The dinner was fun.Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan yung anak kong nakikipag-usap sa ama niya. He looks so happy.
Nagsisisi ako na inuuna ko yung sarili ko bago yung anak ko nitong nakaraang taon. I have my ways to tell Theo about his son pero wala akong balak noon.
Kasi galit ako.
But seeing him take care of my son, nakakaguilty. He was deprived of the right to be with his son for almost six years. Kasalanan ko kung bakit.
"Mommy, why are you not eating your food?"
Napaangat ako ng tingin sa anak ko ng bigla siyang nagsalita. Kumunot ang noo ko.
"Huh?" Tanong ko.
Tinuro niya ang pinggan ko. "You're not eating your food. Are you okay?"
Tinignan ko ang plato ko. Hindi ko pa nga nagagalaw yung pagkain doon. Ang lalim pala talaga ng iniisip ko.
"Yes, anak. May iniisip lang si Mommy. You eat na." I smiled at him.
Ngumuso ang anak ko at humarap sa Tatay niya. Nagtaas ng kilay si Theo.
"Daddy, can you feed Mommy? She's not eating her food. I am afraid she's sick." Sabi ng anak ko sa Tatay niya.
Narinig ko ang tawa ni Mara sa gilid. Toby and Eugene smirked at me habang si Nanay naman ay nagpipigil ng ngisi.
Theo looked at me. Umiling ako agad sakaniya. "K-kaya ko na!"
Ngumisi siya. Pero agad din yon na nawala ng tumabi si Toby sa akin. Kumindat ito sakin bago kinuha ang kutsara ko.
Humagalpak na ng tawa si Eugene habang si Mara naman ay chinicheer si Toby.
"What the hell are you doing?!" Inis na tanong ko sakaniya. Inabot ko yung kutsara sa kamay niya pero inilayo niya yon.
Nilingon niya si Liam. "Liam, I'll feed your Mommy na because your Dad's feeding you, e. Is that okay?"
Inosenteng tumango ang anak ko bago humarap sa ama niyang madilim ang tingin sa amin ni Toby. I gulped and looked away.
That effect. He still has that effect on me. Kinakabahan kong kinuha yung kutsara kay Toby. Tumawa siya at binigay na yon sa akin.
"Ako na kasi. Kaya ko naman!" Sabi ko.
Toby just shook his head at bumalik na sa pwesto niya. Si Nanay ay nakangisi lang sa akin.
"I heard you are looking for your woman, Toby."
I stopped when I heard Theo's cold voice. Napatingin kaming lahat sakaniya.
"She's in Claveria, right?" Tanong nito ulit. He took his spoon para masubuan si Liam. Ang anak ko ay tahimik lamang na pinanonood ang ama niya.
Toby went silent. Napaangat tuloy ako ng kilay. He's still looking for her, huh? Ang strong naman nito.
"She's happy." Sabi ni Theo.
Binaba ni Toby ang kutsara niya at mapait na ngumiti sa amin. He suddenly became serious. Nakakapanibago.
"Glad to hear that." Sabi niya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Liam was more than happy dahil nandyan ang Daddy niya. Theo's extra careful din. Natatawa pa nga ako dahil sobrang kabado yata siya.
"How do I do this?" Tanong niya habang nagtitimpla ng gatas ni Liam.
Gusto niya kasing pagsilbihan ang anak niya kaya nagpapaturo sa akin. Sinimulan namin sa pagtitimpla ng gatas ni Liam. My son is overly maarte when it comes to his milk. Ayaw niya ng masyadong matamis, ayaw niya rin masyadong malabnaw.