Chapter 35

290 12 0
                                    


"Good morning, sleepyhead."

I groaned when I felt Theo's finger poking my nose. Anong oras na ba at bakit parang ang aga naman yata nito mang bulabog?

"Babe, five minutes please..." I caught his fingers so it would stop bugging me.

Hindi ba to pagod? Ang haba ng gabi namin, ah? Kung sabagay, ako lang yata ang mahina ang stamina. Wala siya talagang kapaguran kagabi at anong oras na ba kami natapos?

"Kanina ka pa binubulabog ni Mara sa tawag. Ako ang sumasagot. Kailangan ka daw sa office niyo dahil pinapatawag ka ng boss niyo."

Napatayo ako ng marinig ang sinabi niya. Dahil don, nalaglag yung kumot na nakatakip sa dibdib ko. I saw how his eyes went down on my chest. Kinuha ko ulit yung kumot para takpan yon.

"Seryoso?" Tanong ko.

He nodded and reached for my phone. "Go call her back. Aasikasuhin ko ang anak natin." He kissed me on my lips before standing up.

Napakamot ako sa ulo ng makita ang oras. Maaga nga pero late pa rin to kung sa routine ko magbbase. Masakit din ang katawan ko, kasalanan mo to Theo!

I dialled Mara's number. Sinagot niya naman yon after few rings.

"Hello?"

"Girl! Shocks! I have news for you!!!" Tumili siya sa kabilang linya. Nilayo ko kaunti ang phone ko dahil ang sakit non sa tainga.

"What is it?" Tanong ko.

"Oh, gosh. Napili ka kasi ni boss na mag-attend ng seminar and guess what kung saan?"

Umirap ako. Pasuspense pa. "Saan?"

"Thailand! Five days lang naman daw." Sagot niya.

My heart skipped a beat. Oh shocks. That's my dream country! Oh my gosh!

"Seryoso ba yan!?! Kailan ang alis ko!?" Naexcite ako bigla.

"Two days from now. Go girl! Sana all!"

We talked about it for awhile bago siya nagpaalam. Kahapon pa raw kasi niya nalaman yon ngayon niya lang daw naalala. Hindi kasi ako pumasok kahapon dahil nga doon sa family day ni Liam.

Lumabas ako ng kwarto ng may malapad na ngiti. Napatingin tuloy sa akin sila Nanay.

"Good morning!!" I greeted them.

Kumunot ang noo ni Nanay. "Masaya ka?" Tumawa siya.

I went to her and kissed her cheek. Sinunod kong halikan si Liam na busy doon sa pagkain niya. I went to kiss Theo on his lips pero agad niyang iniwas yon. Sumimangot ako.

"Tell your mother first."

Umirap ako sakaniya. "Nay, kami na ulit nitong panget na ito."

Ngayon siya naman ang nakasamingot. "Panget daw.." Bulong niya.

Ngumiti si Nanay sa amin at tumango. "Alam ko naman na mahal na mahal niyo ang isa't-isa. Sana nga lang natuto na kayo sa mga nangyari sa nakaraan. Huwag ng padalos-dalos."

I felt relieved knowing my Mom has gotten over it. Siguro kasi mas nauna niyang napatawad si Theo kaysa sa akin. She was really disappointed and sad. Galit din. But I guess, she doesn't like taking care of those kinds of feelings so she let go of it.

I remembered her telling me to just move forward. For my son. Because that's my priority. I should not care about the past because it will only bring pain and anger.

"I have something to tell din pala..." I smiled.

Theo walked towards me before leaning in to give me a peck on my lips. "What?"

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now