yon sa akin.
Ngumiti ako kay Nanay at Tatay. "Wala po, Nay. Kain na po kayo, magpapalit lang ako."
That night ended peacefully, buti naman. But then the next day, sirang sira na agad ang araw ko.
"Lian, hawakan mo kamay ko. Ready naman akong magpanggap—"
Umirap ako kay Toby ng marinig ang sinasabi niya. Hindi yon magandang ideya, may girlfriend siya at sobrang awkward pa non.
Napatingin ako sa banda ni Theo. Nakatayo siya sa may reception at kausap yong lalaki na tingin kong tauhan ni Mayor.
Nang magtama ang tingin namin ay agad akong umiwas. Hindi ko nga dapat iiwasan pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, kusang umiwas nalang yung tingin ko.
Nasa tabi ko lang si Toby habang naglalakad kami. Sabay rin kaming pumasok sa elevator at magkatabi rin kami habang hinihintay yon na magsara.
"Nice one, Li." Tumawa si Toby.
Makakahinga na sana ako ng maluwag kaya lang biglang may kamay na humarang don. Napaangat tuloy ako ng tingin
"Oh, shit. Usog ka, Li. Doon ka sa dulo." Tinulak talaga ako ni Toby doon sa gilid.
Nakita ko ang pagsilip ni Theo bago pumasok sa elevator. May pinindot niya ang third floor bago tumikhim.
Ang akward. Lalo na dahil nakatingin talaga sa amin si Theo. Habang si Toby, sinisiksik ako sa gilid.
"Tangina, Tobs, usog." Sabi ko.
Tumawa si Toby at umurong. Tumikhim ulit si Theo at tumingin sa akin. Kita ko kung paano nag-iba ang timpla ni Theo ng makita kami.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Naunang lumabas si Toby. Susunod na sana ako kaya lang bigla akong hinigit ni Theo papasok sa loob.