"Marami bang ganon dito?"Busy ako na maghanap ng ingredients na gagamitin ko sa pagluluto mamaya. Pero itong si Theo, feel ko siya yung inaapply-an ko na trabaho.
Ang dami niyang tanong.
"Maraming ano?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad pagkatapos kong ilagay lahat ng kailangan ko sa grocery. Nakasunod naman sa akin si Theo habang tulak tulak ang cart.
"Yung katulad ng lalaki kanina." Sabi niya.
Ngumuso ako. First time ko rin yon, e.
"Unang beses na nangyari sa akin yung ganon. Bakit, sa Maynila ba? Walang ganon?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa likod. "Mas maganda pa rin manirahan sa ganitong lugar. Tahimik at masaya. Malayo sa polusyon."
"Alam ko. Kaya nga kahit anong pilit ng nanay ko sa akin na sa Maynila na magtrabaho ay hindi ko magawang umalis. Gusto ko dito lang ako." Sabi ko sakaniya.
Totoo naman kasi. Dito ako pinanganak. Dito namulat ang mata ko. Dito ako natutong magsalita. Dito ako nagdalaga. Gusto kong dito lang ako.
Maganda raw sa syudad. Pero para sa akin, mas gusto ko ang tahimik na lugar. Mas gugustuhin kong makalanghap ng sariwang hangin, kesa makalanghap ng hangin na polluted.
"Paano kung hindi ka makahanap ng trabaho dito?" Tanong niya ulit.
Sakaniya nalang yata ako maga-apply ng trabaho. Daig pa interview, e.
"Makakahanap ako ng trabaho."
Hindi na siya kumibo. Sinamahan niya ako na magbayad doon sa cashier. Kitang kita ko ulit kung paano nanaman siya tignan ng mga babae dito sa loob ng grocery.
Napabuntong-hininga nanaman tuloy ako. Tinignan ako ni Theo habang nakasandal siya doon sa cart.
"Ano? Pagod ka na?" Tanong niya habang nakangisi.
Tumango ako at sumandal din doon sa cart. Tumawa siya.
"Paano mo na ako lulutuan niyan?" Ngumuso siya na parang bata. Umirap ako.
"Ang arte mo. Wag kang mag-alala, pagsisilbihan kita, Mahal na Kaibigan."
Nang makaalis ang nasa unahan namin ay agad na tinulak ni Theo ang cart. Nagsimula na yung babae sa cashier.
"576 po-"
Nagulat ako ng biglang naglapag si Theo ng 600. Pati rin yung cashier, nagulat.
"Ako magbabayad, hoy!" Kinuha ko yung pera niya pero agad niya yong binigay sa cashier.
"Take it." Sabi niya pa.
"Theo!"
"It's on me. Ako naman ang kakain, e." Sabi niya. Tinanguan niya yung cashier kaya wala ng nagawa si Ate kundi kunin yong pera niya.
"Pero kasi-"
"Lian. It's on me." Sabi niya pa ulit.
Hindi na ako kumibo. Nahihiya na ako, ah. Hindi ko na ito isasama sa mga lakad ko.
Pagkatapos mailagay yung mga pinamili namin ay siya pa ang nagbitbit. Talaga namang!
"Hoy, Theo. Pag nagkatrabaho ako, babayaran kita. Promise." Sabi ko sakaniya habang pinapanood siya na inilalagay sa likod ng kotse niya yung pinamili.
Ngumiti lang siya sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto. Naipasok niya naman na lahat kaya pumasok na rin ako sa loob.
Tahimik kami ulit habang bumabyahe pauwi. Yung music lang sa radyo ng kotse niya yung naririnig.