"Oh, Lian! Aalis ka?"Ngumiti ako kay Aling Lelang ng makita niya ako habang nilalock ko ang pinto ng bahay namin.
Hindi naman maganda yung bahay namin pero mahirap na yung hindi nag-iingat. Di naman natin sure kung anong tumatakbo sa mga utak ng mga walang magawa sa buhay.
"Ay, opo. Maghahanap na po ako ng trabaho." Itinaas ko yung folder na hawak ko. Nasa loob non yung resume na kapprint lang kanina.
Paano, kahapon pa sana ako nakalayas kung hindi lang dahil dun sa asungot na anak ng mayor namin na nagstay talaga sa bahay hanggang sa dumating pa si nanay at tatay.
"Oh," Napahawak sa dibdib niya si nanay ng makita si Theodore sa sala namin.
Tumayo naman ang lalaki at nagmano sa nanay ko. Tinignan ako ni nanay at tsaka pinandilatan.
"Magandang gabi po." Bati ni Theo sakaniya. Sumunod naman si Tatay na halata rin ang gulat dahil sa nakita.
"K-kumain ka na ba, hijo?" Natatarantang tanong ni Nanay sakaniya.
Huminga nalang ako ng malalim. Mapaparami ang hugasin ko, anak ng tilapia!
Umiling si Theo. "Hindi na po. Mauuna na po ako. Sinamahan ko lang po si Lian dito."
Umawang ang bibig ni Nanay. "S-sigurado ka, hijo? Naku! Mamaya na, ipaghahanda kita!"
"Wag na po talaga. Hinihintay na rin po ako sa amin. Maraming salamat nalang po."
Wala ng nagawa si nanay pagkatapos non. Tipid lang na ngumiti sakin si Theo bago lumabas. Nakita ko ang tingin ni nanay sa akin kaya nagmamadali akong sumunod kay Theo sa labas.
Buti nalang walang naging tanong si nanay pagkatapos non kaya maayos ang gabi pati ang tulog ko.
Pag gising ko kanina ay nagpunta na ako sa pinakamalapit na computer shop na alam kong maagang nagbubukas para makapagpaprint ng resumé. Tapos dinikitan ko na rin ng picture kata heto ako ngayon, ready to fight na.
"Sige, Aling Lelang. Mauuna na po ako!" Inilagay ko sa suot kong sling bag ang susi ng bahay. Meron namang susi sila nanay e.
"Magi-ingat ka, Lian!" Bilin niya. Ngumiti lang ako at naglakad na papunta sa sakayan.
Medyo malayo rin ang sakayan papuntang plaza sa amin kaya naman medyo pawis na ako, wala pa ako sa kalahati.
"Ang init." Reklamo ko.
Ramdam ko ang pamumula ng balat ko dahil sa sikat ng araw. Kung bakit ba naman kasi hindi ako nagdala ng payong.
Isang busina ng sasakyan ang halos magpatalon sakin sa gulat. Nilingon ko ito.
Papansin naman. Nasa gilid naman ako, ah. Crush ba ako ng driver nito?
Oh baka naman ito yung mga bali-balita na nangunguha nalang bigla tapos hindi na nasisinagan ng-
"Sakay na."
Napatingin ako ulit doon sa kotse. Theodore is inside the driver's seat. Nakashades pa ang loko.
"Ang taas ng araw." Panga-asar ko.
Binaba niya ng kaunti ang shades niya at umirap. "Alam ko. Namumula na nga yang balat mo kaya sumakay ka na."
Ayaw ko sana kaya lang napatingin nga ako sa balat ko. Namumula na nga. Ayoko namang magmukhang haggard at natusta na sa init habang nagaapply ng trabaho.
Umikot ako papuntang shotgun seat. Pagkasakay ko ay naamoy ko kaagad ang pabango niya. Amoy mamahalin. Amoy thousands.
"Saan ka?" Tanong niya bago muling pinaandar ang sasakyan.