Chapter 30

262 9 2
                                    


Buong meeting yata, pinilit ko yung sarili kong makinig doon sa empleyado kong nagppresent. Hindi ko na nireplyan si Theo at nagkunwaring abala nalang.

"How about the materials needed? How sure are you na hindi ito papalya kahit sa testing palang?"

The woman gulped and glanced at Theo once again. Umirap ako bago hinintay ang sagot niya sa tanong ko.

"I will have to check on the materials again, for the second time, Engr. Sa testing, yung capa—"

"In a scale of 1-100, how sure are you?" Dinirekta ko ang tanong ko sakaniya.

Sanay na dapat sila. Ganito naman talaga ako tuwing nagpapameeting ako at nagppresent sila, e. Mahirap magdisenyo at mag check ng mga ganito, akala siguro nila.

Mas mukha siyang kinabahan. Nanginig pa nga ang kamay niya habang inabot yung folder doon sa mesa. May binasa siya doon bago tumingin ulit sa akin.

"98%, Engr." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko muna yan iaaprove. I need you to be 100% sure. I'll give you time na pag-aralan yan. Don't worry, I won't pressure you."

Alam ko yung pakiramdam ng nappressure. Naalala ko nung bagong salta lang ako dito. Halos magkandaugaga ako noon para lang makatapos ng mga project. Naninibago ako kasi sobrang strict ng boss ko dati pagdating sa deadline. Hindi naman tulad ni Mayor noon sa Sta. Ana na pinagbibigyan talaga kami.

Sabay-sabay silang lumabas ng opisina ko. Nilingon ko si Theo na busy na ngayon sa laptop niya. Mukhang may trabaho din talaga siya na naiwan doon.

I wonder kung ano ng nangyayari sa Sta. Ana? Nang umalis kami doon ay hindi na kami kailanman nakibalita pa sa nangyayari doon. Ginusto na rin kasi talaga namin ni Nanay na matahimik.

Kumusta na kaya sila Aling Lelang? Baka naga-alala pa rin sila sa amin? Hindi naman kasi kami nakapagpa-alam noon. Ang sinabi lang namin ay lilipat kami kila Toby. Hindi na nasabing lilipat kami ng Tuguegarao.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Lumipat tuloy yung tingin sakin ni Theo mula sa laptop niya.

"Kumain ka na." Sabi niya bago ibanalik muli ang tingin sa laptop niya.

Tumango ako naupo ulit. Binuksan ko yung paper bag na bigay niya kanina. Sabi niya nakakain na siya kaya hindi ko na siya inaya.

The whole afternoon, nasa opisina ko lang siya. Lumalabas lamang kapag may kausap sa telepono na aniya, tungkol sa trabaho.

"Marami ka bang naiwang trabaho sa Sta. Ana? Pwede ka namang umuwi na muna. I promise to call you para makausap mo rin ang anak mo." Sabi ko.

May binabasa akong report pero naaawa na rin kasi ako sakaniya. Nakayuko siya dahil mababa ang table na nasa harap ng sofa para sakaniya. Masakit yon sa leeg.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ko iiwan ang anak ko dito."

Hindi nalang ulit ako umimik. Baka kasi magkasagutan lang kami kapag pinahaba ko pa. Kung ayaw niya, edi huwag niya. Basta ba hindi ako nagkulang ng paalala sakaniya.

Lumabas ulit siya ng magring ang cellphone niya. Ganon ba siya ka-kailangan sa Sta. Ana at bakit parang ang dami naman yatang tumatawag sakaniya.

I sighed and stood up. Kinuha ko yung laptop niya at nilapag yon sa table ko. Yung mga papel na nakakalat sa mesa, inayos ko at dinala rin doon sa table.

Bumalik siya at napatingin sa akin, kumunot ang noo dahil sa nasaksihan.

"Bakit yan?" Tinuro niya yung laptop niya.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now