"Congratulations!"I shouted as soon as I picked up his call. Nasa hotel kasi siya ngayon dahil opening na. Hindi lang ako makakapunta ngayon dahil may pinapagawa si Mayor but he promised me to give a break tomorrow para mabisita ko si Theo.
I am so proud of him. Nag-open na ang hotel niya ngayon tapos nagstart na rin siyang mag-plan sa resort nila ni Ate Maan.
"Thank you, baby." He answered.
I wanna hug him right now. Kung sana nasa tabi ko lang siya, e. I would freaking hug him until I get I'm satisfied.
Nag-usap pa kami saglit. Binaba niya na rin ako pagkatapos dahil may aasikasuhin pa raw siya. When I went inside our office, nakangisi na sa amin sila Mara.
"Gumaganda ka, Lian. Iba talaga kapag may love life, no?" Panga-asar ni Mara.
Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman ang ibig niya. Paano, nahuli niya ako nung isang araw dahil may something ako sa leeg ko. Mula non, nagsimula na siyang mang asar ng mang asar. Babaeng version ni Toby.
Nang sumapit ang hapon ay bumisita si Theo sa akin. Gulat pa nga ako dahil hindi niya naman nasabi sa akin na pupunta siya dito, e.
"I wanna invite you for dinner." Sabi niya.
Ngumiti ako at tumango. Dinner then dinner ulit sa ibang paraan? Oh gosh. Bakit ganito ka na mag-isip, Lian? Ang dumi-dumi na ng utak mo!
Ang daming kwento ulit ni Theo habang nagddrive siya. Sa hotel niya kami kakain dahil gusto ko ng bumisita doon. Tapos bibisita ulit ako bukas. Nice, nice.
"Masarap magluto yung main chef namin. Natikman ko kanina, promise!" Sabi niya.
"Sure yan, ah? Pag di masarap.." Ngumisi ako.
"Well, depende sayo. Ibang sarap naman kasi ang nalalasap mo pag ako ang kasama mo."
He winked at me. Umiling nalang ako. Bastos ng bibig. Pero ayos lang, wala naman ng bago don.
Namangha ako sa disensyo ng hotel mula sa labas. Pero mas nakakamangha ang interior nito sa loob. Modern ang style pero at sobrang ganda.
"Nakakaproud ka." Sabi ko.
Kumain kami sa restaurant ng hotel niya. At tama nga siya, masarap talaga. I even met the Main Chef, mabait siya at sobrang humble kahit puring puri ko na yung luto niya.
Nilibot rin ako ni Theo at inexplain sa akin ang tungkol sa hotel. Hindi ko alam bakit niya sinasabi sa akin pero gusto ko din naman malaman.
Natigil lang kami ng tumunog ang cellphone ko. Kinabahan ako ng makita ang numero ni Nanay na tumatawag sa akin.
"Hello, Nay?" Sinagot ko agad yung tawag.
"H-hija! Pwede bang umuwi ka muna... importante lang talaga.." Hindi na ako nagsayang ng oras.
Nagpahatid ako kay Theo sa bahay. Pero kailangan niya rin umalis agad dahil may aasikasuhin pa siya doon sa hotel.
"Will you be alright?" Tanong niya habang papunta kami sa bahay.
Tumango ako. "Oo naman. Mag-iingat ka."
Nagmamadali akong pumasok sa bahay. Nadatnan ko si Nanay na umiiyak habang si Tatay ay nakatulala doon sa mesa.
"Anong nangyayari, Nay?" Tanong ko.
Nang makita ako ay agad akong sinugod ng yakap. Mahigpit yon, halos hindi na ako makahinga.
"May n-nagpunta dito kanina... k-kailangan na raw natin umalis dahil patatayuan na r-raw ito ng bagong hotel..."
Nagulat ako sa sinabi ni Nanay? Bagong hotel? Kaninong hotel? Impossible naman kay Theo yon dahil magpapaalam muna yon sa akin. At alam kong hindi niya gagawin ito.