I woke up so early. Mahapdi ang mata ko at masakit ang ulo ko. I held on it and groaned."Fuck." Bulong ko.
Pakiramdam ko umiikot ang buong mundo ko. Nahiga ulit ako saglit para pakalmahin ang sarili ko.
Nang medyo nawala na ang hilo ko ay tumayo na ako. Sobrang aga ko yatang nagising dahil madilim pa sa labas.
Dumiretso ako sa banyo. Namumutla at mugto ang mata ko. Nagmumumog ako at naghilamos bago lumabas at nagpalit ng damit. Nakatulugan ko pala itong suot ko kagabi.
Parang umikot nanaman ang paningin ko dahil ng pagkaupo ko sa sahig. Pinikit ko ang mata ko habang hawak ng mahigpit ang ulo ko.
"Tangina, huwag ngayon.."
I freaking have works to do. Hindi ako pwedeng magkasakit ngayon. Kailangan ko rin na suyuin ang anak ko. Kaya hindi talaga pwede.
Pinilit kong magpalit ng damit. Hilong-hilo pa ako habang pababa ng hagdan. I decided to cook our breakfast dahil mukhang ako palang yata ang gising.
I took out the pack of hotdogs and ham. Gusto ni Liam ng fried rice kaya yon ang ginawa ko. Mahirap pa naman pag gantong nagtatampo ang anak ko.
Medyo maliwanag na ng natapos ako. Sumandal ako sa countertop ng makaramdam nanaman ako ng pagkahilo.
"Nak?"
Narinig ko ang yapak ni Nanay sa gilid ko. Nag-angat ako ng tingin siya kaniya at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang pag-alala dahil nadatnan ako sa ganong posisyon.
"Ayos ka lang? Namumutla ka!" Kinapa niya ang noo ko napasinghap. "Jusko! Ang taas ng lagnat mo! Maupo ka doon, igagawa kita ng lugaw!"
Natawa ako at yumakap muna kay Nanay. Tuwing nagkakasakit talaga ako ay lugaw ang lagi niyang pinapakain. Hindi ko alam pero specialty niya yon.
"Salamat, Nay. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko ngayon." Bulong ko.
Naupo na ako doon sa dining table namin. Nakahawak ako sa ulo ko at pumikit. Tangina, ang sakit naman. Hinablot ko ang cellphone ko at tinawagan si Mara.
"Mara, good morning.."
I heard her yawn. Hala, nagising ko ba. "Good morning."
"Hindi muna ako makakapasok. Nilalagnat kasi ako—"
"Are you alright? Shit ka. Ano nanamang ginawa mong babae ka?!" Halos sumigaw na siya sa kabilang linya.
Natawa ako. OA, ah. "No, I'm fine. Iniinform lang kita. Kung sakaling mag-inspect si boss, alam mo na ah."
"Sige. Bibisita kami mamaya." She sighed before ending the call.
Pagkababa ko ng cellphone ko ay nakarinig na ako ng yapak mula sa may hagdan. Pag lingon ko ay magkasabay na bumaba doon si Theo at Liam.
Liam looks so sleepy but when he saw me, his face soften. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
"I'm sorry, Mommy..." He bit his lip, as he tried his best to stop his tears from falling.
I smiled at him and held his hands. "It's fine. You know Mommy loves you right? And Mommy will do everything to make you happy. Always remember that, hm?"
Tumango siya. Akmang yayakap siya sakin pero agad akong lumayo. I am sick. Baka mahawa siya kapag niyakap niya ako.
"No, no, baby. Mommy's sick. Baka mahawa ka." Sabi ko at ngumiti sakaniya.
I saw how his tears fell from his eyes. Agad na pumalahaw ng iyak ang anak ko. Dinaluhan naman siya agad ni Theo.
"Shh. Stop crying, baby. Stop crying." Pagpapatahan niya sa anak.