Wala na yatang mas sasakit pa sa araw na yon. I have never been this devastated. Para na rin akong pinatay sa sobrang sakit."Anak, kumain ka muna..."
Hindi ko pinansin si Nanay at nakatingin lang sa kabaong na nasa harap ko.
Hindi ako makapaniwala. Marami pa akong pangarap para sakanila ni Nanay. I can't believe I lost him this early.
He was declared dead on arrival that day. Cardiac arrest. He tried to fight for our right sa lupang kinatitirikan ng bahay namin. He was fighting for this place, but ended up losing his life.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko naman, e. Kung hindi ako nagpagamit, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi ako naging marupok sakaniya.
Theo tried to talk to me even though Toby and Eugene were already pushing him away from me. He would always find a way. But my friends were also mad.
"Lian," Mara sat beside me. May hawak siyang pinggan. "You need to eat."
Hindi ko siya pinansin. Narinig ko ang buntong hininga niya sa gilid ko. "Your father won't like this, Lian. Hindi rin pwedeng hindi ka kakain. You are pregnant for God's sake."
Saka lang ako natauhan. Oo nga pala, may buhay na nakasalalay sa akin. Napahawak ako sa tyan ko.
That same day, when I learned about my father's death, I fainted at the hospit. Good thing, Toby was fast enough to catch me. Doon ko rin nalaman na buntis nga ako.
Kinuha ko yung pinggan na hawak ni Mara. Ngumiti siya sa akin. "Doon tayo sa kusina niyo. Kailangan mong kumain ng kumain."
Tumango ako at tumayo. Hawak na ni Mara ulit yung pinggan at yung kamay ko naman ay nakahawak sa tyan ko.
I'm sorry, baby. Mama's being stubborn. I'll eat na so you can eat na rin. I'm really sorry, baby.
Kahit pa sobrang galit ako kay Theo, hindo ko pwedeng idamay ang bata sa sinapupunan ko. Wala siyang kinalaman dito.
Nakita ko si Nanay na nakaupo doon sa mesa. May iba rin kaming bisita doon sa sala kaya si Eugene muna ang nagbabantay.
Sobrang nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil nandito sila para sa akin. Hindi nila kami pinababayaan ni Nanay.
"Pagkatapos ng libing ay lilipat na kayo, Lian?"
Tumango ako sa tanong ni Mara. Kumakain na ako dahil na-guilty ako na baka gutom na ang anak ko. Ayokong maging mahina siya.
Napagkasunduan namin ni Nanay na umalis na dito. Kahapon ay nagpasa na ako ng resignation letter ko sa munispyo. Si Toby naman ay nag-offer na sa bahay muna nila kami tumuloy habng may prinoproseso pa akong mga papel.
After three weeks ay lilipat na kami sa Tuguegarao. Tinanggap ko na rin ang matagal ng offer sa akin doon. Si Nanay ang nagsabi sa akin kunin ko na yon dahil ayaw niya na rito. Hindi man sabihin ni Nanay ay alam kong disappointed din siya kay Theo. Given na yon, pinagkatiwalaan niya rin naman kasi.
Pare-pareho lang kaming naloko.
"Susunod kami, Lian. Sa Tuguegarao."
Nagulat ako sa sinabi ni Toby. Ngumiti siya sa akin. "Hindi ka namin iiwan. Pagkaalis mo, isang buwan lang pagkatapos non, ay magfafile na kami ng resignation letter. Tatanggapin na rin namin yung offer."
Kasi kung tutuusin mas malaking oportunidad iyon sa Tuguegarao. Kaya siguro, nakapag-isip isip na rin sila.
Sa ilang araw na burol ni Tatay ay hindi man lang nakadalaw ang mga Pascua. Kahit man lang sana si Ate Maan, magpakita. Pero wala. Hindi ko naman hinihingi yon. Pero mas lalo lang nilang pinatunayan na tama nga ang lahat.
Pinilit kong hindi na umiyak sa libing ni Tatay. Pero ang makita siya sa huling pagkakataon ay hindi ko na kinaya. I broke down infront of many people. Wala na akong pakialam. Gusto ko lang mailabas lahat ng sakit.
"I'm sorry, Tay... Patawarin mo ako..." Paulit-ulit ko yong sinasabi. Hinang-hina ako, pero hindi ako bimitawan nila Eugene.
"Hindi mo kasalanan." Bulong ni Eugene sa akin.
I remembered so many memories with him. Tuwing sinasama niya ako nung bata pa ako sa pangingisda. Nung tinuruan niya ako kung paano maglinis ng isda. Tuwing recognition at graduation ko, yung ngiti niya. Tuwing sinasabi niyang proud siya sa akin dah Engineer na ako. Engineer na ang anak niya.
Tay, patawarin mo ako, ah? Patawarin mo ako.
Tulala ako pabalik ng bahay. Kukunin na namin yung gamit namin at ililipat na doon kila Toby. Nahire siya ng tutulong sa amin sa pagbubuhat.
"Hijo, sigurado ka bang kakasya ito sa bahay niyo? Hindi ba nakakahiya?" Narinig kong tanong ni Nanay.
Nasa labas ako ng bahay. Hawak ang litrato ni Tatay habang nakatingin sa malawak na dagat.
Tay, aalis na kami, ah? Gusto kasi ni Nanay ng tahimik na buhay. Kinuha ko na yung offer sa Tuguegarao. Sana proud ka sakin kahit ang tanga-tanga ko.
Pinunasan ko yung huling luha ko. Papasok na sana ako sa bahay ng amiya ang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay. Lumabas doon si Theo na naglalakad na papunta sa akin.
He looks like a mess. Namumugto ang mata at halos hindi ko na makilala dahil sa itsura niya.
"Lian.."
He tried to reach for my hand.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at agad na hinila ang kamay ko. "Hindi ba sabi ko, ayokong makita ang pagmumukha mo? Ang lakas mo rin, e. Matapos mo kaming gaguhin, kaming buong pamilya, babalik ka dito?"
Nakita kong papalapit sa akin si Mara. Umiling siya sa akin. Alam ko ang gusto niyang sabihin. Yung baby ko. I am so stressed, ayoko ng dagdagan pa. Alang-alang nalang sa anak ko.
"I'm sorry..." Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko.
Napatakip si Mara ng bibig at naluha. Pero ako? Nangako ako kay Tatay na hindi na ako iiyak sa lalaking ito. At gusto ko, sa huling pagkakataon, matupad ko yon.
"Patawarin mo ako, please..." Ang luha sa mata niya ay sunod-sunod na tumulo. Pero wala na akong maramdaman. Parang puro sakit at galit nalang ang nararamdaman ko tuwing nakikita siya.
Lumayo ako. "Tumayo ka dyan. Kahit lumuha ka ng dugo habang nagmamakaawa, hinding hindi na ako babalik sayo. Tapos na tayo. Hindi na kita mahal. Hindi ko kayang magmahal ng katulad mo."
Iyon ang huling sinabi ko bago ako naglakad papalayo sakaniya. Narinig ko ang mahina niyang paghagulgol.
"Ang sakit mong magsalita..." Rinig kong sabi niya.
May kumurot sa puso ko pero hindi ko iyon pinansin. Hinintay ko ang iba pa niyang sasabihin.
"Hindi ko alam na masasabi mo yan, Lian. Ang sakit mong magsalita."
Oo, Theo. Pero mas masakit yung ginawa mo. Putangina.
Hinawakan ko ang tyan ko. Baby, I'm sorry...
"Pero kung yan ang gusto mo, Lian, tatanggapin ko. Wala akong kasalanan, sa huling pagkakataon sasabihin ko yan sayo. Pero putangina, ang sakit na ang tingin mo sakin ay mamamatay-tao." Narinig ko ang yabag niya sa likod ko.
"Tama ka. Tapusin nalang natin, to. Nagkakasakitan lang tayong dalawa. Gusto ko sanang ayusin to dahil mahal na mahal kita pero puta.... hindi ka pala magmamahal ng tulad kong gago." Sabi niya. Pinunasan niya ang mukha niya at tumalikod.
Pinanood ko siyang mawala sa harap ko. Humapdi ang puso ko, ramdam na ramdam ko ang bawat sakit tuwing humahakbang siya.
Nang mawala siya sa paningin ko, doon lang ako napaluhod. Tinakpan ko ang mukha ko at malakas na humagulgol. Niyakap ako ng mahigpit ni Mara habang bumubulong sa akin. Pero hindi ko yon marinig.
Ginusto ko ito dahil ito yung tama. Hindi ko siya deserve. Hindi ako magmamahal ng katulad niya. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang Tatay ko. Hindi ko siya kailangan.
Kasabay ng malakas na tunog ng alon ay ang pagtulo ng mga luha ko. Tama siya, sa pangalawang pagkakataon, napatunayan ko ang sinasabi niya.
Ang huni ng malakas na alon ay sumasabay sa paghagulgol ko. Tumigil ako para damhin ang tunog na yon, Iyak ng taong nasasaktan, iyon ang naririnig ko.