Chapter 12

226 11 0
                                    


Huminga ako ng malalim pagkatapos kong masave ang design ng bagong machine na dinidisenyo ko.

It took me almost what? A week bago natapos ang machine na yon. Ang sakit din sa ulo.

Napatingin kaming apat sa pinto ng biglang may kumatok doon. Since si Toby ang pinakamalapit sa pinto, siya na ang nagbukas.

"Delivery po. For Engr. Liana Patricia Resuardula?"

Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ko. My heart skipped a beat when I saw what it was.

A bouquet of flowers.

Theo.

"Lian, ikaw magreceive. Baka pag initan ako ni Sir Theo kapag ako ang pumirma dyan." Sabi ni Toby.

Ngumisi ako bago tumayo. May inabot sa aking papel ang delivery boy. Pinirmahan ko yon bago ko kinuha yung flowers.

"Sana all." Sabi ni Mara sa gilid ko pagkaalis ng delivery boy.

Tumingin ako sa kaniya. I stucked my tongue out before I  playfully flipped my hair.

"Shh. Oh, tignan niyo yung dadaanan niyo baka matapakan niyo buhok ni babae." Sabi naman ni Toby.

Tumawa ako sakanila. Almost a month na and I got used to their teases. Lalo na kapag nandito si Theo, wala silang ibang ginawa kung hindi asarin kami ng asarin.

Naging close din sila kay Theo. Tuwing dinadalhan kasi ako ng lunch noong nagsimula ako sa bagong project ay hindi na kami nakakalabas para kumain. Kaya Theo, being Theo, nagdadala mismo ng pagkain dito sa office. At siyempre, pati yung tatlo may pagkain.

"Hindi ba siya magdadala ng lunch. Hindi naman natin makakain yang bulaklak, Lian." Reklamo ni Eugene.

I glared at him. "Ang kapal ng mukha mo, ah."

Tumawa lang siya at umiling. Pinagmasdan ko yung bulaklak na pinadala niya. May maliit na note doon kaya agad kong kinuha at binasa.

Keep working hard, my beautiful and hard working engineer. But please, take care of yourself, too. I'll see you later.

— Theo.

Kinagat ko ang labi ko. Theo's been so sweet mula ng magsimula siyang manligaw. Natatakot na nga akong sagutin siya at baka biglang magbago. Sa una lang pala magaling.

But I've seen how he cared for my parents, too. Minsan nga, pag late akong nakakauwi, nadadatnan ko siyang nasa bahay at sila nanay? Ayun, busog na.

Kung gaano siya ka-thoughtful sa akin at sa kaibigan ko, ganun din siya sa magulang ko. Minsan, iniisip ko baka nagpapagood shot lang siya. Pero narealize ko, si Tatay, hindi yon nagpapauto sa mga ganon.

Pero close nga sila ni Tatay, e. Minsan kinukwento sa akin ni Theo na niyayaya siya ni Tatay na mangisda. Kaya lang daw yung schedule niya, hectic na rin.

"Oh, ayan na. May lunch na tayo." Sabi ni Toby ng marinig ang tunog ng cellphone ko.

His name on my contacts flashed on my screen. Napangiti pa ako lalo.

"Hello?" Sagot ko sa tawag niya.

"Baby, I'm outside your office. Can I come in?" Tanong niya.

Habang kausap ko siya ay tumingin ako sa maliit na salamin na nasa table ko. I saw Mara smirking at me.

"Sure, sure." Sabi ko.

Pagkababa ko ng phone ko ay saktong pagbukas ng pinto. Theo, in his white polo and maong pants, entered the room. Mukhang bagong gupit.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now