This is the last chapter. If you have reached this part, thank you so much. Please check out the next story, still under Cagayana Series, it will be posted soon.
Do like, comment and share!
xx baenacular
——————————————————————————————————————————
Nahiga ako sa malambot kong kama. The moment I stepped inside my room, ito talaga ang una kong ginawa. Habang nakahiga ay isa-isa kong hinubad ang damit na bumabalot sa katawan ko.
I sighed in satisfaction ng maging kumportable ako sa pwesto ko. My Father's organizing a welcome back party for me. Gusto ko siyang pigilan dahil aalis din naman ako sa susunod na buwan, pero bahala na. Sayang din yung pagkain.
Saglit lang akong nakatulog sa kwarto ko. Nagising din ako ng marinig ko ang katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
"Hijo, pinapatawag ka na ng Mama mo. Bumaba ka na raw dahil nagdadatingan na ang mga bisita..."
Napabangon ako doon. Shit, hindi pa ako nakakapaghilamos!
"Sige, Manang. Magpapalit lang ako."
Buti nalang hindi na big deal sa akin ang ligo-ligo. Hindi naman kasi importante sa akin ang conditioner at kubg ano-ano. Hindi naman ako katulad ni Ate na halos isang oras ang tinatagal sa pagligo.
Puting T-shirt at black jeans ang suot ko. Pinaresan ko yon nung black na rubber shoes ko na ngayon ko palang gagamitin.
Bumungad sa akin ang kumpol-kumpol na mga tao sa bulwagan. Umiling nalang ako at bumaba para sumama kila Mama.
"Ito na ba siya, Maribelle? Ang gwapo na! Hijo, ipapakilala ko sayo ang anak ko—"
Mabilis akong umiling. Ito na nga ang sinasabi ko, e. Irereto na naman ako sa kung sino-sino.
"Hindi po ako interesado." Magalang ngunit may diin kong sagot.
I excused myself to get some fresh air. Dumiretso ako sa may pool area. Nilingon ko ang kulungan ng alaga kong aso, si Rascoe, isang Golden Retriever na niregalo ni Papa sa akin.
Nilaro ko muna siya doon sa kulungan niya tapos nilabas ko. May tali naman siya sa leeg kaya lang mabigat tong aso na to kaya dapat talaga hawakan ng mabuti.
Natigilan ako ng makita ang babaeng pamilyar sa akin. Alam ko naman kung sino siya. Syempre, siya yung dahilan kung bakit ako nagtitino ngayon.
Lianna Patrice Resuardula in her usual occassion fashion. Puting bestida at sandals. Ang buhok niya ay malayang sumasabay sa ihip ng hangin.
My heart tripled its beat. Ang laki ng pinagbago niya. The last time I saw her was during our graduation. Hindi ko na siya nakita at wala na akong balita sakaniya mula noon dahil lumuwas na ako pa-Maynila para mag-aral.
Dahil sa pagtitig ko sakaniya ay hindi ko namalayang nakawala pala sa kamay ko ang tali ni Rascoe. He started running away from me kaya hinabol ko na rin siya.
"Rascoe!"
Hindi ko naman inexpect na masasagi ko siya. I unintentionally pushed her to the pool. Promise, hindi ko sinasadya yon pero yung saglit na pagdikit ng balat namin, damn, it sent shivers through my spine.
She was pissed alright. Pero bakit parang tuwang-tuwa naman ako. Because she finally noticed me? She finally talked to me? Kahit inis na inis siya pinansin niya pa rin ako.
Oh damn it so whipped.
The next day, kinulit ko talaga si Ate tungkol sakaniya. Of course, mahal ako ng kapatid ko kaya pinagbigyan niya ako. She told me Lian's address.