Chapter 34

284 10 2
                                    


Liam was more than happy ng malaman niyang maga-attend kami ng Daddy niya sa family day nila.

He was jumping while Theo's holding his hand. I took out my phone to take a picture of them. Nakakatuwa lang talaga. I even made it my lockscreen.

Nasa school na kami ni Liam ngayon. Mamaya, magsisimula na yung family day. Theo's wearing a plain shite shirt and a denim jeans, pinaresan niya pa nung black rubber shoes niya halatang mamahalin.

Si Liam naman halos kapareho na ng sa Daddy niya. He always copy his father's fashion. Nagmumukha tuloy silang pinabiyak na buko.

I am just wearing my white blouse and my slacks. With my black open toe heels, medyo naaabot ko na ang tangkad ni Theo kaya ang saya lang.

"Liam, huwag kang magtatatakbo muna! Pagpapawisan ka nanaman!"

Natawa ako ng makita ang itsura ni Theo na mukhang problemado sa anak. Kanina niya pa kasi sinusuway yong bata pero di siya pinakikinggan. Ayan, inispoil mo kasi.

Nilingon niya ako. "Help me, please?"

"Inispoil mo kasi. Hala, ikaw na bahala dyan." Binelatan ko siya at tumayo na para kumuha ng damit ni Liam doon sa dala naming back pack.

Narinig ko si Theo na namomoblema doon kaya mas lalo lang akong natawa. I took out a white t-shirt again and a towel.

Paglingon ko sa likod ko, nakapamaywang na si Theo habang tinatawag ang anak niya.

"Liam!" Napakamot siya sa ulo niya at halatang naiinis na. "Liereon Ammielson!"

Natigil sa pagtakbo ang anak ko ng marinig ang buong pangalan. Nakita niya na rin ang tatay niya na nakapamaywang at halata na ang galit sa mukha. Umiling ako.

That's what you get for spoiling your son, Theo.

Lumapit si Liam sa ama at agad na yumuko. Naupo si Theo para magpantay ang tingin nila ng anak. I walked towards them para punasan ang pawis ni Liam.

"I told you, huwag ka munang takbo ng takbo dahil hindi pa nagsstart tapos pawis ka na." Rinig ko ang maawtoridad na boses ni Theo habang pinagsasabihan ang anak.

"Sorry, Daddy." Sabi ni Liam at agad na niyakap ang ama. Theo sighed.

Ay wala na, finish na. Hindi na siya ulit galit.

Tumango si Theo at niyakap pabalik ang ama. He even kissed Liam's forehead bago ito kinarga. He stopped when he saw me behind him.

I smiled at the both of them. They looked so cute. Liam is really his son dahil sa ugali at itsura palang, hindi mo masasabing ako ang kamukha ng anak ko.

"Punas ka ng pawis, Liam."

Bumaba ang anak ko para mapunasan siya ng pawis. Naglagay din ako ng towel doon sa likod niya at baka matuyuan siya ng pawis.

"Ako din. Pinagpapawisan na rin ako, Mommy."

Umirap ako ng makita si Theo sa gilid ko. "Arte mo, malaki ka na."

Natigilan ako ng bigla siyang yumakap sa baywang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. I can smell his perfume and oh gosh, bakit parang nakakaaddict naman yata ang amoy non?

Tumakbo na ulit ang anak ko ng makita ang kaibigan nito. Hinayaan ko na siya dahil mukhang manonood lang naman yata sila ng videos doon sa cell phone nung batang kaibigan niya.

Humarap ako kay Theo para mapunasan ang pawis niya. Mula sa noo, hanggang sa mukha pababa sa leeg niya. Nagulat lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at ipinasok yon sa loob ng T-shirt niya.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now