This is the last chapter. The next update will be the Epilogue, written in Theo's POV. I'll see you soon!xx baenacular
————————————————————————————————————
Time flies so fast and the next thing I knew, I'm getting married to man I promised to love for the rest of my life.
Two months came by and it was almost a blur for me. Minadali man ni Theo ang preparasyon para sa aming kasal, he promised me to make my dream wedding come true.
"Lian?"
Tatlong katok ang sunod na narinig ko. It's Mara. She's almost four months pregnant now. At ang nakakaloko, ako ang pinaglilihian! Goodness, ako ang gusto niyang makita palagi.
Ang swerte naman ng anak niya kung babae iyon, napakaganda non for sure. Dahil ako ang pinaglilihian.
"Come in, pregnant woman." I giggled.
Pumasok siya sa loob at ngumiti ng makita ako. Naging malaman na siya ngayon. Kain na rin kasi ng kain, e.
"Namimiss mo na ba ang future asawa mo?" She teased.
Umirap ako. Kung siya, ako ang pinaglilihian. Ako naman, si Theo ang gusto ko laging makita. Siya talaga ang pinaglilihian ko dahil dalawang buwan na rin akong buntis.
Hindi niya yon alam. I made up excuses when he saw me with my morning sickness and cravings. Sinabihan ko sila Toby at Nanay oara pagtakpan ako kay Theo. Pumayag naman sila.
I just want to surprise him dahil matagal na niya akong kinukulit. Silang dalawa ni Liam! Pinipilit na kami ni Liam na talagang gumawa na ng kapatid niya.
"Oo. Gusto kong makita ang mukha niya pero amazona yata ang Nanay ko. Idagdag mo pa ang Mama ni Theo na halos ikulong kami dito dahil kailangan daw masunod ang pamahiin." Sabi ko.
Wala namang masama kung susunod kami doon. Pero kasi, hindi nila naiintindihan. Pinaglilihian ko si Theo at gusto ko ng makita yung mukha niya.
I sighed and took out my phone. I stared at my lock screen wallpaper and smiled. It's a photo of Theo when he was sleeping. Madami siyang picture dito na kanina ko pa tinitignan.
"Hanggang litrato ka muna, Lian. Mamayang gabi..."
Binato ko siya ng unan. Nasalo niya yon at malakas na tumawa. She's freaking annoying.
I sighed when she finally went out from my room. Nahiga ako ulit sa kama at natulala sa kung saan. Hindi ko na namalayan ang pagkatulog ko. When I woke up, marami ng tao sa loob ng kwarto ko.
"Ma'am! Mabuti naman at gising ka na. Hindi ka muna pinagising ng Mama niyo dahil baka raw maselan ang..."
Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin. She's our wedding planner. Yung mga kasama niya, that's my stylist for sure. I smiled at them.
"Ayos lang, kumain na ba kayo?" I asked as I stood up from the bed. Agad nila akong binigyan ng tsinelas.
Tumango sila. "Yes, Ma'am. Kumain ka po muna sa baba, Ma'am. Maaga pa naman po.."
I went out from my room. Dumiretso ako sa restaurant para kumain. Nakasalubong ko pa si Nanay na mukhang dadalhan ako ng pagkain.
"Gising ka na pala. Naistorbo ka ba ng mga tao doon sa kwarto mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi po." Naupo na kami doon sa bakanteng upuan. She held my hand and smiled at me.
"Masaya ako para sayo, anak."