Chapter 16

191 10 0
                                    


The night ended peacefully.

Umuwi din kaagad si Theo dahil may curfew daw siya sabi niya. Pero ang totoo, takot lang talaga siya kay Tatay kasi walang ibang ginawa si Tatay kung hindi takutin siya ng takutin.

Napangiti ako ng tumunog ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Katatapos ko lang maghilamos.

From: My Theo

Nakauwi na ako. I miss you agad.

Umirap ako pero nangiti rin agad.

To: My Theo

Di kita miss :P

Natawa ako. Ano kayang reaksyon nito? Nakasimangot nanaman siguro to.

From: My Theo

Hahaha. Asa? Di moko miss? Sige, walang hug bukas.

Akala mo madadala mo ako sa ganiyan ganiyan mo, Pascua? Sabi mo yan, ah.

To: My Theo

Ok.

Hindi na ako nagreply. Pinatay ko ang cellphone ko at natulog na. Nakangiti pa ako natulog kaya nakangiti rin ako pag gising.

Hindi ko muna talaga in-open yung cellphone ko dahil alam kong tadtad na ako ng messages galing kay Theo.

Kaya naman agad na naglaho ang ngiti ko ng lumabas ako sa kwarto ko. Theodore Lance Pascua is sitting pretty on our sofa habang may hawak na tasa ng kape.

Nanlaki ang mata ko. Nilingon ko sila Nanay na nagpprepare ng pagkain.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

Akala niya sakaniya ako didiretso. Dumiretso ako kila Nanay sa kusina. Kinurot pa ako ni Nanay kasi ang tagal kong bumaba.

"Ang tagal mo magising. Kanina pa si Theo dito." Sabi niya.

Umirap ako. "Anong oras pa?"

"Alas singko!"

Nanlaki ulit ang mata ko. "Alas singko!?"

Tumango lang si Nanay at pumunta sa kusina. Doon sa may table, nakahain na ang mga pinggan. Umiling lang ako at dumiretso na sa banyo para maghilamos.

Hindi ko rin siya pinansin nung papunta ako sa kwarto. Kung mananatili siya doon, sa banyo na talaga ako makakapag palit.

Ngumisi siya sa akin nang makita ako. Inirapan ko lang siya ng madaanan ko siya habang si nanay ay niyaya na siyang kumain.

Tinali ko lang yung buhok ko sa kwarto tapos tinignan ko kung malinis ba yung mukha ko. Mamaya may naligaw, e.

"Bilisan mo nga, Lianna!"

Ayan nanaman, nagsisimula nanaman si Nanay.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Gulat pa ako dahil daig pa ang may fiyesta dahil sa dami ng hinanda ni Nanay na pagkain.

"Wow, sino may birthday?" Biro ko ng makaupo sa tabi ni Theo.

Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Maya-maya yung labi niya nasa noo ko na.

"Good morning." Bulong niya sa akin.

Ramdam ko yung titig nila Nanay at Tatay sa akin kaya umayos ako ng upo. Tumawa lang siya tapos si nanay kumindat sa akin.

"Kumain ka na." Sabi ko.

Ang daldal ni Theo sa umaga. Ako, minsan ang ako dumalda ng ganitong oras. Nagmamadali kasi ako minsan.

Si Nanay lang naman ang mahilig magrap kapag ganitong oras. Promise, pwede na pang world record yung rap niyatuwing umaga.

Pagkatapos kumain ay tumulong si Theo sa pag-aayos ng pinagkainan. Si Tatay lumabas dahil tinawag ng kumapre, habang si Nanay naman ay naiwan kasama ni Theo sa kusina.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now