Chapter 29

241 9 1
                                    


"You're going to drive me to school, Daddy?"

Rinig kong tanong ng anak ko sa Tatay niya habang binibihisan siya nito. Theo smiled at him before combing my son's hair with his fingers.

Nakaupo ako ngayon sa kama ng anak ko. Nakapalit na ako ng pang-opisina ko habang hinihintay sila.

"Yes. I want to see your school. Do you have friends?" Tanong ni Theo.

My son nodded in excitement. "Yes, Daddy! I will introduce them to you! Allan, Macky, Sean, Tiara.."

I smirked when I heard a girl's name. Lumapit ako sakanila, sa pwesto malapit kay Theo. Napalingon tuloy siya sa akin.

"I heard a girl's name. Is she beautiful?" I asked playfully.

Sumimangot ang anak ko. "Mommy! I am too young for that!"

"What? Tinatanong lang kita." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Theo smirked before hugging my son.

Sinamaan ako ng tingin ng anak ko kaya mas lalo akong tumawa. May sinasabi pa siya sa Daddy niya para patigilin ako pero binebelatan ko lang silang dalawa.

Sabay-sabay kaming bumaba. Liam ran to my mother para makapagpaalam. Nauna din itong lumabas kaya naiwan kami ni Theo sa loob. Nagkatinginan kami.

"Take care." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. He did not go home last night kaya yung damit niya ganon pa rin katulad ng sa kahapon.

"You're coming with us. Ihahatid natin si Liam sa school then I'll drive you to your office. Uuwi ako para magpalit tapos sa office mo ako tatambay." Sabi niya habang naglalakad sa papunta sa kotse niya.

Huh? Sinong may sabi? At bakit? Anak ng tokwa?! Pumayag ba ako!?

"Huh? Bakit sa office ko pa? Wala ka bang ibang matambayan?"

Binuksan niya ang shotgun door para sa akin. Nasa likod na ang anak ko kaya tahimik akong pumasok sa loob. Agad din namang sinarado ni Theo yung pinto.

"Mommy, look, oh. It's my photo album. Daddy, why do have this?"

Nilingon ko ang anak ko sa likod. Kapapasok lang din ni Theo sa loob ng sasakyan. Hawak-hawak ni Liam yung photo album niya. Nandon lahat ng litrato niya mula pa noong kapapanganak niya.

I looked back at Theo who was already starting the engine of his car. "Who gave you this?"

"Hiniram ko sa Mama mo. Gusto kong makita ang anak ko noong bata pa siya." Sabi niya at lumingon sa akin. "Huwag mo naman sanang ipagdamot."

Parang may kumirot ulit sa puso ko ng marinig ang huli niyang sinabi. Nag-iwas ako ng tingin at tumango.

Tahimik na kami buong byahe papuntang school. Himala rin na natigil si Liam na dumaldal. Nagrready na rin yata para mamaya sa school.

Pagkapark ni Theo ng sasakyan niya sa car park ng school ni Liam ay agad ng bumaba ng sasakyan ang anak ko. Kinabahan ako dahil baka sumabit siya doon sa mga nagpapark rin na sasakyan kaya nagmamadali akong lumabas.

"Liam, wait for us!" Suway ko sa anak.

Tumigil nga siya at humagikgik doon sa tabi. Umiling nalang ako. Lumabas na rin si Theo at sinuot ang shades niya. Wala kasi siyang tulog kaya mugto ang mata.

"Let's go." Tawag niya sa akin.

Sabay kaming pumunta sa anak ko. Hinawakan ni Theo ang kamay ni Liam at marahang hinila iyon.

"Don't do that again, Liam. Kapag nagpapark ng kotse ang Mommy o kaya ako, huwag ka kaagad lalabas at baka sumabit ka sa sasakyan, okay?" Pagsuway ni Theo sa anak.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now