Chapter 1

611 13 1
                                    


Hindi ko alam kung anong nangyari kay nanay at hindi ako kinurot sa singit kahit na sobrang nakakahiya yung nangyari kagabi.

Basta pagkatapos kong magpalit gamit yung damit ni Antonia, or Maan nalang daw, ay umuwi na kami agad. Pagdating namin dito sa bahay ay hindi man lang siya nagsalita.

Sayang, niready ko pa naman na ang singit ko.

Bumangon ako sa kama ko. Alas nuebe na ng umaga dahil maingay na sa labas. Ganitong oras ay kababalik lang nila tatay galing sa pangingisda.

"Lian!"

Tumayo na ako kaagad ng marinig si nanay sa labas. Pupunta na yan sa palengke basta ganyan.

"Gising na ako, Nay!" Sigaw ko pabalik.

Humarap ako sa salamin at tinali ang mahaba kong buhok. Natanggal na rin ako ng mga abubut sa mukha. Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos.

"Pupunta na ako sa palengke, Lian. Isarado mo ang pinto dahil sasama na sa akin ang tatay mo..."

Iyon lang ang bilin ni nanay sa akin. Paglabas ko ng banyo ay saktong palabas na rin sila ng bahay. Ngumiti ako kay tatay.

"Tay!" Tawag ko. Nang makita ako ay agad siyang tumawa. "Lalabas pala ako mamaya, nay. Maghahanap na ako ng trabaho."

Kumunot ang noo ni nanay. "Anong trabaho? Sa Maynila ka na magtrabaho! Wala kang makukuha—"

"Cecilla.." Tawag ni Tatay sakaniya. Ngumiti ako kay Tatay. The best talaga to, e.

"Ano nanaman, Leonicio? Wala iyang makukuhang trabaho dito!"

Tumawa nalang ako ng hilahin ni tatay si nanay para makaalis na sila. Huminga ako ng malalim bago sinarado ang pinto. Nilock ko yon bago pumasok sa loob ng kwarto ko.

Nilabas ko ang laptop ko. Binili ko lang ito noong nagaaral pa ako ng kolehiyo. Kailangan ko kasi. At dahil nga may scholarship ako, nakabili ako ng mga gamit ko.

Gumawa ako ng resumé ko buong umaga. Nakaramdam lang ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto para maghanda ng pagkain. Pananghalian tsaka agahan na rin.

Mag-isa akong kumakain sa kusina ng biglang may kumatok sa pinto namin. Napatigil ako at hindi muna gumalaw. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table at itinago iyon sa likod ko. Tinago ko naman siguro ang laptop ko kaya hindi nila iyon makikita.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ulit ng katok. Dahan dahan akong lumapit.

"Sino yan?" Tanong ko mula sa loob.

Wala akong nakuhang sagot kaya naman inabot ko yung walis tambo sa likod ng pinto. Dahan dahan kong hinawakan ang door knob bago iyon mabilis na binuksan.

Hinampas ko ng walis yung pumasok. Sa likod lang siya tinamaan kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.

"Hayop ka! Ang liit liit na nga nitong bahay namin tapos nanakawan mo pa hayop ka talaga!!!" Gigil kong sabi habang hinahampas ko siya ng tambo.

"Aray! Ouch! Wait, miss, chill—Aray!"

Natigil ako ng marinig ang boses niya. Pamilyar, ah?

"Tapos ka na?!" Galit siyang lumingon sa akin kaya halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

Yung tumulak sa akin sa pool kagabi! At dahil nga naalala ko ulit, itinaas ko ulit yong walis at akmang hahampasin ulit siya ng mabilis niya itong nasalag.

"Hindi ka pa tapos?" Hindi makapaniwalang saad niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?"

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now